Chapter 30
Sam's POV
Dalawang linggo na akong hindi pinapansin ni Kyrous. Dahil siguro sa ginawa ko sa kanya. Hindi naman siguro ganon kalala yung ginawa ko diba? para hindi nya ako pansinin.
Lagi ko syang kinakausap pero, hindi sya sumasagot. Lagi ko syang sinusundan pero, hindi nya ako pinapansin.
Kinukulit ko na din sya para lang pansinin ako pero wala padin. Ni hindi nya ako tinitignan. Nilalagpasan nya lang ako sa tuwing haharang ako sa daan nya.
Nagsorry na ako pero wala padin. Di nya yon pinansin, di nya pinakinggan. Ganon naba talaga sya napahiya?
Yung hindi nya ako kayang pansinin ng dalawang linggo? Ansama nya.
"Kyrous" tawag ko sa kanya. Nasa room kami. Walang teacher. Walang classmate. Kasi ni-lock nila kami dito. Nagkontyaba yung mga classmate namin. Mga walangya.
Pasimuno? Den, Clyde, Jaden at Francis. Pisting yawa.
Alam kasi nilang nag aaway--I mean nagtatampo si Kyrous. Parang babae eh, sapakin ko kaya?
Walang tao sa labas kasi lahat ng student nagpunta sa gym. May announcement kasi ang Dean. Ang unfair ni-lock nila kami. Ang galing diba?
Ni-lock nila para daw makapag usap kami, anong pag uusapan namin? Ni hindi nga nya ako pinapansin eh. Ni kinakausap.
At tyaka kasalanan nya naman yung nangyari kasi sya ang sumunod, bakit kasi hindi nya tinitignan kung saan kami pupunta?
Ba't di nya pinansin na sa cr kami ng babae papasok? Shonga lang.
"Kyrous" tinignan ko sya, pero nakayuko habang nagd-drawing drawing lang ng kung ano ano. Hindi sya sumagot, ni hindi sya tumingin sakin.
Napapanis na yung laway ko! Ba't ba kasi ayaw nyang magsalita?
Hindi ako nakatiis kaya, tumayo ako. Nagpunta ako sa harap nya. Pero hindi nya padin pinansin.
Hinila ko yung isang upuan at iniharap sa kanya, saka umupo "kausapin mo naman ako" sabi ko. Hindi sya gumalaw, hindi sya sumagot.
"Kyrous naman, ang hirap ng ganto eh. Nakokonsensya ako eh" sabi ko
"di wag kang makonsensya" sa wakas nagsalita sya.
"pano ko gagawin yon eh hindi mo nga ako pinansin?" angal ko
"tsk" napailing iling sya pero hindi sya nakatingin sakin. Sa bintana.
"totoo naman ah? Hindi moko pinapansin. Eh kasalanan mo naman yon eh, ba't dimo kasi tinitignan---"
"oo na kasalanan ko na!!" sigaw nya. Nagulat ako kasi hinampas din nya yung mesa nya. "kasalanan ko na, antanga ko lang kasi hindi ko alam na nasa cr na pala tayo ng mga babae, antanga ko kasi hindi ko napansin na nasa cr na pala tayo, hindi ko napansin kasi nakatingin ako sayo!!" sigaw nya "kasalanan ko na!" sigaw nya ulit na parang inis na inis sakin.
Hinampas nya ulit yung upuan, saka umalis sa harap ko. Parang galit syang---mali, galit talaga syang tumayo.
Nilagpasan nya lang ako, baka nagpunta sa harapan. Hindi ko na sya sinundan ng tingin. Hindi ko napigilang hindi maluha, hindi ko mapigilang mapahikbi.
Sya palang yung gumawa sakin non, ang galit habang sinisigawan ako. Ni hindi ginawa sakin ng dad ko yon. Papagalitan pero never nasigawan. Kasi alam nyang mahina ako, iiyak sa maliit na bagay.
Kyrous's POV
Umupo ako sa teachers table, sa side nito. Nakaharap sa may pinto. Im waiting for her to follow me. Hinihintay kong sigawan nya din ako. Pero tumagal ang ilang minuto.
Walang sumunod, walang sumigaw pabalik, walang nangurot o nambatok.
Hindi ako nakatiis kaya tinignan ko sya. Nandon padin sya sa upuan na kinauupuan nya kanina.
Narinig ko syang humihikbi at gumagalaw din yung balikat nya---wait umiiyak ba sya? Shit! Nakakainis pag umiiyak sya. Nakakainis pag nakikita kong umiiyak sya kasi gusto ko nakangiti lang sya.
Pinakaayoko sa lahat yung may umiiyak....ng dahil sakin. Hindi ako nakatiis, naglakad ako pabalik sa upuan ko.
Umupo ako don, nakita kong umaagos parin yung luha nya. Hindi sya nagsalita. Damn it! Hindi nya ako kinibo.
"sorry" nasabi ko nalang. Pero hindi nya ako pinansin. Hinawakan ko yung kamay nya, pero mas lalo pa syang umiyak kaya hinila ko sya. Niyakap ko.
Humihikbi parin sya. "sorry" paumanhin ko. "wag ka nang umiyak. Ampanget mo na" sabi ko. Natawa sya ng mahina. Kaya alam kong ok na sya.
Bumitaw ako sa yakap namin. "ba't ka umiiyak? Dahil ba hindi kita pinapansin?" nakangising tanong ko
Pinunasan nya muna yung luha nya bago sumagot "feeling ka. First time ko kasing nasigawan" sabi nya. Huh?
"nagsisigawan nga tayo noon nung nasa canteen tayo eh" sabi ko naman
"sira, nasigawan na may halong galit ganon. Ni h-hindi nga ako s-sinisigawan ni dad pag galit sya eh. Ikaw pa lang" sabi nya. Napapahikbi parin, pero hindi na sya umiiyak.
"ok sorry" sabi ko
"napatawad mo na ako?" tanong nya na parang bata. Ngayon ko lang nakita to.
Ang cute nya lang kasi namumula pa yung dulo ng ilong nya.
Wala akong nagawa kundi tumango at ngumiti sa kanya.
"kung hindi pa yata ako umiyak, di mo pa ako mapapatawad" sabi nya habang nakanguso.
"hindi naman sa ganon" sagot ko
"hmp. Ilang araw mokong di pinansin" nakanguso parin sya kaya natawa ako "tas pagtatawanan mo pa ako"
"ok sorry, sorry" sabi ko. Lumobo yung bibig ko kasi pinipigilan kong matawa sa kakulitan nya. Ang kulit pala neto.
"sige, itawa mo lang. Buset" sabi nya. Hindi ko na nakayanan kaya napatawa na ako. Tumingin sya sa labas. "lagot sakin yung may pakana nito" bulong nya.
"sila Denise at Clyde siguro" sagot ko naman
"shonga pati kaya mga kaibigan mo"
Uh oh. Actually, ako nagplano neto. Hehe. Kinausap ko sina Den at Clyde, na ilock kami. Expect ko nang kukulitin ako ni Sam kasi walang araw na hindi nya ako kinulit.
Baka ibuking ako ng dalawang yon, paktay.
"nga pala, bakit hindi mo ako pinansin?" biglang tanong nya. Kaya napatingin ako sa kanya. Sinundan ko kasi yung tinitignan nya sa labas. "dahil ba non sa nangyari sa cr?" tanong nya
Tumango ako "dahil lang don?!" sigaw nya
"oh wag mokong sigawan, alalahanin mo may kasalanan ka sakin" sabi ko
"pero ambabaw naman ng rason mo. Kasalanan mo din naman kasi hindi mo tinitignan pinapasukan mo, sinundan mo lang ako"
"oo na, kasalanan ko na" kung kanina sigaw ang pagkakasabi ko pero ngayon mahinahon na "pero kasalanan ko ba kung napunta yung attention ko sa ngiti mo? Ni hindi ko na napansin na nasa cr na pala tayo. Nanghihigop kasi yang ngiti mo" sabi ko.
Namula sya. Nag iwas ng tingin. Ang cute lang. Ang sarap kurotin yung pisngi nya.
Anlambot kung titignan. Parang ansarap sarap hawakan.
Den's POV
Pabalik na kami sa classroom. Syempre kamu yung naunang uamlis para tignan sina Kyrous at Sam sa room na naiwan.
Kinausap kami ni Kyrous. Kala nga namin galit talaga sya kay Sam pero, nagpapakipot lang pala ang loko. Nagtamputampuhan para lang masuyo.
Pagbalik namin ni Clyde sa room. Nagulat kami sa nakita namin at the same time kinilig. Yiehhh!
Gusto kong tumili pero hindi pwede baka marinig at makita kami dito.
"wah---" sinara ko yung kamay ko sa bunganga ni Clyde kasi nga may balak syang tumili. Shunga nito eh.
Sinenyasan ko syang wag maingay at nakuha nya naman yon. Binalik ko yung mata ko kina Kyrous at Sam.
'Ang sweet! Malanggam sana kayo jan!'
Napansin kong parang humihikbi si Sam. Umiyak ba sya? Anong ginawa ng lokong to sa bestfriend ko? May nangyaring masama lang kay Sam, ako gugulpi kay Kyrous. Makikita nya.
Si nya yata alam, nag aral kami ni Sam ng martial arts.
Tinitignan ko parin sila. Kung hindi ko lang siguro kilala, pagkakamalan kong nag away lang na magjowa. Na pinapatahan nung lalake yung babae. Sweet naman.
'wait...mapicture'an nga'
Nilabas ko yung phone ko. And I take a few shots.
Napangiwi ako ng makota kong napatawa si Sam. Ay shunga lang? Iiyak tas tatawa? Baliw?
Pero bakit bigla biglang tumatawa to ngayon?
'baka naman kasi hindi talaga sya umiyak'
Ngano? Baka praning lang ako. Hehe. Niyaya ko si Clyde na pagstay-in muna namin yung mga classmate namin sa canteen.
Wala kaming class mamaya. Vacant. Hooray! Pero bago pa namin sila mayaya lahat, ililibre muna daw namin sila. Takte!
Ako nga yung kinilig ako pa nagbayad! Tsk!
Wala akong nagawa kaya nilibre ko silang lahat. Babayaran naman to ni Kyrous. Pag ayaw nyang bayaran, basic! I-blocked mail ko sya.
Sasabihin ko kay Sam na plinano nya naman yon. At hindi kami nagkonyabahan ng mga classmate namin.
Diba basic? Haha. Kaya ok lang sakin na maubos pera ko ngayon. May kapalit naman. Nabusog pako.
Nang matapos kami ni Clyse na magmeryenda, bumalik din kami sa room. Wala ng proproblemahin yung mga naiwan kasi nabayaran na lahat ng kinakain nila. Tsk! Antatakaw takte.
Pagkabalik namin. Sumilip muna kami sa may bintana. Nanlalaki yung mata ko. Shit!
Nasan na sila? Tinignan ko si Clyde, pero nagtataka lang naman sya. "bakit?ganyan itsura mo?" tanong nya habang may hawak pang pagkain.
"wala sila dito" sagot ko. Biglang nanlalaki yung mata nya, agad syang lumapit sakin at tinignan.
Tinignan nya yung pinto at lumapit dito. "nakalock pa" sabi nya. Kaya nagpunta din ako sa kabilang pinto. Kumunot ang noo ko.
"nakalock din" sabi ko. Nagkatinginan kami ni Clyde. Wala pang ilang segundo nabuksan na namin yung pinto. Napasigaw kami dahil sa gulat.
Nanlalaki ang mata ko! Anong ginawa nila?!!!
Authors note:
Sorry sa mga wrong grammar, wrong spelling. Wrong--basta lahat ng mali. Pasensya hindi po kasi ako kagaling magsulat hehe. Pagtyagaan nyo lang po ah? Mamats sa inyong lahat. Lalong lalo na yung mga nagbabasa yiehhh. Mamats ulit :*
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top