Chapter 37
Sam's POV
Pagbalik ko sa room, wala akong nadatnang teacher. Kaya napabuga nalang ako ng hangin. Nang maalala ang mga napag usapan namin ni Ethan, natawa ako ng mahina.
'he never change'
Pagkapasok ko sa room, tinignan ko si Kyrous, nakabusangot.
'anyare dito?'
Pero kahit nakabusangot sya, ang cute nya. Magkadalubong ang kilay nya at nakanguso pa. Ni hindi man lang nya ako tinignan.
Break
Pagpunta namin sa canteen, nagtaka ako. Walang sumunod na Kyrous. Dati rati, bago pako uupo nandyan na sya pero ngayon nakaupo't nakaorder na wala pa sya.
Ngumiwi ako. Mukhang hindi ako makakakain ng maige. Wala yung mangungulit sakin eh. Nasanay na kasi akong lagi nya akong kinukulit.
"oh wala ata yung manliligaw mo seb?" tanong ni Clyde.
"wala nga eh" sagot ko
"oh bakit malungkot ka?" nakangising tanong naman ni Den na nasa harapan ko.
"syempre nasanay na ang bakla. Ikaw ba naman yung araw araw na pinagsisilbihan" sagot ni Clyde, napangiti ako ng pilit.
'baka may ginawa lang yon'
Pagkatapos naming kumain, agad din kaming bumalik sa room. Napangiwi ako ng makita ko sina Kyrous. Busy silang lahat sa pagcecellphone. Naglakad ako palapit sa kanya at tumingala naman sya sakin.
"ba't hindi ka sumunod kanina?" tanong ko
"wala ako sa mood kumain" sabi nya, kumunot ang noo ko.
"may sakit kaba?" tanong ko saka ko hinawakan ang noo
"wala" nagulat nalang ako nung bigla nyang tabigin ang kamay ko.
'anyare sayo?'
Hindi ko na sya kinulit at umupo nalang. Paminsan minsan tinitignan ko sya, at nandon parin yung galit na ekspresyon nya.
'problema neto?'
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
LUNCH BREAK
Napatingin ako kay Kyrous nung nauna na syang lumabas. Ramdam kong lumaylay yung balikat ko. "Kyrous!" tawag ko dito. Napahinto sya saka tumingin sakin. Hindi sya nagsalita, tinignan nya lang ako ng nagtataka.
"hindi ka sasabay samin?" tanong ko pero hindi padin nagbago ang ekspresyon nya.
"wala ako sa mood kumain kayo nalang" malamig nyang sagot saka umalis.
'now this is new'
Kung noon, yayain ko palang ngingiti na. Kung noon, ngingitian ko lang, ngingiti din sya pabalik. Kung noon, hindi mo na sya kailangang yayain pa dahil kusa na syang pumupunta. Tsk!
Binalingan ko si Jaden at Francis. "may problema ba si Kyrous?" tanong ko
"wala naman" sagot ni Jaden. Si Francis naman mukhang walang narinig, nakatutok lang sya sa cellphone nya.
"eh bakit ganon yon?" tanong ko saka ko sinenyas si Kyrous na kakalabas.
"ewan, ok naman sya kanina, pero nung sinundan ka nya at nung bumalik galit na" sagot nya, nangunot ang noo ko
'sinundan nya pala ako?...may narinig kaya sya?...pero imposible, sa tawag ko lang naman kausap yon. At hindi ko sya nakita kanina. Wala din naman akong sinabing masama'
Inalala ko yung usapan namin ni Ethan kanina, wala namna akong sinabing nakakasama sa kanya.
'I miss you too'
Yan ba yung narinig nya? Hayysst! Naguguluhan na ako sa lalakong to. Hindi ako sanay sa cold na pakikitungo nya. Cold na parang galit pa.
Last subject
Vacant.
Kanina pako hindi pinapansin ni Kyrous, kanina pa sya walang kibo. Kung dati walang oras na hindi nya ako kinalabit, sitsitan. Ngayon ni tingin hindi nya ginawa. Nakakunot parin yung moo nya.
Ako ba dahilan kaya nagkakaganyan sya? Hindi ko matanong kasi wala akong lakas ng loob para tanungin sya ng ganon, sabihin pa nyang feeling ako.
Naka earphone sya habang nakatingin lang sa board, malayo ang inisip. Gusto kong malaman kung anong iniisip nya, kung anong sinasabi ng utak nya. Kung minumura ba nya ako.
Naguguluhan ako, ni hindi man lang nya ako lingunin, kausapin, pansinin. Ginawa naman na nya dati sakin to pero iba to.
Aaminin kong nasasaktan ako sa trato nya sakin. Kung kailang tatanggapin ko na sya sa buhay ko, saka naman naging cold.
Hindi ako nakapag tiis, lumapit ako sa kanya. Napatingin naman agad sya sakin. Ako na nagtanggal nung earphone nya "usap tayo?" tanong ko.
Tinanggal nya yung isa pa at nilagay yon sa bag nya bago tumingin sakin. "ano pag uusapan natin?" malumanay na tanong nya
"tungkol satin" sagot ko, natawa sya ng mahina kaya nagtaka ako.
"wala pa namang tayo diba? So anong pag uusapan natin tungkol sa 'atin?'" diniinan nya pa yung last word na sinabi nya.
"basta, kahit mag usap lang tayo please" sabi ko
"nag uusap na tayo. Ano pa bang pag uusapan natin?" tanong nya pa
"wag dito pwede?" tanong ko
"sige, san ba gusto mo?" tanong nya saka umiwas ng tingin, napangiti nalang ako.
"sa rooftop" sagot ko. Hindi na sya sumagot at tumayo na. Nauna syang lumabas sakin, hindi man lang ako hinintay tsk!
Pagkarating namin sa rooftop, umupo kami sa may bench. "anong sasabihin mo?" tanong ko
"kung bakit ganyan yung pakikitungo mo sakin" sagot ko yumuko ako dahil naluluha ako.
"diba ganito naman yung simula natin?" walang reaksyong tanong nya. Hindi sya nakatingin sakin. Nakatingin sya sa langit.
"pero nasanay na ako sa kakulitan mo. Diba sumunod ka kanina sakin? May narinig ka ba sa kausap ko kanina?" tanong ko
"marami" sagot nya, napahinga ako ng malalim
"kaya kaba nagkakaganyan?" tanong ko.
"malamang" deretsong sagot nya. "deretsohin mo nga ako Sam. Pinayagan mo lang ba akong manligaw para sakaling makalimutan mo sya?!" palakas ng palakas yung boses nya.
"anong sinasabi mo?" takang tanong ko
"wag ka ng magmaangmaangan pa. Alam ko naman eh gusto mo pa din yung Ethan, mahal mo padin sya....kaya siguro pinayagan mo ulit syang manligaw. Diba?! Diba?!"
Natahimik ako, hindi ko alam kung anong ssabihin ko. So narinig nya yung joke ni Ethan? Pero dapat matuwa pa sya diba?
"pinakinggan mo ba lahat?" takang tanong ko. Baka kasi hindi din nya napakinggan lahat kaya ganyan nalang ang reaksyon nya.
"hindi.."
"kaya naman pala---"
"hindi ko na pinakinggan kasi nasasaktan na ako. Ayokong marinig pa yung sasabihin mo" sabi nya. Imbes na malungkot ako sa sinabi nya natuwa pako. Natawa ako ng mahina. "tas ngayon pagtatawanan mo pa ako! Ganon kaba kamanhid?!"
"hindi sa ganon" nakangiting sagot ko
"ganon yon!" sigaw nya
"tanga ka alam mo ba yon?"
"tch! Tanga na kung tanga basta mahal kita!" sigaw nya sa mismong mukha ko
"ohhhh kkkk" ramdam kong uminit yung pisngi ko shet "I mean antanga mo kasi hindi mo pinakingggan lahat ng sinabi ko" sinamaan nya ako ng tingin
"ano pa bang sinabi mo?" tanong nya
"ayoko ng ulitin" sabi ko
"ok" sabi
"eto na sasabihin ko na" nakangusong sabi ko. Hindi pa rin nagbago yung ekspresyon nya. Naghintay lang sya ng susunod kong sasabihin. Pero ako nagsalita, tinitigan ko lang sya. Nailang naman ang loko kaya umiwas ng tingin. Napailing nalang ako. Bago nagsalita.
* F L A S H B A C K *
"hello?" sagot ko pero walang sumagot "hello?" ulit ko "wait lang hindi ko marinig, masyadong malakas ang hangin" ni-loud speaker ko yung cellphone ko
"hello?" dinig kong tanong ni Ethan. By the way Ethan is one of my closes friend from Malcolm University. Sya yung kasa-kasama namin ni Den nung sa States pa kami nag aaral. Honestly, babaero sya. Walang araw na wala syang sinasama babae sa mga lakad namin.
"ok na" sagot ko "napatawag ka?" tanong ko
"I just missed you" sagot nya, mapatawa.nalang ako ng mahina.
'he never change'
"I know, hahaha" natatawang sagot ko"I miss you too" sagot ko. He chuckled. Totoo yon, namimiss ko na sya pero hanggang miss lang talaga.
"nga pala kailan ka uuwi dito?" tanong ko, iniba ko yung usapan baka kung saan mapunta.
"sa Christmas break siguro, busy eh" sagot naman nya. Bumuntong hinga ako, kahit ganon ang ugali nya namimiss ko parin sya.
"baka busy sa pambababae" biro ko
"people change Samy" natawa sya
"kailan nga ba magbabago ang isang Ethan? huh?" sarkastikong tanong ko. Natawa ulit sya.
"I already change Sam, simula nung makilala kita" Liar. Bata palang magkakilala na kami. But he never change. Hindi ko naman iniexpect na magbabago talaga sya dahil lang sakin.
'himala pagnagbago yan'
"sus, when I still there, andami mo nang kasamang babae, paiba iba din. Ano pa ngayong wala na ako diba?" sarkastikong tanong ko ulit "pero may importante ka bang sasabihin? In 5 minutes kasi magsisimula na ang class namin" kodagdag
"actually, tumawag ako para tanungin kung......" naghintay pa ako ng sasabihin nya "...kung...kung pwede akong manligaw sayo ulit?" natawa ako sa sinabi nya
Ulit? Sinubukan na nya akong ligawan noon, pero nang malaman ko ang ginagawa nya, which is pambababae.
"ano?!" tanong ko baka nagkamali lang ako ng narinig.
"I said can I court you again?" tanong nya napangisi ako. "ano nga Sam can I court you?" tanong pa nya ulit.
"pwede..." sagot ko, habang nakangisi
"seryoso?!" sigaw nya
"pwede....kung papayagan ka ni Kyrous" sagot ko
"huh? Who's that Kyrous?" tanong nya
"my future boyfriend" sinabi ko yon ng nakangiti
"eww, asa" sabi nya "ako nalang kasi"
"asa kamo? Baka nililigawan nya ako?" sarkastikong tanong ko
"what?! Hindi pwede!" sigaw nya
"pwede! Sige na. Bye!" matapos non ay pinatayan ko na sya. Saka bumalik ng class.
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top