Chapter 44

Sam's POV

"hi Sam morning!" sabi ni Jaden pagkapasok sa room

Ngumiti ako ng pilit "hmm, morning" sagot ko. Biglang kumunot yung noo nya

"ba't namumugto yung mata mo? Nag away ba kayo ni Kyrous?" tanong nya. Umiling ako.

"busog lang ako sa tulog" pagsisinungaling ko

"ah. Nakausap mo ba si Kyrous kagabi? Ano? Nasa bahay ba nila?" tanong nya pa, nakita ko ang pag aalala sa mata nya.

"hindi eh, nakatulog na ata nung time na yon. Kaya hindi nya ako sinasagot" sagot ko

"ah" sagot nya saka lumapit sa upuan nya.

"good morning to everyone!!" naoatingin kami sa pintuan ng biglang sumigaw si Den. Nakangiti syang pumasok, agad kumunot yung noo nya nung makita nya ang itsura ko. "anong nangyari sa mukha mo?!" tanong nya

"busog lang akong natulog" sabi ko saka pilit na ngumiti

"anong busog?! Hoi Sam wag ako tinotalkshit mo! Alam ko kung kailan busog sa tulog ang isang tao! Busog ba yan? Tas may eye bag?" tumaas yung kilay nya "wag ako lokohin mo Sam kasi nung ako nasaktan ganyan kinalabasan ng itsura ko! Ano nag away ba kayo ni Kyrous?!" tanong nya

"hindi daw! Yan yung tinanong ko sa kanya eh" sabat naman ni Jaden, napayuko nalang ako

"ano ba talaga nangyari hah? Magsabi ka nga ng totoo? Pinagalitan kaba sa inyo o nag away kayo ni Kyrous?!" hindi ako sumagot. Nakayuko lang ako, nagsimula nanamang magtubig yung mata ko pero pinigilan ko yon. "Hoi Sam kinakausap kita jan" sabi nya. Hinawakan nya yung baba ko at tinaas yung mukha ko. "ba't naiiyak kana?" humina yung boses nya at napalitan ng lungkot at awa.

"wala to" sagot ko. Tuluyan ng nahulog yung luha ko, agad ko itong pinunasan saka pilit na ngumiti "ok lang ako" sagot ko.

Tumingin si Den kay Jaden. "may alam ka ba dito?" tanong nya saka nya ako tinuro ng nakapamewang.

"magtatanong ba ako kung alam ko?" sarkastikong tanong naman sa kanya ni Jaden "malay ko ba jan" sagot pa nya

"wala bang sinasabi sayo si Kyrous?" tanong nya pa kay Jaden

"wala naman, hindi nga nagrereply sa mga text ko eh. Hindi din nya sinasagot tawag ko" sagot nya

"sayo? Nakausap mo ba? Ok lang ba kayo?" tanong nya. Ngumiti ako ng pilit saka nagkibit balikat. "nag away ba kayo?" tanong nya pa

"hindi naman" sagot ko

"eh bakit ganyan itsura mo? Umiyak ka diba?" tanong nya pa

"wala nga to" sabi ko

Tinignan ko si Jaden at nakatingin sya sakin, nalulungkot at naaawa. Nginitian ko sya ng pilit "alam kong hindi kayo ok eh" sabi ni Den saka umiiling iling pa

"alam mo naman pala" bulong ko pero narinig nya ata yon.

"hindi kayo ok?!" sigaw nya sa mukha ko

"ewan ko" sagot ko

"anong ewan mo?" tanong nya

"ewan ko kung ok kami o hindi. Hindi sya nagpaparamdam sakin eh. Ni text wala, ni tawag wala. Ewan ko" sabi ko. Pinapalakas ko yung loob ko.

Lumipas ang ilang minuto nagbuzzer na meaning lang non ay magsisimula na ang class pero wala pa din si Kyrous. May balak ata talaga syang hindi talaga magpapakita sakin.

"hindi papasok si Kyrous?" si Den

"ewan ko. Hindi ko pa nga nakakausap diba?" sarkastikong tanong ko naman

"tch. Hoi Jaden!" sigaw nya. Nakakasigaw pa yan kasi wala pa si miss

"oh?"

"hindi ba papasok yung kaibigan mo?!" tanong nya

"malay ko, hindi nga ako sinasagot diba?!" sigaw nya din.

Tumayo ako "hoi Sam! San ka pupunta? Magsstart na klase naten!" sigaw nya.

"ang ingay nyo. Magpapahangin lang ako" sagot ko. Hindi ko na sya hinintay pang sumagot basta deretso lang akong naglakad.

"hoi Sam!" dinig kong sigaw ni Den.

Naglakad lang ako habang nakayuko. "oh ms. Louise san ka pupunta? Magkaklase na tayo" napaangat ako ng tingin ng biglang may nagsalita! Si miss Swing! Nakakunot ang noo nyang nakatingin sakin. Pisting yawa naman oh!

'mag isip ka ng dahilan!'

"ah m-miss, p-pwede po bang mag excuse muna ako? Ansakit po kasi ng ulo ko" pagdadahilan ko.

Hindi naman talaga masakit yung ulo ko, yung puso ko yung masakit.

Nawala naman yung pagkakakunot ng noo nya. Napalitan iyon ng pag aalala. "ganon ba?" tanong nya tumango ako. "oh eh san ka pupunta nyan? Mas maganda kung sa room ka nalang magpahinga o sa clinic" sabi nya

"papunta na nga po ako don miss" sagot ko nalang. Sa totoo lang, sa garden ako pupunta.

"ganon ba? Sige pumunta kana don. Magpagaling ka" sabi nya. Dumaretso na sya kaya naglakad na din ako.

Habang naglalakad ako, ramdam kong sumisikip yung dibdib ko. Hindi ako masyadong makahinga! Wag naman ngayon please. Nagtuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa bigla nalang umikot at nagdilim yung paningin ko.

Den's POV

Lumipas ang isang period ng hindi bumabalik si Sam. Loko yon ah. Nagpanggap pa syang may sakit? Tsk. Sinabi kasi samin ni miss na nag excuse daw sakanya si Sam kasi masakit daw yung ulo nya. At nagstay daw sa clinic.

Kaya naman nang matapos yung second period namin agad akong pumunta sa clinic. Kasunod kasi ng class namin ay break. Pagdating ko sa clinic wala si Sam!

'San nagpunta yon?'

Nilibot ko pa yung mata ko sa buong clinic pero wala talaga sya don! "may hinahanap ka?" tanong nung babaeng sa tingin ko mas matanda sya samin pero maganda sya.

"ah nagpunta po ba si Samantha dito?" tanong ko

"ah wala pa namang pumupunta dito" sagot nya

'loko talaga yon, sabi nya magsstay sya sa clinic?! Tch!'

"pero baka sya yung dinala sa hospital" dagdag nung nurse.

"po?" ulit ko

"may dinala kasing babae sa hospital kanina, nawalan sya ng malay" sabi nya. Kinabahan ako, shet wag naman sanang si Sam yon! Pakshet talaga!

"sino daw po yon?" nanginginig na ang kamay ko. Baka kung anong mangyari don, sana hindi sya yon.

"hindi ko natanong kasi agad syang dinala eh" sabi nya

"ay sige po thank you nalang po" sabi ko. Lumayo ako ng konti saka ko nilabas yung phone ko. Nanginginig pa akong pinindot yung number ni Sam.

Nagring lang lang yon ng dalawang beses ng may sumagot don "Sam? Asan ka? Hindi ka na pumasok kanina? Anong nangyari sayo?" tanong ko. Tinignan ko pa yung phone kung sya yung natawagan ko kasi hindi sya nagsasalita. "Sam nandyan kaba?" tanong ko

"wala syang malay kanina pa hija" sagot nung medyo may katandaan na, halata naman sa boses nya.

"po?"

'so sya nga yung tinakbo kanina? Anong nangyare? Ba't bigla syang-----'

Shet! Mas kinabahan ako. May sakit sa puso si Sam! Baka dinamdam nya masyado yung hindi pagkausap sa kanya ni Kyrous. Kung bakit bigla kasing hindi nagparamdam yung lalaking yon.

Shet talaga! Pakshet! Pano kung may mangyari sa kanya? Ayoko nang maulit yung nangyari noon nung nasa States pa kami.

* F L A S H B A C K *

Nasa school kami ngayon at Interhigh. Nandito kami ni Sam sa gym habang nanonood kami ng basketball.

Sigaw kami ng sigaw ni Sam. Syempre nandon yung crush naming pareho. At nandon din yung bestfriend namin.

"GOOO JAMINELLL!!!" sigaw ko sa pangalan ng crush ko

"GOOOO RAVEEENNN!" dinig kong sigaw ni Sam, tinignan ko sya ng nanunukso at naglush naman ang bruha.

"GOOOOOO JAMINEELLL!!!" sigaw ko ulit hahahha

"GOOO RAVEENNNN" sigaw din ulit ni Sam

"oy nakanguso si Ethan walang nagchecheer sa kanya" natatawang anya ni Sam. Tumingin ako sa court at nandon nga si Ethan na nakanguso at nakatingin samin. Narinig nya atang hindi namin sinisigaw yung pangalan nya. Hahaha. "on three" sabi ni Sam. Nagets ko naman agad yon.

"one"

"two"

"three"

"GOOOOOO EETTHHHAAANNN!!!!" sigaw naming pareho sobrang lakas non, kaya may napatingin din saming mga babae. Inirapan pa kami, sa totoo lang maraming nagkakagusto kay Ethan dito. Ngumiti si Ethan samin saka nagthumbs up.

Marami kaming haters ni Sam simula nung nagtransfer kami dito kasi naman, nakakasama, nakakausap, nakakabonding namin yan si Ethan. Sila hindi. Kaya naiingit sila. Peymus kasi yang bestfriend naming yan hahaha.

Pero marami pa din naman kaming kaibigan pero di lang namin alam baka plastic lang yung mga yon. Syempre kaibigan namin si Ethan kaya siguro nakikipagfriends din sila samin. Plastic ewww.

"isa pa?" tanong ko kay Sam. Tumango ito., hinihingal na kaming pareho dahil kanina pa kami cheer ng cheer. Yung tatlo lang naman chinicheer namin hahaha.

"GOOOO EETTHHAANNN!!!" sigaw pa naming dalawa. Tumingin ako kay Ethan at nanlalaki yung mata nya, napatawa naman ako. Nakita ko ang pag aalala sa mata nya kaya napatingin ako sa tinitignan nya.

Si Sam!

Hawak nya yung dibdib nya at parang nahihirapan syang huminga! Kinabahan ako dahil sa itsura nya palang nakakaawan na.

Napaupo sya at nakahawak padin sa dibdib nya "hindi ako makahinga" sabi nya. Hindi ako makagalaw! Hindi ko alam ang gagawin ko! Pakshet! Napawalang kwenta kong kaibigan!

"what happen?" si Ethan, nasa tabi na pala namin sya. Hindi na nya ako hinintay pang sumagot at binuhat si Sam ng pang bride style. Natulala ako, anong gagawin ko? "Den let's go!" sigaw ni Ethan sakin.

Nang makarating kami sa hospital agad na dinara sya operating room. "call her parents" utos sakin ni Ethan

"nasa Pinas yung mga magulang nya" sagot ko naman

"her guardians here!" sigaw nya. Napasabunot sya sa buhok nya saka sinipa sipa yung wall.

"calm down" sabi ko hinawakan ko yung braso nya "just calm down Ethan" sabi ko. Tumulo yung luha ko. Humarap sya sakin saka nya ako niyakap.

"magiging o-ok din sya diba?" tanong nya

"o-oo" humihikbing sagot ko

Bumukas yung pinto kaya humiwalay ako sa pagkakayap ni Ethan. "how's the patient doc?" tanong ni Ethan sa kanong Doctor.

Yumuko yung doctor saka tumingin samin, umiling ako saka tumulo yung luha ko. "no" sabi ko

"I'm sorry but she didn't make it" sabi ng doctor

Napapikit si Ethan sa galit! "tangna!" sabi nya saka nya sinuntok yung pader. Ilang beses nyang sinuntok yon. Ilang beses ko din syang pinigilan.

May isang nurse na lumabas na mukhang natataranta. Kaya napatingin ako don, huminto din si Ethan sa pagsusuntok at tumingin din sa nurse "Doc the patient, shes ola" sigaw ng nurse. Kumunot ang noo ko nung agad na pumasok yung doktor.

"anong sabi ng nurse Ethan?" tanong ko. Napangiti sya saka nya ako niyakap "buhay sya" sabi nya.

Note: sorry sa wrong grammar at errors. But hope you like it.

Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top