Chapter 45
Den's POV
Nadatnan ko si Sam natutulog ng makarating ako sa hospital. May isang nurse na nagchecheck sa kanya. Naka confine sya. Lumapit ako sa kanila. Napatingin sakin yung nurse saka ngumiti.
"kaibigan kaba nya?" tanong nya
"opo, ano ping nangyari sa kanya?" tanong ko
"may ulcer sya hija kaya nahimatay sya" sabi ng nurse "maiwan ko muna kayo at may ichecheck lang akong pasyente" sabi nya tumango ako. Tinitigan ko si Sam, hindi ko napapansin sa nagdaang araw pumayat pala sya. Medyo nangingitim pa yung gilid ng mata nya.
Tinawagan ko sina tita kasi medyo maggagabi na kasi. Sinabi kong nahospital si Sam, pupunta naman daw agad sila dito.
Nakatingin lang ako kay Sam nang bigla syang magmulat pero napapikit din sya ng nasilaw sya sa ilaw. "aww" sabi nya ng mahila nya yung nakaswerong kamay nya. "bakut ako nandito?" tanong nya, saka umupo tinulungan ko naman.
"nawalan ka ng malay kanina, tsk!" sigaw ko sa kanya "sobra akong nag alala sayo potek. Akala ko mauulit nanaman yung nangyari noon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sayo kaya Sam umayos ka naman!" sigaw ko pa
"sorry na" nakangusong anya
"hindi kaba kumakain?" nakakunot nuong tanong ko
"kumakain" sagot nya
"tss, eh bat ka nagkaulcer aber?" taas kilay na tanong ko
"hindi ako kumain kagabi tsaka kaninang umaga eh tapos kaninang tanghali"
"aannoo??!!!!" sigaw ko "may balak ka bang magpakamatay hah? Kung may balak ka! Magbigti ka o di kaya maglaslas ka. Kung ayaw mo naman sa ganon magpakalunod ka nalang!" sigaw ko, ngumuso naman sya
"may magagawa ba ako kung wala akong gana?" tanong nya
"wala kang gana?! Dahil lang sa wala kang gana nagkaganyan ka!!! Isipin mo naman Sam kung sino yung mga taong nag aalala sayo. Kasi kung may mangyaring masama sayo, ewan ko nalang" inirapan ko sya. Tokke
"kaya nga sorry na" sabi nya
"sorry sorry. Hintayin moko dyan at biili ako ng pagkain! Kaloka!" sabi ko saka padabog na umalis ako sa hospital.
Sam's POV
Sarili ko lang kasi iniisip ko, pano naman yung nag aalala sakin? Sorry. Napayuko ako, naluluha. Walang paramdam si Kyrous kahapon pa kaya ako nagkakaganito. Hindi ko naman sya masisisi kung ayaw nya akong makita o makausap. Ang sakin lang naman ay kung ano biglang nangyari.
Kahit mag usap lang kami, kung bakit wala syang paramdam sakin? Kung bakit parang pinagtataguan nya ako? Kung bakit ayaw nya akong makausap? Kung bakit hindi nya sinasagot yung mga text at tawag ko. Hindi naman kasi ako manhid para hindi masaktan ng ganto.
Kahit sabihin na nyang ayaw na nya ako basta magpakita lang sana sya sakin, basta kausapin nya lang ako. Wag yung ganto. Kasi nahihirapan ako. Andaming tanong sa isip ko na sya lang ang makakasagot pero hindi sya nagpaparamdam sakin eh.
Nandito na ako ngayon sa bahay, pagdating na pagdating ni Den kanina sa hospital kasama na nya si mom at kuya. Syempre pinagalitan muna ako ni kuya, sobrang nag alala daw sya. Pati si mom. Nagsumbong din si Den na di ako kumain kagabi at kaninang umaga. Pinagalitan nanaman ako kasi ang alam nila kumakain ako.
Hindi kasi ako nakikisabay sa kanila ngayon. Ayaw ko talaganng kumain. Kaya kunwari nagpapahuli ako pero di talaga ako kumakain.
Hawak ko yung phone ko, pero wala man lang kahit isang text si Kyrous. Kahapon pa ako naghihintay pero wala naman akong nahintay, tch. Medyo sumasakit pa yung tiyan ko, walang laman eh. Kumain ako kanina sa binili ni Den pero konti lang ang kinain ko kaya gutom nanaman ako. Pero wala akong ganang bumaba. Wala akong ganang kumain.
Matagal akong tumulala sa cellphone ko. Ewan ko, kahit alam kong wala naman akong matatanggap kahit isang text umaasa parin ako namagtetext sya kahit walang kasiguruhan. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
* K I N A B U K A S A N *
Wala akong ganang bumangon pero kailangan kasi may klase pako. At kanina pa katok ng katok si mom.
"Samy? Wake up baby" sabi nya saka nya sinabayan ng katok. "baby wake up. My klase kapa" dagdag nya.
Pilit akong bumangon sa kama at pinagbuksan sya ng pinto. Sumalubong sakin ang nakangiti ngunit halatang nag aalala sya. "ok kana baby?" tanong nya tumango naman ako saka pilit na ngumiti "wag ka nalang kayang pumasok?" dagdag nya. Umiling ako.
"no mom. Papasok po ako. Hindi naman na po masakit eh" sagot ko. Tumingin sya ng nakasimangot sakin.
"come here. I want to hug you" sabi nya. Niyakap nya ako ng pagkahigpit higpit. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Ayaw kong nakikita nila akong umiiyak.
"sige na maligo kana, naghihintay na ang kuya at dad mo sa baba" sabi ni mom humiwalay ako sa pagkakayakap nya saka ako. Tumango at pilit na ngumiti.
Pumasok na ako, don ko nailabas ang nagbabadyang luhang kanina ko pa pinipigilan. Naalala ko nanaman kasi si Kyrous.
I miss him so much.
I miss his presence, his sweetness, his face, his touch, his smile, his laugh, his hug, ang his kiss. I miss it all!
Gustong gusto ko na syang makita! I badly miss him. Napayuko muna ako bago ko naisipang maligo.
Hinayaan kong dumausdos ang malamig na tubig sa katawan ko. Pagkatapos akong naligo agad akong pinulupot yung twalya sa katawan ko. Napahinto ako sa salamin at nakipagtitigan ako sa sarili kong mata.
Medyo namumugto eto, namumula mula. Pati yung tuktok ng ilong ko namumula rin. Pinikit pikit ko yung mata ko at huminga ng malalim, ayoko ng umiyak!
Nagpalit lang ako at bumaba narin. Dumeretso ako sa dining at nadatnan ko sina mom, dad, at kuya. Napatingin sila sakin kaya yumuko ako. "good morning po" sabi ko saka ako humalik sa kanila isa isa.
"m-morning" sagot nilang tatlo. Napaangat ako ng sabay sabay silang bumati at sabay sabay ding nautal. Tinignan ko sila at bakas sa mukha nila ang pag aalala.
"are you ok Samy?" tanong ni kuya. Pilit akong ngumiti.
"of course kuya" pilit na ngiting sagot ko. Umupo ako sa upuan ko at kumain.
"pwede ka namang hindi na pumasok hija" napatingin ako kay dad
"no dad. Papasok po ako" sagot ko. Huminga naman sya ng malalim. Saka tumingin kay mom, nagkibit balikat lang naman si mom.
"pero baka hindi mo pa kaya Sam" si kuya na halatang nag aalala
"kaya ko kuya" sabi ko. Napabuntong hininga nalang sya at kumain.
"sumabay kana sakin" si kuya.
"what?" natatawang kunwaring tanong ko
"sumabay kana sakin" ulit nya
"wohhhh bago yan ah?" nakangiting tanong ko pero hindi na sya sumagot kumain nalang.
Alam nilang walang paramdam sakin si Kyrous kasi dati rati halos araw araw pumupunta sya dito. Alam nilang hindi kami ok pero ok naman kami diba? I just----
'Augh! Stop it Sam! Just finish your food at pumasok ka nalang. Wag ka ng mag isip isip ng kung ano ano!'
I check my watch kung anong oras na at 7:00 palang, 7:30 ang start ng class ko ngayon. Pagkatapos naming kumain, nakisabay ako kay kuya. I mean sinabay nya ako. Ngayon ko lang nakita na umuulan pala.
* S C H O O L *
"dito ka muna, kukuha lang ako ng payong. Nakalimutan ko yung payong sa bahay" sabi nya
"tatakbo nalang rin ako" sabi ko. Sinamaan nya ako ng tingin
"kagagaling mo lang sa sakit tapos lulusong kapa sa ulan?" nakangiwing tanong nya
"pero kuya, ulcer ang naging sakit ko at hindi lagnat. Tch!"
"sige ipagmayabang mo pa yung pagka ulcer mo. Hintayin moko dito!" sigaw nya saka patakbong lumabas.
Wala naman akong nagawa kundi hintayin sya. Iba kasi yun pagnagalit. Nagiging lion. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik din sya na may dalang payong. Binuksan nya ang pinto.
"san mo kinuha yan?" tanong ko
"kay Janine" sagot naman nya
"nagpunta kapa sa building nyo? Eh anlayo non?" tanong ko
"nakasalubong ko sya jan sa pathway. Labas kana jan at naghihintay ang mahal ko" sabi nya. Napairap nalang ako. Sana all pisting yawa.
Kung hindi lang biglang nagganon si Kyrous baka sweet padin kami----augh. Shut up! Shut up!
"andami naman ata nyang dalang payong?" tanong ko
"kay Rina yung isa"
"sino yon?" tanong ko
"bestfriend nya" sagot naman nya. "bilisan mo jan! Baka malate kapa sa klase mo" dagdag nya
"tsk. Wag OA kuya 7:05 palang. 7:30 klase ko. By the way thank you kuya. Ibabalik ko nalang mamaya" sabi ko saka ako lumabas ng kotse.
Nang makarating ako sa building namin. "Sammmmm!!!" napatingin ako sa dulo ng hallway ng may sumigaw sa pangalan ko.
Kumunot ang noo ko ng makita ko si Den na tumatakbo. "m-may s-sasabih-in ako t-eka" hingal nyang sabi
"ano ba kasi yon?!" kunot noong tanong ko.
"si a-ano kasii. Si a-anoo" sabi nya. Umirap ako.
"sinooo?!" sigaw ko habang nakakunot ang noo
"si Kyrous!" nabiglang sigaw nya
Nawala ang kunot ng noo ko. Napalitan yon ng ngiti. Sa wakas makikita ko na sya.
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top