Chapter 36

Kyrous POV

Wednesday

Sa mga nagdaang araw, mas naging mabait na sakin si Sam. Minsan ngalang, nangungurot o di kaya nambabatok.

Lagi kaming magkasabay kumain, syempre. Hindi naman ako papayag na hindi sya makasabay. Lagi ko din syang hinahatid, part ng panliligaw syempre.

"dude, nanliligaw ka ba kay Sam?" tanong ni Jaden. Sila lang ang kasama ko dito sa room, wala ng iba. Kami palang ang tao dito sa room, napaaga kasi kami.

"hmm" nakangiting sagot ko habang tumatango tango.

"seryoso?" tanong nya pa

"oo nga, paulit ulit" napakamot ako sa ulo.

"tss, Sa pang aasar mong yan ikaw pa naunang nahulog? Haha. Karma yan dude. Karma" nakangising anya "I told yah" dagdag pa nya

"wala kang sinabi dude" nakangising sagot ko naman

"basta parang ganon narin yon" sabi nya habang nagkakamot

"basta wala kang sinabi" sabi ko din. Hindi na nya ako kinulit kaya hindi na ako nagsalita. Si Francis busy sa pakikipagtext, may napaikot nanaman siguro to. Sobra kung makangiti eh.

"ay bonga. Hoy hintayin mo naman kami, kaembyerna tohh!" napalingon ako sa may pinto at agad na sumilay ang ngiti sa labi ko.

Naunang pumasok si Sam na nakasapak sa tenga nya yung earphone. Mukhang hinabol lang nila Den at Clyde si Sam, kasi tumakbo sila.

"good morning" bati ko ng nakangiti pero hindi man lang ako pinansin. Nagtuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating sa upuan nya.

"ba't ganyan itsura nyo?" tanong ni Jaden sa dalawa.

"yan! Yang napakagandang yan!" sigaw ni Den habang nakaturo pa kay Sam na wala namang pake.

"oh bakit?" natatawang tanong ni Jaden

"hindi man lang kami hinintay, tinawag kasi kami ni Sir Mike at ang akala ko sumunod sya samin, ang bruhang to parang walang napansin" sagot ni Den. Tumawa si Jaden

"baka hindi nya narinig na tinawag kayo ni Sir Mike?" tanong ni Jaden

"anong hindi?! Anlakas kaya ng pagkakatawag samin!" sabi nya at umirap pa.

Natawa nalang ako, mukhang hindi nya napansin na nagsosoundtrip sa Sam.

"malamang hindi nya narinig, tignan mo nga may nakasalpak na earphone sa tenga nya. Pano nya maririnig yon aber?" nakangiwing tanong ni Jaden. Nilingon ni Den si Sam at nanlalaki ang mata nya.

"piste toh eh. Kaya pala, kaninang hinahabol at sinisigawan namin sya hindi nya kami pinansin,tsk!" umirap sya ulit.

Tumingin ako kay Sam at nakatingin lang sya sa cellphone nya, nakita ko syang nagtitipa kaya napakunot ang noo ko.

'sino namang katext nito?'

Nangunot ang noo ko "psst, ps--" sitsit ko, pero napatigila ko ng maalala kong naka earphone pala sya. Kaya naman lumapit ako ng konti sa kanya at kinalabit, agad din naman syang tumingin sakin.

"sinong katext mo?" tanong ko, nagtaka ang mukha nya. Dahan dahan nyang tinanggal yung earphone habang nakatingin sakin.

"huh?" nagtaas sya ng kilay, nagtatanong.

"sinong katext mo kako?" tanong ko ulit

"wala" sagot nya saka pumindot ulit, alam kong bi-nack na nya yon.

"wala daw, nakita na nga eh" nakabusangot na bulong ko

"may sinasabi ka?" tanong nya

"wala" nakangusong tanong ko, pero nagulat nalang ako ng bigla syang ngumiti sakin. Umiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang sa ngiting yon. Parang kakaiba.

Napatingin ulit ako sa kamya ng bigla syang tumayo. "oy san ka pupunta?" tanong ni Den

"dyan lang" sabi nya

"sama ako"

"wag na, mabilis lang ako" sagot naman nya

"san kaba pupunta?" iritang tanong ni Den

"may kakausapin lang" sagot nya, hindi na nya hinintay pang sumagot si Den at lumabas na.

"bastos yun ah" angil ni Den, pero na nya ito sinundan. Tumayo ako at akmang susundan sya pero biglang nagsalita si Den. "oh ikaw? San punta mo?" tanong ko


"susundan sya malamang, tch" gaya kay Sam, hindi ko na din sya hinintay pang sumagot.

"magsama kayo! Pareho kayong bastos!" sigaw ni Den. Hindi ko na yon pinansin at nagtuloy tuloy ako. Hanggang sa makita ko syang nakaupo sa may bench.

Nakatalikod sya sakin kaya hindi nya ako nakita. Nakita kong nilagay nya yung cellphone nya sa tenga nya.

Gusto kong marinig kung sino yung kausap nya kaya lumapit ako. Hindi naman sa nakikialam ako, gusto ko lang malaman. May kung anong kaba kasi akong nararamdaman.

"hello?" sagot nya sa kabilang linya "hello?" ulit nya "wait lang hindi ko marinig, masyadong malakas ang hangin" sabi nya pa. Malakas nga ang hangin dito, tinatangay din ang buhok nya sa lakas.

"hello?" dinig kong tanong nung nasa ibang linya. Niloud speaker nya pala, pero biglang nangunot ang noo ko nung mapagtantong lalaki pala yung kausap nya. Naririnig ko dahil malapit lang ako sa kanya.

'sino yun?'

Hindi ako umalis sa kinaroroonan ko at pinakinggan sila. "ok na" sagot ni Sam "napatawag ka?" tanong nya dito

"I just missed you" sagot naman nung nasa kabilang linya.

'miss?! Sapakin kaya kita?!'

"I know, hahaha" sagot ni Sam at natawa pa. "I miss you too" sagot nya. Naramdaman kong lumaylay ang balikat ko.

'miss mo din sya? Pero ako ni minsan dimo na miss? Tch!'

"nga pala kailan ka uuwi?" tanong ni Sam ulit

"sa Christmas break siguro, busy eh" sagot naman nung lalaki.

"baka busy sa pambababae" natayawang sagot ni Sam.

"people change Samy"

"kailan nga ba magbabago ang isang Ethan? huh?"

'so Ethan pala pangalan nya? Baduy'

"I already change Sam, simula nung makilala kita" napangiwi ako dahil sa narinig ko.

'bolero, sinasabi mo lang naman yan kung kausap o kaharap mo pero pagnakatalikod na sya, niloloko mo na'

"sus, when I still there, andami mo nang kasamang babae, paiba iba din. Ano pa ngayong wala na ako diba?" sarkastikong tanong nya "pero may importante ka bang sasabihin? In 5 minutes kasi magsisimula na ang class namin"

"actually, tumawag ako para tanungin kung......" hindi ko alam kung sinabi na sya at hindi ko narinig o wala pa "...kung...kung pwede akong manligaw sayo ulit?" tanong nya.

'whhh-whhhattt the heccckkk?! Ulit!!? So anong ibig nyang sabihin? Na niligawan na nya noon si Sam pero nagbreak lang sila kaya liligawan nya ulit?! Tanga ba sya? Ba't nya ginusto yang lalaking yan kung babaero din naman pala?! Tch! Di nag iisip!?'

'at liligawan talaga?! Ulit?!! Subukan mo ding pumayag dyan, susugudin kita dyan, at sisigawan...sige subukan mo'

"ano?!" tanong nya ulit

'at talagang ipapaulit mo pa? Gusto mo talagang naririnig yun noh? Mahal mo pa ba hah?'

Nalungkot ako sa iniisip ko, pano nga kung mahal nya pa si Ethan? Pano pala kung naawa lang sya sakin kaya nya ako pinabayaang manligaw sa kanya? Pano pala kung mahal parin nila ang isa't isa? Pano pala kung pinayan lang nya akong manligaw para makalimutan nya si Ethan?

Andaming bumubulabog sa isip ko, lahat ng iyon ay hindi ko alam kung anong sagot. Gusto ko syang sugudin. Gusto ko syang tanungin at sumbatan, pero wala naman akong karapatan.

"I said can I court you again?" tanong nya. Napapikit ako sa inis. Kung nandito lang siguro yung lalaking kausap nya, baka nasapak ko na. Nabwiwisit ako sa boses nya. Yung boses na maririnig mo lang alam mong babaero na.

Matagal na hindi sumagot si Sam, tinignan ko lang sya, nakalagay yung kamay nya sa hindi ko alam kung sa bibig ba nya o sa ilong. Nakatalikod kasi sya.

"ano nga Sam can I court you?" tanong nya ulit

"pwede..." sagot nya, nanlalaki ang mata ko. Ramdam kong lumaylay ang balikat ko. Nadismaya ako sa narinig ko.

Kala ko pa naman gusto din nya ako. Bumait na kasi sya sakin, naging mas sweet, kahit nabwibwisit na sya, naging mas palangiti, akala ko ako yung dahilan, akala ko gusto na din nya ako, pero tss. Kala ko nagpapakita na sya ng motibo pero ako lang pala ang nagbibigay ng kahulugan non.

Hindi ko na pinakinggan pa yung susunod nyang sasabihin o kung meron paba iyong kasunod. Tch! Sana hindi ko nalang sya sinundan. Umalis ako sa lugar na yon at bumalik sa room. Wala pa si miss kaya naman hindi ako late.

Naalala ko si Sam baka kasi malate sya pero pumasok ulit sa isip ko yung narinig ko kanina.

'ginamit mo lang ba ako?'

Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top