Chapter 31
Sam's POV
Nandito ako sa room. Hinihintay yung dalawang bruha haha. Maaga kasi akong nagising kanina, kaya maaga din akong pumasok.
Actually nung pumasok ako dadalawa yung naabutan kong kaklase ko. Hindi ko naman sila ka close kaya, wala akong kausap.
Nilabas ko yung sketch pad ko. Napangiti ako nang wala sa sarili. Luh. Yung laman ng sketch pad na to ay crush ko. Hehez.
Puro artista diba? Yung iba kasing hindi artista eh hindi ko masausaulo yung mukha nila at mahirap.
"good morning everyone!!" napatingin ako sa may pinto at nandon na si Den. Nakangiti sya ng malapad.
'oh anong nakain neto?'
Napatingin din yung kakalse naming dalawa, pero di narin nila pinansin. Tumingin ako sa kanya at kitang kita sa mga mata nya ang saya.
'hmm ano kayang nangyari?'
"good morning seb!" sabi nya sakin at nakipagbesobeso pa.
'bago to ah'
"anong nakain mo?" tanong ko. Umiling sya pero nakita kong napangiti sya.
"wala. Maganda lang kasi yung gising ko" sagot naman nya habang nakangiti. Napatitig ako sa kanya. Sinundan ko sya ng tingin. Umupo sya sa upuan na nasa harapan ko. At iniharap sakin.
"anong gagawin mo?" tanong nya saka nangalumbaba at tumingin sa sketch pad ko. Kinuha pa nya ito at tinignan pero agad ko ding hinila.
"magd-drawing" sagot ko
"sinong id-drawing mo?" excited na tanong nya. Hindi naman kasi ako nagd-drawing dito sa sketch pad na to yung mga hindi importante. At kung ano ano.
Alam nya naman na tong sketch pad na to ay yung pinagd-drawingan ko ng crushes ko. Sa sobrang ka-closan namin. Kilala na namin ang isa't isa. Alam kung anong paborito, anong ayaw.
"wala pa nga akong naiisip eh kung sino" sabi ko.
'alam ko na! Mainis ngato'
"alam ko na kung sino!" masayang sabi ko
Lumiwanag naman yung mata nyang tumingin sakin "sino?! Sino?!" sigaw pa nya sa mismong mukha ko. Bruhang to. Binatukan ko sya. Ngusmisi ako at tumingin sa kanya. Naghintay naman sya ng sasabihin ko.
"si Alrey nalang" nakangising sagot ko. Ngumuso sya. "oh baket?"
"ansama neto"
Tumawa ako ng pagkalakas lakas."bakit bawal?" nanghahamong tanong ko
"oo! Bawal! Kasi girlfriend nya ako!" sagot nya
"eh ano naman kung girlfriend ka nya? Asawa nga naaagaw boyfriend mo pa kaya?" sarkastikong tanong ko. Mas lalo naman syang ngumuso.
"ang sama mo. Kaya mong gawin yon sakin?" tanong nya
"syempre naman....." sinamaan nya ako ng tingin "...hindi" dagdag ko "sayong sayo na yun. Aaminin kong nung unang pumasok ako sa school na to sya unang naging crush ko. Pero nung lumipat na sya--"
"correction! Nilipat" tinignan ko sya "sabi mo!" dagdag pa nya.
"ok.. 'nilipat' na sya ng school na wala na yung pagkacrush ko sa kanya kasi syempre hindi ko naman na sya nakikita. You know me" sabi ko. Ngumiwi naman sya
"edi ikaw na!" sigaw nya "kaya mo lang naman nakalimuamtan ai Alrey kasi nandyan na si Kyrous!" tukso nya. Sinamaan ko sya ng tingin "oh baket? Totoo naman diba?"
"ewan ko sayo!" sabi ko nalang saka tinignan yung blangkong pad.
Hindi nya pinansin yung sinabi ko "si Kyrous nalang kaya and i-drawing mo?" tanong nya. Tinignan ko sya ng mabuti at pinaningkitan ng mata.
Ngumisi sya sakin kaya ngumisi din ako Naaalala ko kasi nung nilock nila kami. "hmm. Kanina mo pa sinasali si Kyrous sa usapan ah? Baka nakakalimutan mong may atraso kapa sa kanya?" nakangising tanong ko.
Bigla namang napalitan ng konsensya yung mukha nya. Naalala narin siguro yung pinaggagawa nya.
* F L A S H B A C K *
Sigaw ako ng sigaw para lang marinig na may tao dito, pero parang malabo dahil malayo ang gym dito. Hinding hindi nila kami maririnig. Sigurado ding lahat ng teachers at student ay nasa gym.
Napagod ako kakasigaw. Kaya umupo muna ako. Si Kyrous? Prenteng nakaupo malapit sa pinto. Sa floor kasi sya nakaupo.
"kung tulungan mo kaya ako" sabi ko sa kanya. Ngumisi lang ang loko.
"ba't naman ako magpapagod eh ginusto ko to?" bulong nya. Antanga no? Ba't ganon? Basta bubulong sya naririnig? Tongeng to eh. Laptrip!
Pero hindi ko naintindihan ang ibig nyang sabihin? Ginusto? Ginustong umupo lang? Waww ha!
"para makalabas na tayo tongeng to" sabi ko
"diba ikaw naman ang may pakana nito?" I frown. "pinalock mo kina Den para makapag usap tayo at pansinin kita? At para narin patawarin kita diba?" nakangising tanogn nya.
'kapallll'
"huwaww! Ang kapal ng mukha mo ah!" sigaw ko
"oh bakit totoo naman ah" nakangisi sya na parang aso. Ulul.
"ang kapal mo!" nasabi ko nalang
"inaaway mo nanaman ako? Kakasorry mo lang ah" biglang sabi nya. Ngumuso ako. Saka ko sya inirapan.
"wala kang pake!" tumingin ako sa bintana "ang init!" sabi ko.
Naglakad ako para i-open sana yung aircon, pero ayaw maopen.
"walang koryente" sabi ni Kyrous na hanggang ngayon nakaupo parin.
"ano?! Pano sila makakapag announce nyan?" tanong ko
"may solar naman sa gym" sagot nya
"wala bang solar dito sa mga rooms?" tanong nya
"ah wala eh" sagot nya. Prente parin syang nakaupo.
"ang init! Aughhh!" I open my button. Augh ang init talaga. Inisa isa kong inalis yung botones ng blouse ko.
"oy a-anong g-inagawa mo?" utal na tanong ni Kyrous habang nanlalaki ang mata nya. Umiiwas iwas pa sya ng tingin.
"ang init nga!" sigaw ko. Tinignan ko sya at nag iwas naman sya ng tingin. Tsk! Naglakad ako sa pwesto nya at naupo. Ramdam ko namang lumayo sya sakin. Adik to. Ano bang problema nito?
"Paypayan mo nga din ako" sabi ko. Wala syang nagawa kundi paypayan ako. "wala na bang mas malakas jan?!" tanong ko. Para kasing hindi sya kumain. Sobrang bagal ng pagpaypay nya. Hindi pa ako masyadong napapaypayan.
"nagpapapaypay lang eh, dami pang reklamo" bulong nya. Saka nya nilakasan ulit.
"anong sabi mo?!" sigaw ko at sinamaan ko sya ng tingin. Pero umiwas sya ng tingin, napahinga nalang ako.
"w-wala" sabi nya. Ba't ba sa tuwing bubulong to rinig na rinig ko? Hayysst! Tongeng to eh. Pinikit ko yung mga mata ko dahil hanggang ngayon ramdam ko parin yung pagod.
'sigaw ka kasi ng sigaw. Tsk! Tsk!'
*CCCCLLLAACCKK*
Biglang bumukas yung pinto at bumungad si Den at Clyde. Nanlalaki ang mata ni Den at Clyde. Napasigaw pa sila. Tinignan ako ni Den ulo hanggang paa. Saka tumingin kay Kyrous ng napakasama.
"hoyy! ANONG GINAWA MO SA BEATFRIEND KO HAH?!!" hinawakan nya yung polo ni Kyrous saka sinigawan sa mukha.
Nanlalaki yung mata ko, anong sinasabi neto? Adik lang?
"a-anong....a-anong ginawa ko?" takang tanong ni Kyrous habang nanlalaki ang mata at parang takot na takot.
"bakit ganyan ang itsura nyan hah?!!" sigaw pa nya saka nya ako tinuro. Hindi ako nakagalaw sa kinaroroonan ko.
Pero hindi ako nakatiis, tumayo ako at hinila sya pero hindi nagpatinag. Hinila nya yung kamay nya saka hinawakan ulit si Kyrous sa kanyang polo. "anong pinagsasabi mo dyan? Naririnig mo ba sarili mo? Den! Nakakahiya. Ano ba!" nakakunot na tanong ko. Tinignan ko si Clyde at nakatunganga din sya. Nanlalaki parin yung mata nya.
Hindi sya umimik, basta palipat lipat lang sya ng tingin saming tatlo.
"anong ginawa sayo ng lalaking to?!....sabihin mo! Ako mangreresbak dito!" sabi nya. Napangiwi ako.
'anong sinasabi nya???'
"ANONGG GINAWA MO SABI?! AYAW MONG SUMAGOT?!" galit na tanong nya, pumupula narin yung mukha nya. Hindi ko sya magets.
"ano ba kasing ginawa ang sinasabi mo?!" gulat ako nung biglang sumigaw din si Kyrous at parang galit din.
"bakit ganyan ang itsura nyan?!" galit paring tanong ni Den. At tinuturo turo ako.
"bakit dimo kasi tanongin sa k-kanya?!" sigaw ni Kyrous at tinuro pako. Pero nag iwas din sya ng tingin.
Bigla bigla nalang syang umalis ng walang pasabi. "hoyyy! Kinakausap pa kita! WAG KANG BASTOS! OY!!" sigaw ni Den.
Nung makaget over na. Nilapitan nya ako saka niyakap. "anong ginawa nya sayo?" halatang nag aalalang tanong nya. Medyo naiiyak na din sya.
"anong ginawa ang pinagsasabi mo?" tankang tanong ko
"bakit ganyan ang itsura mo?" malumay na kung magsalita sya.
"ang init kasi dito sa room kaya tinanggal ko tong pagkakabotones ng blouse ko. And, wala din kasing koryente, brown out" sabi ko. Bahagyang nanlalaki yung mata nya
"what?!" sigaw nya
"tsk! Dipa kasi nagtatanong bago mag eskandalo" sabi ko saka sya iniwan na nakanganga.
'pahiya ka ngayon loko'
* E N D O F F L A S H B A C K *
"wag ka ngang tumingin sakin ng ganyan! Pinapaalala mo sakin yung pagkapahiya ko eh! Kasalanan mo din yun kasi hindi mo naman agad sinabi. Andami dami ko ng sinabi kay Kyrous tapos wala din naman pala syang ginagawa sayo!" sabi nya habang nakanguso
"kasalanan ko pa? Dada ka kasi ng dada. Ayaw mo nga akong pagsalitain diba? Kaya sa susunod magtanong ka muna bago magsalita ng kung ano ano" nangisi parin ako. Nakanguso parin naman sya na halatang hiyang hiya. Hindi pa kasi nagtatanong eh
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top