Chapter 47

Kyrous POV

"dude ano yung ginawa mo?!" sigaw sakin ni Jaden. Nasa kwarto ako ngayon, ayokong pumasok. Ayokong bumangon, ayokong kumain, ayokong maligo. Basta ayokong gumalaw! Pagod nako. Pagod na pagod na ko. "antanga mo! Lam mo ba yon?! Sobrang tanga mo!" sigaw nya.

Ilang araw na akong hindi pumapasok. Wala akong gana! Wala na akong ganang mabuhay!

"dude bat mo ba kasi ginawa yon?! Nakakuha kapa ngayong ng pasa tch!" sigaw nya.

Oo me pasa ako, isang black eye, isang pasa malapit sa bibig. At hanggang ngayon masakit parin yung natuhod. Ang sadista nyang babae. Oo si Den ang gumawa sakin non.


* F L A S H B A C K *

Natapos na kaming mag usap ni Sam, nakalabas nadin sya. Napaupo ako sa isang silya at napayuko. Damn it!

Makita ko palang na nasasaktan na yung babaeng mahal na mahal ko. Nasasaktan nako. Hindi ko gusto yung ginawa ko maniwala man kayo o hindi.

Gusto kong iuntog yung sarili ko para matauhan sa ginawa ko. Gusto kong pagmumurahin yung sarili ko. Nakakatang ina ako! Wala akong kwentang tao!

"oy anyare dude?" tanong ni Francis "bat parang umiiyak si Sam nung lumabas? Anong sinabi mo?" tanong nya.

Napatingin ako sa kanila, at nakita ko si Den na kasama parin pala namin. Halatang naghihintay sa sasabihin ko.

"wala na kami" sinubukan kong wag mautal para sabihin yon.

"ano?!!!" tanong nilang lahat

"w-wala na k-kami" pag uulit ko. Sinubukan kong wag humikbi pero trinaydor ako.

"bakit?! Anong nangyari Kyrous?!" si Den. Alam kong susugudin ako nito ng tanong. Best friend eh.

"ba't sya nakipagbreak?" tanong ni Jaden

"ako ang nakipagbreak" sagot ko. Nanlalaki ang mata nila dahil sa sinabi ko.

"ano?!!!" mas lalong nagtaka ang mga mukha nila.

"bakit mo ginawa yon dude?!" tanong ni Jaden

"gago kaba?! Alam mo bang ilang araw na naghintay yon para lang makita ka, alam mo bang sa araw na nawala ka hindi sya kumain kaya nagkaulcer pa sya?! Alam mo bang gabi gabi umiiyak yon kasi hindi ka nalang daw nagparamdam bigla?! Tapos ngayon namang nagpakita ka?! Nakipagbreak kapa?! Antanga mo Kyrous!!! SOBRANG GAGO MO! lam mo yon hah?! Gago ka!!! Sobrang gago mo!! Hayup ka!! Dimo naba sya mahal hah? Nakahanap kana ba ng iba?!" sigaw nya sa mismong mukha ko

Hindi ko naman sya masisi, nasaktan ko yung bestfriend nga. At alam kong ayaw nya iyong mangyari.

"MAHAL KO SYA! At ayaw ko syang mawala! Ayaw kong makitang nasa iba sya! Pero kailangan!" sigaw ko din pero napangisi lang si Den. Yung dalawang mokong natulala nalang tch. Pero ok lang na pabayaan nila akong mabugbog nitong Den na to. Ok lang. Kasalanan ko naman.

"HAH! mahal mo?!!! Mahal mo?!! Pero pinapaiyak mo! Mahal mo? Pero sinasaktan mo! Mahal mo? Pero binabalewala mo! Mahal mo? Pero hinahayaan mong mag isa! Mahal mo? Pero mas pinaparamdam mo na wala kang pake sakanya! Sabe mo hindi mo sya kayang mawala, bakit ka gumagawa ng dahilan para mawala sya?! Hah?!! Ayaw mong makita syang nasa iba, pero patuloy mo syang tinutulak palayo sayo. Ah oo nga pala kase MAHAL MO!" tatango tangong sabi ni Den. "Pakyu ka!! Pakyu ka Kyrous! P*t*ng *n* mo!!!"

Nagulat nalang ako ng bigla nya akong sinapak ng pagkalakas lakas. Damn it. Parang lalaki kung manapak!

"gago ka!" sigaw nya saka nya ulit ako sinapak ng isa pang napakalakas. Kaya napaupo ako sa sahig. Damn it!

"oy Den tama na! Maawa ka naman sa kaibigan namin!" si Francis.

"maawa?! Tss" ngimisi sya. "naawa ba sya sa kaibigan ko hah?! Naawa ba sya?! Inisip ba nya kung anong mararamdaman ng kaibigan ko hah?! P*t*ng *n* naman! Iniisip nya ba yon? HINDEE! kaya bagay lang sa kanya yan! Hindi pa sapat yan eh!!!" turo nya sakin.

Akmang sasapakin nya ulit ako ng umawat sina Jaden at Francis. "tama na Den!" sigaw ni Jaden "tara na nga!" dagdag pa nya saka nya ako tinulungang tumayo. Maglalakad na sana kami ng maramdaman kong may humawak sa braso ko at pwersa akong hinila.

Nagulat nalang ako ng bigla akong tinuhod ni Den! "aaraaayyyyyy!!!" namilipit ako sa sakit kaya napahiga ako sa sahig.

"bagay yan sayo! Bagay na bagay sayo yan GAGO!!" sigaw nya saka umalis. Tinulungan ako nila Jaden na tumayo ulit. Pero hindi ako makalakad! Ansakit!!

"sadista naman ng babaeng yon" nakakunot ang noong sabi ni Jaden.

"tch! Black belter yon" si Francis. Napatingin kami sa kanya.

"pano mo nalaman?!" tanong namin ni Jaden

"nagsearch ako about sa kanya" kibit balikat na sagot nya

"gusto mo ba sya?" si Jaden

"wala!" sigaw nya

"obvious ka masyado dude" si Jaden

"hindi nga! Bahala ka sa buhay mo kung dika maniniwala! Nagsearch about sa tao, gusto agad?! Tch! Tara na nga!" sigaw nya.

Napakunot ang noo komg tumingin sa kaibigan kong papalabas. Sa totoo lang ngayon ko lang sya narinig na sumigaw.


Den's POV

Gaya nga nong sabi nung doctor kahapon. Agad na lumipad sina Sam papuntang America. Hindi na ako nagkapagpaalam masyado dahil umalis nako don. Hindi ko gusto yung mga narinig ko about kay Sam.

Sana walang mangyari sa bestfriend ko. Gusto ko mang sumunod sa kanila pero may klase. Ayaw na ayaw ni Sam na may naaabala dahil sa kanya. Oo abala daw sya sakin pero ang totoo hindi naman talaga. Kailan pa naging abala ang bestfriend? Abno talaga yon.

"hello, tita?" tanong ko sa kabilang linya. Tinawagan ko si tita, mommy ni Sam para tanungin kung kamusta na sila don. "kamusta po si Sam?" tanong ko

["ok na sya hija. Nagpapahinga nalang"] sagot ni tita. At dahil don nabawasan naman yung kaba ko. Actually, nung umalis sila mas lalo akong kinabahan. Kaya nagpapasalamat ako dahil ligtas sya.

'thank you lord'

"kailan kayo uuwi tita?" tanong ko.

["hindi pa namin alam hija kailangan pa kasing i test si Sam baka magkaroon ulit sya ng butas sa puso kaya kung maari daw. Dito muna kami"] sagot nya. Nanlumo ako, kala ko makakasama ko ulit bestfriend ko. Bakit parang pinaglalayo kami?

"ahh eh pano po may class po kami?" tanong ko

["inaasikaso na yan ng tito mo. At for tge mean time dito na sya mag aaral"] sagot nya

Lalo akong nanlumo. Ok na nga sya pero lalo namang lumayo. Paniguradong pagsumunod ulit ako don, papagalitan nako nila mom. Lalo na si ate. Wala akong magagawa kundi maghintay nalang sa pagbalik nya.

Ngayon palang namimiss ko na sya ano pa kaya kung mag isang buwan na. Di bale 5 months nalang at matatapos na kami.

Sa wakas graduate na kamiii. Pero kulang parin kasi syempre diko kasama bestfriend ko. Haysst pero ok lang at least matatapos na kami. I'm ready for the next chapter of our lives.

Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top