Chapter 39
Kyrous POV
Pagkarating namin sa Lovely Forest hinawakan ko ang kamay nya. Hindi ito yung first time na hawakan ko ang kamay nya pero parang bago lang sakin.
Bago kami makapasok sa forest na yon. Kailangan munang tumawid sa isang bridge. Ramdam kong humigpit ang hawak sakin ni Sam kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin sya sa baba ng bridge na parang takot na takot. "love, takot kaba sa matataas?" tanong ko
Tumango sya "may phobia ako sa mga ganto" sagot nya habang nakahawak parin sakin ng mahigpit.
"sa iba nalang tayo pumunta gusto mo?" tanong ko, baka kasi sobrang takot na sya.
"wag na dito nalang" sagot nya na halatang natatakot
"pero natatakot ka naman, pano tayo makakapunta sa kabila nyan?" tanong ko. Ngumuso sya.
"nandyan ka naman eh, hindi mo naman siguro ako hahayaang mahulog diba?" tanong nya kaya natawa nalang ako.
"syempre hindi" sagot ko. Hinakbang ko yung isang paa ko at hinila sya ng konti. Hindi na nya ata nakayanan ang takot nya. Yumakap na talaga sya sakin ng napakahigpit. Napangiti nalang ako.
"pikit mo nalang kaya yang mga mata mo para hindi mo makita?" tumigil ako sa paglalakad saka ko sya hinarap sakin.
Ngumuso sya "ngayon pang nakita ko na kung gaano kalalim yan?" nakangusong tanong nya
"kaya nga pumikit ka nalang para hindi mo makita, ako nalang ang maglelead sayo" paglalambing ko
"ehhh kasii---kahit pumikit ako nakikita ko eh"
"ganto nalang, mag isip ka ng mga bagay na nagpapasaya sayo at wag mong isiping dadaan tayo sa bridge" sabi ko
"ok" napangiti ako, alam kong pinipilit nya yung sarili nya para lang matuloy kami dito. Kahit takot na takot na sya, sinusubukan nya parin.
Nagsimula na kaming maglakad at ramdam ko parin ang higpit ng kayap nya. Nakayakap sya sakin habang naglalakad kami, napangiti nalang ako dahil sa posisyon namin.
Pagkarating namin don, agad akong huminto. Medyo lumuwag natin ang yakap nya sakin. Hindi ako nagsalita pinabayaan ko lang syang yakapin ako. Tumingin ako sa mukha nya at mas lalo pa akong napangiti.
Ang haba ng pilik mata nya, matagos ang ilong, makapal na kilay. Medyo namumula mula pa yung pisngi nya. Mas lalo akong napangiti nung mapatingin ako sa labi nya. Ilang beses ko na syang nahalikan at sobrang lambot non.
Nilapit ko yung mukha ko sa kanya at hinalikan sya, biglang kumunot ang noo nya saka napamulat. Nilibot nya yung mata nya saka tumingin sakin "andito na pala tayo dimo man lang sinabi" sabi nya
"kung sinabi ko sayo agad di sana hindi kita nahalikan?" nakangising tanong ko, nilapit ko yung mukha ko ulit sa kanya pero binatukan nya ako. "ang sadista nito, isang halik isang batok ganon?" tanong ko
"oo!" sigaw nya saka naunang naglakad. Hinabol ko naman sya at inakbayan, kala ko tatanggalin nya yon pero hindi, pinabayaan nya lang kaya nangiti nanaman ako.
Nilibot ko yung mata ko, napakasarap sa pakiramdam. Katamtaman lang ang lamig ng simoy ng hangin. Napakasariwa na parang ngayon lang ulit ako nakalanghap ng ganitong hangin.
"maganda ba?" tanong nya at napatingin naman ako sa kanya sa tanong nyang yon, pero hindi sya nakatingin sakin nasa mga puno at ibon lang sya nakatingin.
"sobra" sagot ko habang nakatitig sa kanya. Sya ang tinutukoy ko
Bigla syang napatingin sakin at ngumiwi "hindi ako. Yung nature, maganda diba" sabi nya
"maganda" kunwaring sang ayon ko. "pero mas maganda ka" dagdag ko pa. Umiwas sya ng tingin pero nakita ko syang ngumiti, kinikilig.
Medyo maraming tao dito, pero ang pinakamarami sa lahat puno. Malamang.
Sam's POV
Sobrang ganda dito, ang sariwa ng hangin. Ang ganda ng mga view. Kahit san ka lumingon maraming bulaklak ang nakapaligid sayo. Dinig na dinig mo din ang huni ng mga ibon.
May mga bench sila. May pang dalawahan may apat. At para sa mga pamilya. Minsan yayain ko kaya sila dad dito? Siguradong marerelax sila dito. Sobrang ganda.
Uupo na sana ako sa may upuan ng hilain ako ni Kyrous "bakit?" tanong ko
"jan ako" sabi nya. Grabe!!!! So ako pa mag aadjust??----"dito ka"
"ahhh!" napatili ako ng bigla nyang hawakan ang tagiliran ko at saka ako iniupo sa table. Tinignan ko sya ng masama pero tumawa lang sya. "alam mong may kiliti ako dyan eh!" sigaw ko.
"sorry na" lambing nya, nakatingala sya sakin. "gutom kana ba?" tanong pa nya.
"hindi pa naman" sagot ko "ikaw gutom kana?" balik kong tanong.
"hindi pa din naman" sagot nya "love punta ka sa bahay ah?" tanong nya.
Nagtaka akong tumingin sa kanya "bakit?" tanong ko
"mom wants to meet you" sabi nya.
"hmm ok. Kailan ba?" I asked
"kahit kelan mo gusto" sagot nya habang mapupungay ang mata nyang nakatingin sakin, napatitig din ako sa kanya.
Sa tagal naming mag on ngayon ko lang ulit sya natitigan. Naiilang kasi ako pag nakatingin sya sakin. Lalo na pag nakangiti sya.
"alam mo bang sobrang ganda mo?" walang ano anoy tanong nya
"alam ko" sagot ko naman
"so pwede makahinge ng isang halik ganda?" pagpapacute nya. Kinurot ko yung pisnge nya.
"kakahalik mo nga lang eh" sumbat ko
"ehhh kanina pa yon" nagkamot pa sya sa batok nya
"namimihasa ka ah?"
"hindi naman. Parang dessert kasi yang labi mo" sabi nya habang nakatingin sa labi ko. "even though I tested all sweet dishes, they are not as sweet as your lips" sabi pa nya.
Nagulat ako nung bigla syang tumayo at halikan ako! It last for 10 second before he let go of my lips. "I love you" sabi nya "kahit anong mangyari wag mo akong iiwan hah? Baka ikamatay ko yon" sabi nya
Napangiti nalang ako. Nung nanliligaw palang sya sakin, alam ko nang napakaswerte ko, because I have him. Im thankful kasi hindi nya ako sinukuaan. Kahit na napakasungit ko noon sa kanya. He still stay beside me.
I love him for what he is. "I love you too" nakangiting sagot ko saka ko sya muling hinalikan ng mabilis. Napangiti sya dahil sa ginawa ko.
"tara nagugutom nako" sabi nya saka tumayo. Nagtaka akong tumngin sa kanya.
"kala ko ba di kapa gutom?" tanong ko
"gutom na ako. Baka di ako makapagtiis ikaw kainin ko, tara" natawa ako sa sinabi nya. Hinayaan ko lang syang hilahin ako.
Kumain kami sa resto don. Sa pinakagitna nitong forest nandon yung resto. Sabi nung isang crew ang dulo daw nitong forest ay may lawa.
Kaya naman pagkatapos na pagkatapos naming kumain. Niyaya ko agad si Kyrous don. Napahinga ako ng malalim, nilalasap ang malamig na hangin mula sa lawa. Sobrang linis nito. Mabuhangi ang paligid.
Nakakamanghang sa gilid ng bawat puno, maraming halan ang nakakalat. Nakaka attrack ito dahil sa dami ng bulaklak.
Hinila ako ni Kyrous palapit sa tubig. "gusto mong magtampisaw?" tanong nya
Ngumuso ako "gusto sana pero nakasapatos ako eh" sagot ko
"pwede namang tanggalin eh" sabi nya. Oo nga naman. Haha
"pero mahirap matuyo"
"di hintayin nating matuyo" sagot nya. Ngumuso ako. "ok"
"ako na" sabi nya saka umupo sa harap ko at tinanggal yung sapatos ko. Napahawak pa ako sa ulo nya dahil muntik na akong matumba. "arrrayy....humawak ka lang pero wag mo naman akong sabunutan" nakangusong anya
"sorry" sabi ko habang natatawa. "bilisan mo naman"
"oo na"
Nang matanggal nya yung sapatos nya hinila ko sa tubig. "nagdala sana tayo ng pamalit no?" tanong ko
"bawal maligo dito sa lawa love" sagot nya
"aww"
"pero pwedeng maligo ng buhangin" sarkastikong sabi nya. Sinabuyan ko sya ng tubig. Tinignan nya ako ng masama pero napalitan agad yun ng ngisi. "pano yan? Kailangan kong bumawi?" nakangising tabong nya.
Humakbang ako palayo sa kanya kasi iba na yung ngisi nya sakin, nakakaloko! "a-anong g-gagawin mo?" utal kong tanong, mas lalo syang ngumisi.
"pagbibigyan kita love, pwede ka pang tumakbo...." sabi nya saka namulsa habang nakatingin sa mata ko.
"love n-naman" utal kong sabi
"sinimulan mo kasi" sabi nya saka umiling
Ngumuso ako "joke lang naman eh"
"joke ba yon? Nabasa ako love oh" sabi nya saka nginuso yung nabasa nga, pero ang konti naman.
"matutuyo naman yan eh" nilalayo ko yung usapan sakaling magbago ang ihip ng hangin hehe.
"wag mong nilalayo ang usapan love" nakangising anya.
"hindi naman love eh" nakanguso ako
"you still have the time to run love" nakangising anya
Hindi ko talaga sya mapakiusapan. Huhu. Ayokong mabasa l! Anlamig pa naman! Huhu. Humakbang sya palapit kaya humakbang din ako paatras. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Wala pa naman syang ginagawa pero talagang kinakabahan ako!
"what now love?" nakangising tanong nya. Wala akong nagawa kundi tumakbo. Natatawa man ako pero meron parin sakin yung kinakabahan ako! Pakshet! "bilisan mo pa love!" sigaw nya. Hindi ko na sya nilingon basta tumakbo lang ako.
Naramdaman kong parang hindi na nya ako sinundan tumatakbo parin ako pero lumingon ako.
Nagulat ako ng biglang may pumulupot sa bewang ko "huli ka--" hindi ko nabalanse yung katawan ko kaya natumba ako. Sinubukan nya akong saluhin pero pareho kaming natumba! Napapikit ako sa sakit kasi tumama yung siko ko sa mga buhangin.
Napamulat ako at nanlalaki ang mata ko. Sobrang lapit ng mukha nya sakin! Naamoy ko rin yung amoy toothpaste nyang hininga! Napakurap kurap ako, pero sya nakangiti lang.
Sobrang dikit namin sa isa't isa! Hindi ako makagalaw. Sobrang lapit lang talaga nya. Batukan mo lang sya ng konti, lalapat na yung labi nya sakin! Huhu!
"pano yan? Wala ka ng takas love?" mapupungay ang matang tumingin sakin.
"a-ano....a-ano k-kas-i" utal kong sabi ni hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata nya. Mas lalo akong nailang ng tumingin sya sa labi ko! Wahhhh
Wag nuang sabihing hahalik nanaman to! Humalik na nga kanina eh, uulit nanaman! Huhu. Lord! Baka maubos tong labi ko! Huhu
"ano?" tanong nya, saka mas nilapit pa yung mukha nya. Isang salita ko pa mahahalikan ko na sya!
"w-wala----" he pressed his lips into mine. Hindi ako nakagalaw! Hindi naman ito yung first time na halikan nya ako pero may naramdaman akong kakaiba. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Pumikit ako. It last 10 seconds bago nya binitawan yung labi ko. "that's my price" sabi nya, naduling ako ng mabilis nyang hinalikan yung noo ko.
"tara na" sabi nya saka nya ako tinulungang tumayo at magpagpag ng buhangin sa katawan ko.
Habang nasa sasakyan kami napanguso nalang ako ng maalala ko kung nakailang halik sya sakin. "oh bakit ganyan itsura mo love?" he asked
"wala ka ng kiss sakin!" sigaw ko
"walang ganyanan love" sagot naman sya habang patingin tingin sakin.
"anong wala?! Nakailan ka sakin ngayon? Hah?!"
"sorry naman. Tinatawag kasi ako ng labi mo eh" sabi nya saka ngumiti ng pagkatamis tamis.
"tinatawag tawag ka dyan. Basta hindi ka na makakaulit! Last na yon!" sigaw ko saka pumikit. Hindi na sya nagsalita. Naramdaman kong huminto ang sasakyan.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko, naduling ako sa lapit ng mukha nya sakin!
'ano bang ginagawa nya?! Wag nyang sabihing hahalikan nanaman nya ako'
"ano nanaman?!" sigaw ko
"lower your voice love kung ayaw kong halikan kita ulit" sabi nya. Hindi ako nagsalita. Tumingin lang ako sa kanya.
Bumalik sya sa pagdri-drive hindi na ako umimik. Sumadal nalang ako saka ko pikit yung mga mata ko. Hindi na sya nagsalita.
"love? Love?" nagising ako ng may malaming na tingmig ang narinig ko "love? Nandito na tayo" sabi nya. Napamulat ako at nakangiti sya sakin. Napangiti rin ako.
"kanina pa ba tayo dito?" tanong ko
"medyo, ayaw pa sana kitang gisingin pero nakita tayo ng kuya mo" sagot nya. Nag inat ako saka ako umayos ng upo. Inayos ko yung sarili ko at nakangiting tinignan sya.
"tara" sabi ko. Agad syang umikot at pinagbuksan ako. "thank you"
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top