Chapter 34

Sam's POV

Friday

Maraming nangyari sa mga nagdaang araw. Inaasar parin ako ni Kyrous pero sweet yon. Lagi nya akong dinadalhan ng pagkain ko sa room. Madalang nalang kasi ako pumunta sa canteen. Kasi nga alam kong nandon sya, si Kyrous. Hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa kanya, naiilang.

Nung isang araw din, nagppumilit syang ihatid ako, syempre sa una ayoko pero kalaunan pumayag din. Ikaw ba naman ang yayain ng isang napakagwapong lalaki.

~~~

Nandito ako ngayon sa room, mag isa. Absent sina Clyde at Den. Sabi ni Den sakin, may date daw sila ngayong ni Alrey. At school days pa talaga nila naisipang magdate tsk. Si Clyde naman, may pupuntahan daw. Pero wala syang sinabi kung saan

"wala sina Clyde at Den?" nagulat ako kasi sumulpot si Kyrous sa likuran ko.

"wala" sagot ko

"san sila nagpunta?" tanong nya saka umupo sa katabi kong upuan.

"ewan ko" kibit balikat na sagot ko. Ayokong magpaliwanag ngayon. Tinatamad akong magsalita. Lumayo ako ng konti sa kanya kasi masyado syang malapit. Yung kapag nilingon ko sya ay talagang mahahalikan nya ako dahil sa sobrang lapit.


"punta tayo sa rooftop" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya

"anong gagawin natin don?" takang tanong ko. Ngumisi naman sya. Buset to.

"magpapahangin lang naman" sagot nya "wala din akong kasama eh. Si Jaden busy sa girlfriend nya. Si Francis naman, ayon nambabae" dagdag pa nya "samahan moko please?" saka sya ngumiti.

Umiwas ako ng tingin, shet! Ang gwapo nya sa ngiting yon.

"bakit kasi kailangan mo pa ng kasama?" tanong ko

"syempre, pano nalang pag may mangyari sakin. Pano nalang kung atakihin ako sa puso? Pano nalang kung magkulaps ako? Pano nalang kung habang natutulog ako don, nabangungot ako? Pano kung----" tinakpan ko yung bunganga nya gamit ang kamay ko

"ang OA at ingay mo" sabi ko

"samahan mo na kasi ako, baka may mangyari sakin dun eh. Baka may mang rape sakin" nanlalaki ang mata ko dahil sa sinabi nya

'sya pa talaga mararape ah? Kapal'

"sige na, sige na. Wag ka nang maingay, nakakarinde" sabi ko. Ngumiti naman sya ng pagkalaki laki.

Pagkarating namin sa rooftop. Pinaupo nya ako sa may bench.

"nag mml ka pa ba?" tanong nya

"hmm" sagot ko habang tumatango tango.

"laro tayo" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya

"sa susunod nalang, baka kasi malate tayo sa next class natin" sabi ko

"vacant natin mamaya" sagot naman nya.



'kasama lang kita, nakalimutan ko nang vacant pala natin mamaya'

"sige sige" sagot ko nalang

"1 vs 1?" tanong nya. Ngumisi ako

"kaya mo?" tanong ko pa

"syempre" sagot nya "ako pa. Baka ikaw dimo kaya?" nakangising tanong nya.

"tch!" nasabi ko nalang

"ano game na?" tanong nya tumango lang ako saka in-open yung ml app. "dapat may consequence" sabi nya pero hindi sya nakatingin sakin. Nagulat pa'ko nung bigla syang tumingin.

"ano nanaman?!" sigaw ko pero hindi sya natinag.

"bakit?" natatawa nyang sabi "para naman ganahan akong maglaro at para may thrill. Ano game?" tanong nya

"ano ba kasi ang consequence?" tanong ko

"pagnanalo ka, dare me. At pagnatalo ka..." ngumiti sya ng pagkatamis tamis "tayo na"

Napanganga ako ng bahagya dahil sa sinabi nya.

'pagnanalo ka, dare me. At pagnatalo ka...tayo na'

'pagnanalo ka, dare me. At pagnatalo ka...tayo na'

'pagnanalo ka, dare me. At pagnatalo ka...tayo na'

'pagnanalo ka, dare me. At pagnatalo ka...tayo na'

'wattttdaaaahheeek'

'kinikiilliigg akoooo wahh'

Naramdaman akong uminit yung pisngi ko. Pisting yawa.

'lupa kainin mo na ako ngayon na!! Huhu. Kinikilig ako. Piste'

"sige" sang ayon ko nalang. Wala akong magawa dahil gusto ko din naman. At hindi ako magpaoatalo syempre. Ayokong ng dahil sa ml magiging kami. Gusto ko yung ginusto ko talagang sagutin sya.


Nagsimula na kaming maglaro, ngingisi ngisi sya sakin dahil una palang nagkaharap na kami. Sa middle lane kaming pareho pumunta.

"first blood"

Ngumisi ako ng matinde, tinignan ko sya at ngumuso lang naman sya. Napatay ko kasi sya.haha

"weak" bulong ko

"anong sabi mo?" tanong nya

"wala" tumawa ako ng mahina

"you have been slain" ngumuso akong tinignan sya at ang loko, nakangisi din.

"weak pala ah?" tanong nya saka tumingin ulit sa cellphone nya.


'narinig naman pala yung sinabi ko, tinanong pa tsk!'

"VVVIIICCCTTTOORRRYYY!!"

Napabuntong hininga sya saka ngumiti sakin.

"pano yan talo ka?" nakangiting tanong ko

"congrats. Hindi ko alam adik ka pala sa ml" sabi nya

"hindi ako adik, sadyang magaling lang" sabi ko ng nakangisi

"oh edi ikaw na" sabi nya saka ngumuso

'parang bata'

"so anong ide-dare mo sakin?" nakakunot noong tanong nya.

'hindi tanggap beh----bes? Hahahah!'

"uhm" hinawakan ko yung baba ko at kunwaring nag isip pero ang totoo kanina ko pa naisip kung anong ide-dare ko sa kanya.

"ano nga?" kunwaring inip na tanong nya pero kitang kita naman sa mata nyang nae-excite. "basta wag yung mahirap ah? At wag mo din akong i-dare na titigil na sa panliligaw sayo dahil hinding hindi ko gagawin yon" sabi nya pa habang umiiling iling.

Napatawa nalang ako. Ang cute---gwapo nya. Pakshet! Hindi ako umimik. Sya naman ay naghihintay lang ng sagot ko "ano?" tanong nya pa, kitang kita ko sa mukha nyang kinakabahan sya.

"before anything else, I just want to be selfish right now. I dare you...."


Kyrous's POV

Wala akong maramdaman kundi kaba. Kinakabahan ako kasi baka patigilin na nya ako sa panliligaw ko. Kinakabahan ako kasi baka patigilin nya ako sa nararamdaman ko.

Pero meron parin sakin yung nae-excite. Nae-excite ako sa gusto nyang mangyari. Kung ano man yung i-dare nya sakin.

Pero nangingibabaw parin ang kaba. Napakaseryoso nya kasi. Nakatingin sya sa mata ko at masasabi mong seryoso talaga sya. Shit!

"before anything else, I just want to be selfish right now. I dare you...." kinabahan ako ng todo dahil sa paunang salita nya.

'selfish?! Aangkinin na ba nya ako?!....sana nga....shit! Nakakabading man sabihin pero kinikilig ako sa hindi malamang dahilan! Shete lang'

'anong ide-dare nya sakin???!!'

'kinakabahan talaga ako ng matinde! Pinagpapawisan din ako ng napakalagkit. Hahaha'


"....to love me, still, until I'll love you back"


'before anything else, I just want to be selfish right now. I dare you....to love me, still, until I'll love you back'

'before anything else, I just want to be selfish right now. I dare you....to love me, still, until I'll love you back'

'before anything else, I just want to be selfish right now. I dare you....to love me, still,  until I'll love you back'

'before anything else, I just want to be selfish right now. I dare you....to love me, still,  until I'll love you back'

Nagpaulit ulit sa tenga ko yung sinabi nya. Yung kabang nararamdaman ko kanian lang napalitan ng tuwa. Natutuwa akk sa sinabi nya. Napangiti ako at hindi maiwasang yakapain sya.

"I really hate my heart because it lives inside me but beats only for you" bulong ko. Pagkahiwalay ko sa kanya nakangiti sya.

"tsk! Natalo kalang napapa-english kana?" biro nya

"nagpatalo lang talaga ako, baka umiyak ka eh" biro ko din

"baka hindi mo lang tanggap na mas magaling ako sayo?" nakangising tanong nya pa

"sige na sige na ikaw na magaling" nakangusong sabi ko

"pero seryoso ako sa dare ko sayo" seryosong usal nya. Kaya napatitig ako sa kanya. Bahagya pa syang naiilang pero nilalabanan nya lang yung titig ko.

"gagawin ko. Sinimulan ko na nga diba? I will never get tired of loving you Sam. I'll wait" sabi ko

Ngimiti sya sakin "honestly, ayoko yung pangalawang consequence" sabi nya

"bakit?" tanong ko

"kasi ayokong maging tayo ng dahil lang sa ml. Gusto kong ako mismo magsabi kung anong nararamdaman ko sayo. Kung mahal na ba kita?" sabi nya, mas napangiti ako "dahil hindi ko lang ipaparinig at ipapakita, ipaparamdam ko din sayong mahal na mahal kita pag dumating na ang araw nayon" sabi nya pa. Shit!

'Parang ako pa yung babae dun ah, kinilig ako'


Napatulala nalang ako sa mukha nya, umiwas sya ng tingin sakin nung makita nyang nakatitig na ako sa kanya, napangiti ako. Ansaya ko sobra, lalong lalo na nung marinig ko ang mga salitang yon.


~~~

Sam's POV

Sabado

Nakatulog ako ng mahimbing kagabi, inalala ko lahat ng nangyari kahapon. Hehe. Magkasama sa rooftop, magkasamang nagbreak, magkasamang naglunch. Hinatid nya ako. So anong ie-expect mong reaksyon ko? Syempre masaya.


Nakatingin lang ako sa kisame, kagigising ko lang. Pagkatapos kong isipin ang lhat ng bagay na nangyari kahapon, bumangon din ako at naligo.

Pagkarating ko sa baba, nadatnana ko si manang na nakaupo sa may sofa. "manang sina mommy po?" tanong ko

"umalis na kanina pa, sumabay sya sa daddy mo" sagot naman nya.

"eh si kuya po?" tanong ko

"ay nako yung batang yon oo, sobrang agang nagising. Ang aga din nyang umalis, ni hindi na nga nya sinabi kung saan sya pupunta.

Tumango lang ako at nagderetso na sa dining area at kumain. Mag-isa lang akong kumain ngayon tsk! Napanguso ako sa naisip ko.

'san nanaman kaya nagpunta yon?'

'baka sa barkada nya nanaman'

Pagkatapos kong kumain tumambay muna ako sa veranda sa likod ng bahay.

*bzzp* *bzzp*

Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate yon. Nagtext si Kuya.

From Kuya:
hoi, kung dika pa bumangon jan. Bumangon kana may bisita tayo

'bisita? Eh kanina pa'ko gising pero wala naman tsk!'

'wait. Wag nyang sabihing pupunta dito yung barkada nya?'

Composed message:
Kanina pa po ako bumangon. Sinong bisita kuya?

*bzzp* *bzzp*

From Kuya:
Basta.

'sarap kausap buset'

I decided to wait them in living room. Nanood lang ako ng movie. Then, ilang minutes lang ang lumipas. Narinig ko ang pagdating ng sasakyan, alam kong sila na yan.

Hindi ako lumabas, I juat waited them. "We're home!" sigaw ni Kuya. Napataas ang kilay ko nung pumasok syang mag isa.

"nasan ang bisitang sinasabi mo kuya?" tanong ko

"wait lang kasi, you're too excited" sabi nya.

"tch" nasabi ko nalang.

"honey, pasok na tayo" sabi nya, napangiwi ako dahil endearment nila. Eww. Cheezzyyyy

Nanlalaki ang mata ko kung sinong kasama nya. He's his girlfriend? How come?! Napatulala ako. Wala parin syang pinagbago mula nung makita ko sya, napakaganda nya parin.

"oww sis. Natitibo ka na nyan?" tanong nya, nagtaka ako sa sinabi nya. Tinignan ko yung kasama nya at pinalo naman nito si kuya sa braso.

"what are you talking about kuya?" takang tanong ko

"nakakatunaw kasi yaw titig mo sa girlfriend ko. Kaya sabi ko baka natitibo kana?" ngising tanong nya.


"asa" sagot ko pero pagtingin ko sa girlfriend nya ngumiti ako.

"It's nice to see you again 'ate'''



Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top