Chapter 40

Sam's POV

Gabi na pala nang makarating kami sa bahay. Si kuya lang ang nadatnan namin ni Kyrous. "kahit kelan antukin ka talaga" sabi ni Kuya saka tumayo

"good evening bro" bati Kyrous kay Kuya

"good evening" pormal na sagot naman nito

"tayo na sa dining, kanina pa naghihintay sina dad" sabi nya seryosong anya.

Nagkatinginan kami ni Kyrous, nagkibit balikat ako. Pagkarating namin sa dining. Maraming pagkain na ang nakahanda. Mukhang kami nalang talaga yung hinihintay nila.

Napatingin samin sina dad at mom. "good evening po tita, tito" bati ni Kyrous sa kanila, nagmano pa ito. Lumapit din ako sa kanila saka nagmano din. Ngumiti sila pareho.

"why don't you introduce him to us" nakangiting anya ni mom

Ngumiti akong tumingin kay Kyrous saka binalik yung tingin ko kina mom and dad.

"mom, dad, kuya Kyrous Axton po, boyfriend ko" ngumiti silang lahat sakin.

"take your sit hija, hijo" masayang sabi ni mom. Tinulungan naman akong umupo ni Kyrous.

He sitted beside me. "let's eat" sabi ni dad. Wala ngumimik at kumain nalang. "so how's your date?" dad suddenly asked.

"ok naman po, masaya" sagot ko habang nakangiti

"how 'bout you hijo? Did you enjoy your date?" tanong ni dad kay Kyrous.

"of course tito" sagot naman nya.

"by the way, how's your dad?" tanong ulit ni dad

"ok naman tito, still doing good" sagot nya. Tinignan ko sya at napangiti ako, napangiti din sya.

"anong meron sa anak ko bakit mo sya nagustuhan?" biglang ngiting tanong ni mom, napayuko ako dahil sa hiya.

"actually po tito, ang nagustohan ko sa kanya is astig sya" napatingin ako sa kanya at kina dad at mom yung tingin nya. Nagtaka ang mukha nila.

"astig?!pfft" si kuya. Natatawa pa sya, ansama neto. "dahil yan sa galaw mo Sam, mukha ka kasing lalaki kung gumalaw, pati ibang suot mo panglalaki!" si kuya saka tumawa

"pano mo naman nasabing astig sya hijo?" dad asked, natawa din sya dahil sa sinabi ng mokong na to. Kaltukan ko kaya to?

"cause she also plays mobile legend tito, and I find it cool. Iba kasi sya sa ibang babae, yung iba po kasi ayaw na ayaw nila yung mga online games pero sya po she prefer playing online games than to go shopping" sagot nya. Napapikit ako. Patay ako kay dad nito.

"hmm, Sam didn't I told you to stop playing that game?" dad asked habang seryosong nakatingin sakin.

"a-ahhh d-dad kasi po.....k-kasi po a-ano..." hindi mapakali ang mata ko, pilit na humahanap ng sagot. Pakshet. Love ba't mo pa kasi sinabi to?

"dad it was my fault" sabat naman ni kuya kaya napatingin ako sa kanya. He gave me the look 'I got it' "hindi na sya naglalaro noon, pero pinilit ko sya kasi kailangan ko ng kakampi" sabi nya

"kailangan pa ba ng kakampi don?" tanong naman ni mom

"of course mom, para maging malakas at para mas madaling tumaas yung rank" sagot ni kuya, hindi ako makaimik.

"as I've said, that was my fault, sorry dad" sabi ni kuya.

'You're the best kuya ever!'

Si kuya lagi sumasalo sa mga mali ko. She always save me from dad kung pinapagalitan ako ni dad.

"Is that so? Pero hindi sa lahat ng oras yan ang inaatupag nyo. You should two study hard. You wouldn't use that in the future. Mag aral kayo ng mabuti hindi para samin kundi para sa inyo, para sa sarili nyo for your future" sabi ni dad.

"hmm, I agree" sagot ni mom "kailangan nyong mag aral ng mabuti at wag puro laro, lalong lalo kana Gaby. You're a graduating so do your best. Pati ikaw Samy gragraduate kana ng 4th year high school" dagdag nya

"mom...even we always play ml..."

"wait..what's ml?" mom asked

"mobile legends mom...as I have said even we always play 'mobile legend' we're still doing good mom, dad" malumanay na sagot ni mom.

"pero wag na wag nyong pababayaan ang pag aaral nyo. Ikaw hijo? Naglalaro ka din ba ng ganyan?" tanong ni dad

"uhm opo tito, pero alam ko naman po yung limits ko" sagot nya

Tumango tango lang si dad "ah tito?" napatingin ako kay Kyrous ng magsalita sya

"bakit?" dad asked

"ipapaalam ko po sana si Sam" sabi nya, nagtaka naman si dad

"para saan?" tanong nya

"my parents want to meet her po kasi" sabi nya

"is that so?...kailan?" tanong ni dad

"hindi ko pa po natanong kina dad kung kailan" sagot nya "ok lang po ba?" he asked

"it's ok for me" sabi ni dad tumango lang din naman si mom.

Pagkatapos naming kumain, nagstay muna kami sa sala. "ah tito mauna na po ako" biglang sabi ni Kyrous kaya napatingin ako sa kanya.

"ang aga naman hijo?" mom asked

"hinahanap na po kasi ako ni mom" sagot nya. Napangiti si mom.

"mama's boy huh?" ngumiti si mom.

"hindi naman po masyado" sabi nya

Nagpaalam pa sya mg maayos kina dad saka kami lumabas. "gusto pa kitang makasama eh, kaso pinapauwi na ako ni mom" nakangusong anya

"magkikita naman tayo sa school bukas eh" sabi ko

Akmang hahalikan nya ako pero lumayo ako. "hindi na nga kita makakasama, ayaw mo pang ikiss kita" nakanguso parin sya

"nakarami ka kanina eh, tama na yon" sagot ko

"pero kahit good night kiss man lang?" tanong nya

Hindi nako nagsalita at hinalikan ko nalang sya sa pisngi nya. "bakit sa pisngi lang? Andamot mo talaga"

"hinalikan ka na't lahat madamot padin?" tanong ko

"oo! Hindi man lang sa lips" binulong nya yung last na sinabi nya.

"alam mo bang lahat ng bulong mo naririig ko?" taas na kilay na tanong ko

"tsk edi ikaw na malakas ng pandinig... Di man lang sa lips. Tsk!" sabi pa nya habang nakanguso

kaya napatawa nalang ako. "tas pagtatawanan mo pa ako" sabi nya

"sige uwi kana" sabi ko saka ko hinawakan yung braso nya

"tas pinapauwi mo pa ako. Ayaw mo ba akong makasama?"

"gusto" sagot ko

"eh bakit pinapauwi mo na ako?" tanong nya ulit

"ehhh kasi nga hinahanap kana ng mommy mo"

"pwede ko naman sabihing kasama kita eh" sagot nya. Hindi parin matanggal yung pagkakanguso nya.

"pero hinahanap ka na nga" sabi ko "sige na baka nag aalala na yung mommy mo" sabi ko

"yung good night kiss ko na kasi ah" sabi nya

Hinalikan ko ulit sya sa pisngi nya. Pagtingin ko sa mukha nya. Nakanguso nanaman. "ano? Hinalikan na nga kita eh" sabi ko

"sa lips kasi!" sabi nya "wala madamot ka! Madamot! Isa lang naman ang hinihiling ko di man lang pagbigyan! Madamot. Madamot ka kahit kela----" hinalikan ko sya. Ang ingay eh. Paulit ulit yung sinasabi.

"ano ok na?" tanong ko, ngumiti naman sya ng pagkalaki laki. "ano ok na?" ulit ko

Hindi sya umimik, tumango lang sya habang nakangiti. Mukhang asong ulol. Hahaha.

"thank you" sabi ko

"I love you" sabi nya ngumiti ako, lumapit sya sakin saka nya hinalikan yung noo ko. "una na'ko love. Kita nalang tayo bukas sa school. Thank you sa kiss isa pa nga" akmang hahalikan nanaman nya ako pero lumayo ako. Ngumuso naman sya.

"umiwi kana, adik tsk!" sabi ko

"adik sayo" sabi nya saka kumindat. Ngumiwi naman ako. Daming alam haha.

'pero kinilig ka naman'

"sige na. Kita nalang tayo bukas" sabi ko

"bye, I love you"

"love you" sagot ko.

"pumasok ka muna, saka ako aalis" sabi nya. Tumango lang ako saka pumasok, narinig ko naman ang pag engine ng sasakyan. Napangiti ako. This is the best day.

Den's POV

Nandito kami ngayon sa garden. Kasama ko sina Kyrous at Sam na sweet na sweet. Kanina pa sila nagsusubuan. Tsk! Pero hindi ako naiingit. Bakit naman ako maiingit kung meron naman akong kasama?

Not Clyde. Hehe

Guess who everyone? Si Alrey. Yes my one and only baby. Bumalik na sya sa school namin. Ang saya ko lang kasi syempre, makakasama ko na sya araw araw. Yiehhhh.

"subuan mo din ako!" napatingin ako kay Kyrous, nakanguso syang nakatingin kay Sam. Mukhang si Kyrous lang kasi ang nagsusubo kay Sam.

"baby, Wag ka ng mainggit sa kanila nandito naman ko eh" biglang salita ni Alrey na nasa tabi ko, tumingin ako sa kanya nakangiti na.

"ang kapal mo" sabi ko

"bakit? Naiinggit ka naman talaga ah?" sabi pa nya

"anong naiinggit hoy! Tinitignan ko lang 'sya'! Hindi sila!" sigaw ko

"sinong tinitignan mo si Kyrous? Andito na nga ako eh. Saka may girlfriend na nga yung tao eh. Kasama nga nya eh, bestfriend mo din"

Tumingin ako sa kanya ng masama "sino ba kasing may sabi sayong si Kyrous ang tinitignan ko? Umayos ka Alrey, hindi porket nandito kana, magiging mabait nako sayo. Tandaan mo meh dalaw ako ngayon kaya manahimik ka nalang jan kung ayaw mong masapak kita!" sabi ko

"sorry na baby. Parang nilalambing lang eh" sabi nya saka sya yumakap sa bewang ko. "si Sam ba tinitignan mo?" tanong pa nya

"malamang!" sagot ko

"eh bakit parang galit ka? Nagtatanong lang eh" sabi nya nakasandal sya sakin. Yung baba nya nakapatong sa balikat ko.

"hindi ako galit!" sigaw ko pa

"oy Den, napakaingay mo alam mo ba yon?!" biglang sabat ni Kyrous

"pake alam mo ba?!" sigaw ko naman. May binulong sa kanya si Sam at napangiwi naman sya.

'ano nanaman kaya sinabi ng babaeng to? Baka siniraan ako nun ah?'

"wag mo nalang kasi silang tignan, ako nalang tignan mo" malumanay na sabi ni Alrey, tumangin ako sa kanya at sobrang lapit ng mukha nya sakin. Tokke!

Tinignan nya ako sa mata, iiwas na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang mukha ko saka nya ako hinalikan!

"hoy! PDA kayo!" sigaw ni Sam. Nahiya tuloy ako. Agad akong bumitaw sa halik ni Alrey at nanahimik nalang. Anlakas talaga ng tama sakin ng lalaking to.

"buti pa si Alrey nakakiss sya kay Den, eh ikaw dimo pa ako kiniss simula kaninang umaga!" dinig kong sigaw ni Kyrous kay Sam.

"anong--hoy! Hinalikan na nga kita kaninang umaga ah?! Kung makanumbat ka naman!" sagot naman ni Sam

"tch! Hinalikan mo nga ako... Sa pisngi naman! Dapat sa lips din!" sigaw nya. Napangiti ako dahil sa itsura ni Kyrous, mukha syang batang inagawan ng lollipop. Noong nagdaang mga araw, pansin ko lang. Mas sweet si Kyrous kaysa kay Sam. Laging ngang nasasabihan si Sam ng madamot dahil hindi nya daw ito hinahalikan. Mukhang sira lang.

Nagsigawan pa sila. Hindi na lang namin pinansin ni Alrey. "baby?" si Alrey

"hmm?"

"mom and dad want to meet you" sabi nya

Agad akong napalingon dahil sa sinabi nya, bahagya pang nanlalaki ang mata ko! "whattt?!"

"mom and dad want to meet you" pag uulit nya

"whyyy?!" tanong ko

"will you please low your voice! Tayo lang naman nag uusap dito eh" sabi nya pa.

"but why?! Bakit gusto nila akong mameet?! Baby! Nahihiya ako. Baka kung anong sabihin ng parents mo sakin! Ehhhh nahihiya talaga ako baby. Wag nalang kaya? Pano nalang kung ayaw nila ako para sayo? Pano pala kung may nahanap na pala silang ipapakasal sayo? Pano nalang kung ilalayo ka nila sakin? Pano nalang kung mahalin mo din yung------" hindi ko napagpatuloy yung sinasabi ko kasi bigla nya akong hinalikan!!!

Wahhhhh! "be quiet baby kung ayaw mong mahalikan ulit" nakangising anya. "pwede ka namang magsalita ng hindi sumisigaw eh at.... Wag kang OA." sabi pa nya "magugustuhan ka nila kasi alam nilang mahal kita" sabi nya. Ramdam kong uminit yung pisngi ko. Ahhhh. Kinikilig ako!

Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top