Chapter 32
Sam's POV
Augghg! Ang boring. I want to hang out! Pero wala akong kasama. Busy si Den sa boyfriend nya. Ediwow! Sya na may lablayp. Sana all. Joke.
Minsan minsan nalang kami magkasama, pag may pasok, syempre nasa ibang school naman si Alrey.
Im happy for them. I'll support their relationship. Gaya ng pagsupport ko sa kanila non ni Justine pero sinayang lang ng pisting yawang lalaking yon.
How dare he! Sa mismong harap pa talaga ng bestfriend ko. Naawa ako kay Den noon. Lagi syang umiiyak. Hindi makatulog ng maayos. Hindi makakain. Ni ayaw nga nyang kausapin ang pamilya nya.
Kaya pinaalam ko sya non, na sa bahay muna sya. I give her some advice. Wala pa naman akong experience sa mga bagay na yon. Pero kita ko naman kung gaano nasaktan yung bestfriend ko.
I comforted her. Bilang besfriend. Nasasaktan din ako para sa kanya. Sobrang mahal nya si Justine, na konting konti nalang bibigay na sya.
Napatigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa kwarto ko.
"hija! Bumangon ka na jan. Tanghali halikana't kumain kana. Baka kung mapano ka pang bata ka" sigaw ni manang mula sa labas. Kahit kelan, OA din tong si manang. Tanghali??!! Eh alas syete palang ng umaga?!
Bumaba ako ng hindi nakaligo, alam kong wala na si Dad kasi alas syete na. Tuwing Linggo pang naman sya late kung pumasok.
Kumain lang ako saglit saka, nagpaalam. Mag jo-jogging nalang ako, tutal bored ako sa bahay. Wala akong gagawin.
Mag iikot lang ako dito sa subdivision. Napadaan ako sa may park at parang niyayaya nya akong pumunta doon. Kaya naman pumunta ako.
Umupo lang ako sa may swing. Magpahinga muna ako. Kanina pa kasi ako takbo ng takbo. Dalawang rounds na siguro. Anlayo pa naman Tsk!
Sa tuwing makikita ko ang swing. Naaalala ko yung teacher namin na si Miss Swing. Sa dami dami naman kasi ng apelyido, bakit Swing pa?
Habang nagpapahinga ako, may nakita akong isang nakajacket na lalaki sa may puno. Parang nagtatago sya, kaya naman mabilis na nabalot ako ng takot. Pisting yawa!
Dahan dahan akong naglakad, dahil baka kapag tumakbo hahabulin lang nya ako. MyGoshhh!!
Hindi pa man ako nakalayo sa park, huminto ako. Napahawak ako sa dibdib ko kasi masyadong malakas yung pitik ng puso ko. Parang pagod na pagod ako ngayon. Shit!
Napalingon ako sa may punong kung saan nakita ko yung nakajacket pero parang wala na don. Kaya naman maglalakad na sana ako ng may tumakip sa bibig ko!
"fjkebrjdkemdbfjdnzbdbfncnkd!!!!" nagpumiglas ako. Pero masyado syang malakas.
"wag kang maingay!" matigas ang boses nya.
"ahhhhh TULONNGGGGG!!" sigaw ko nung makawala yung bunganga ko sa hawak nya. I use my strength to kick him. In his ass.
"awwww!" napaluhod sya sa sakit. Buti nga sayo.
"SAMMM!" tatakbo na sana ako nang isigaw nya ang pangalan ko. Kilala nya ako? Baka stalker ko tong buset na to?
"arrrrayyyy. Ansakit!" sabi nya. Sa ngayon, nakahiga na sya sa sahig. Nilapitan ko sya.
'wala naman na sigurong gagawin to. Napuruhan na eh'
Nanlalaki ang mata ko ng makita ko kung sino sya. What the?! "KYROUS??!!" takang sigaw ko
"auggghhhh! Ansakittt" sigaw parin nya. Natamaan ata yung ano nya. Not my fault.
"Ang brutal mo pala---augggghhh!" nakahawak parin sya sa parteng yon.
"sorry, akala ko kasi rapis eh. Tas nakajacket kapa! Tongeng kaba?! Sinong hindi matatakot eh may patago tago kapang nalalaman?!" sigaw ko
"sorry na" sabi nya. Medyo na siguro dahil nakatayo na sya, pero bakas parin sa mukha nya na nasasaktan parin sya.
"ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"nagjogging lang ako tas nakita kita, lalapitan sana kita pero umalis ka naman bigla" sabi nya, habang namimilipit parin.
"ahh" patangotango lang ako.
"halika na nga" sabi ko, saka ko sya inakay. Hinawakan ko sya sa braso at ramdam ko ang pagtingin nya sakin. Hindi lang tingin, ramdam kong nakatitig na sya sakin. Tsk!
Naupo kami sa isang bench. "ok na ba?" tanong ko
"tch! Sa sobrang lakas ng sipa mo?!" tanong nya
"sorry naman, natakot ako eh" sagot ko
Ngumiwi sya "ganon ka pala matakot, naninipa"
"ehhhh hindi ko naman kasi alam na ikaw pala yon, malay ko ba kung rapist yon? Engot! May nalalaman ka pa kasing patakiptakip ng bunganga ko eh kaya yon mas lalo akong natakot" sabi ko
"natakot kaba talaga?" tanong nya na parang nagsisisi na sya sa ginawa nya
"sinong tanga naman ang hindi matatakot non?" umirap ako.
"ohh di sorry na" sabi nya. Tumango lang ako "pero an sakit talaga"
"kasalanan mo..hahaha" ngumiwi lang sya
"ba't mo nga pala naisipang mag jogging?" tanong nya
"wala akong magawa sa bahay eh"
"ba't dimo yayain sina Den?" tanong nya pa
"busy sya. Magdadate sila ngayon ng boyfriend nya" sagot ko tumango tango naman sya
"hmm. Ngapala may g-gusto sana akong sabihin s-sayo" utal na sabi nya, natawa ako
"ano?" deretsang tanong ko
"ano kasi---basta wag kang m-magagalit ah?" tanong nya pa. Ramdam ko ng naiilang na sya sakin.
"ano ba kasi yon?" mahinahong tanong ko. Sya naman mukhang tense ba tense. Medyo pinagpapawisan na din. Tsk! "tanggalin mo muna kaya yang jacket mo. Pinagpapawisan ka eh" sabi ko
Agad naman nyang pinunasan yon. "wag na" sabi nya.
"so ano nga yung gusto mong sabihin?" pangungulit ko.
"uhm g-gusto ko lang s-sanang sabihin n-na......"
"na??"
"n-na" pumikit sya "g-gusto kita" sabi nya. Dumilat sya sakto sa pagkagat labi ko. Kaya naman naagaw ko ata yung atensyon nya at napunta sa labi ko.
'ohmmyyyy'
'kung nagjojoke ka bawiin mo na!'
Hanggang sa tumingin ulit sya sa mata ko. Umiwas ako ng tingin. Great! Ako naman ang naiilang ngayon. Pisting yawa!
"yon nga nasabi ko na. G-gusto kita Sam" sabi nya pa kaya napatingin ulit ako sa kanya. Pinagpapawisan parin sya. Nakakaramdam narin ako ng init. Piste.
'naiilang ako!!!!'
"ok" sagot ko. Wala akong masabeeee! Ano ba dapat kong sabihin???!!
Kyrous's POV
She's speechless. Alam ko. Huhhhh sa wakas na sabi ko na. Ilang milyong baldeng lakas ng loob ang inipon ko para lang madabi ko to.
But now, nasabi ko na. Pinagpapawisan pa ako. Shit. Baka mukha na akong shonga sa harap nya.
Hindi sya kumibo, wala din sakin ang tingin nya. Sinundan ko yung tinitignan nya at nakatingin sya sa mga halaman.
"Sam...." tumingin sya sakin kaya ngumiti lang ako sa kanya "C-can I c-court y-you?" tanong ko. Nanlalaki ang mata nya.
Alam ko nakakagulat ang mga nangyayari ngayon. Ayoko na kasing patagalin pa yung nararamdaman ko. Everytime na matutulog ako nakikita ko parin yung mukha nyang napakaamo. Yung mga mata nyang ang sarap titigan. Yung nakangiti lang sya.
"whhhaaattt??!"
"I said c-can I court y-you?" tanong ko. Napatitig sya sakin, na para bang priniproseso palang ng utak nya ang mga sinabi ko "can I court you?" naglakas loob akong wag mautal.
"bakit ako?" tanong nya
"why not?" pabalik na tanong ko
"I mean bakit ako? Andami naman dyang iba diba?" tanong nya
"alam ko pero wala akong magagawa. Puso at isip ko na ang nagdiktang ikaw ang gustohin ko" sabi ko. Nakatingin parin sya sa mga mata ko.
"alam kong madami akong nagawang masama sayo. Inaasar kita pero hindi ko alam na nahuhulog na pala ako sayo. Hanggang sa maging kaibigan na kita. At naging mas close sayo. The more I fall for you. And I think,I dont... just like you cause I think I love you" mahinahon kong sabi. Nakatunganga parin sya. Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sakin.
"I love you. Reject me or not I still love you Sam" Sabi ko. "so can I court you?"tanong ko ulit. Hindi parin sya sumagot at nakatingin parin sakin "masyado ba akong mabilis?" tanong ko pero hindi parin sya sumagot "ok kung hindi mo pa kayang sagutin ang tanong ko, ok lang maghihintay ako. Para sayo" sabi ko
Hindi parin sya kumikibo. Napayuko nalang ako,nanlumo. Masyado ba akong mabilis? Nabigla ko ba sya ng sobra?
"kung pag iisipan mo muna, its ok for me. Just don't forget that I'm waiting" sabi ko "una na ako, and please pag isipan mong mabuti" sabi ko saka aaktong tatayo, pero napatingin ako sa braso ko. Hinawakan nya yon.
"bakit?"
"bahala ka sa buhay mo" sabi nya pero hindi sya nakatingin sakin. Nasa halaman nanaman yung tingin nya.
"huh?" nagtaka ako. Anong sinasabi nya? I dont understand.
"sabi ko bahala ka sa buhay mo. Yan yung sagot ko sa tanong mo" sabi nya saka tumayo at tumakbo.
Nagtaka ako, anong sinasabi-------shit!!!!! Antanga mo Kyrous!!!!
Means??!!.
'Bahala ako sa buhay ko kung liligawan ko ba sya o hindi??!! Shit shit!!!! Ahhhh!
Kumawala ang mga ngiti sa labi ko. Yeahhhhh!
"bukas na bukas sisimulan ko na" sabi ko at tumakbo pabalik sa bahay. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Pakshet! Pinagtitinginan na din ako ng ilang mga tao dahil nagtatatalon ako. Baka iniisip na nilang baliw ako. Shit! But still----wahhhhhhhh ansaya ko lang!!!
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top