Chapter 29

Sam's POV


"kamusta naman kayo ni Kyrous?" tanong ni Den na nasa tabi ko. Nasa open field kami nanonood ng volleyball.

"ok naman" sagot ko


"ok lang?" tanong nya. Tumango lang ako


"pero may napapansin ako kay Kyrous" sabi ko

Tumingin sya bigla sakin na parang gulat. "ano yon?" tanong nya nanlalaki ang mata. By the way wala si Clyde absent.

"parang naiilang na sya sakin eh" sabi ko

"oh?"

"hmm. Pero minsan din naman ang kulit. Salita ng salita, galaw ng galaw. Ewan ko ba parang kiti kiti eh" sabi ko

Natawa sya dahil sa sinabi ko. "grabe toh" sabi nya. Pinalo pako sa braso.

Pagkatapos naming manood. Nagpasama ako sa room.

"dika ba manonood ng laban nila Kyrous?" tanong nya nang makarating kami sa room.

"Manonood siguro"

"bakit siguro?"

"inaantok ako eh" sabi ko

"lagi ka naman inaantok ah" sabi nya

"mismo"

Natawa sya sa sagot ko. Haysss. Nakakapagod palang manood. Hindi naman ako yung naglalaro pero ako yung napapagod. Grabeh!


"samahan mo nga ako sa cr seb" sabi nya sakin


"ikaw nalang tinatamad na ko eh"

"pag ikaw nagpasama sasamahan kita tapos pag ako nagpasama ayaw mo? Unfair neto" sabi nya saka umirap sakin


Tinawanan ko sya. "sige na anlaki mong tae di mo kaya?"

"magpapasama kalang sakin, di kita sasamahan" sabi nya. Nakanguso syang umalis. Tumawa lang ako. Kaya naman pala ih.


"andaming alam mangyayaya lang naman"

"ang sweet nga eh"

"kinikilig ako"

"swerte naman nung girl"

Rinig kong usapan ng mga classmate ko papasok nila sa room. Chismosa talaga. Pero ano ba yung pinag uusapan nila?

Nagd-dry yung bunganga ko. Kaya pumubta ako sa canteen. Hindi ko na hinintay si Den kasi nagd-dry na talaga.

Nang makakuha ako ng tubig, naupo muna ako. Itetext ko nalang si Den na nandito ako sa canteen. Hindi nya kayang hindi nya ako pansinin.

"ba't wala kang kasama?" napaangat ako ng tingin ng may biglang nagsalita. Si Kyrous.

"ah nagcr kasi si Den" sabi ko saka binalik yung tingin ko sa phone ko

"pwede bang dito muna ako?" he asked.

Tumango lang ako. Wala naman akong gagawin ngayon. At mamaya pa naman yung game nila Kyrous. Maglalaro muna ako ng ml hehe.

"pwede ba akong makiupo?" tanong nya

Hindi ko sya tinignan. Hindi din ako nagsalita basta tumango lang ako.


"manood ka mamaya ng game ko ah?"

"game 'NYO' hindi lang ikaw yung player don" tumingin ako sa kanya, yumuko sya konti dahil narin siguro sa hiya. Umiling lang ako saka tumingin ulit sa phone ko.

"yon nga. Game 'NAMIN'" binigyan nya ng diin yung huling word na sinabi nya. Hindi ko na sya pinansin.

Mag rarank ako ngayon, matagal na akong hindi nakakalaro eh. By the way GM(grand master) I na ako, 3 star.

Hininaan ko yung sound kasi nga naka high yung volume. Hininaan ko lang, yung rinig ko. Mas gusto ko kasing naririnig ko din kung may napapatay nako.

"welcome to Mobile Legend"

I use Alucard. Actually, crush ko tong herong to. Ang gwapo nya kasi hehe.

"hindi kaba kakain?" tanong nya. Hindi ko sya pinansin.

"oy"

"oy, ano ba kasi yang ginagawa mo?" tanong ni Kyrous. Hindi ko parin pinansin.

"oy Sam" kinalabit nya ako


"wag ka ngang maingay dyan. Pag ako namatay dito, ikaw papatayin ko" pagbabanta ako. Rank pa naman to. Adik to eh


"ano ba kasi yang ginagawa mo?" tanong nya.

"wag ka nalang maingay" sabi ko.


"first blood"

'nice'

"request back-up"

'bahala ka dyan haha. Miya lang yan dimo pa kaya'

"ano ba kasi yan?" sabi nung lalaking nasa harap ko. Tinignan ko sya ng bigla syang tumayo.

Inalis ko din yung tingin ko sa kanya kasi inaattack na pala ako ng kalaban. Buti nalang at nakatakbo pa ako.

"nag e-ml ka rin pala?" tanong nya. Nagulat ako kasi nasa tabi ko na pala sya. Kala ko umalis na.


"matagal na" sagot ko naman

"you slain an enemy"

"wow galing ah pero mas magaling parin ako" sabi nya. Hindi ko sya pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalaro, actually, hindi pa ako masyadong magaling sa mga gantong laro. Kailan lang nung tinuro nila sakin to.

"anong rank mo na pala?" tanong nya, nanonood sya sa nilalaro ko

"GM" maikling sagot ko. Pano, tatlo yung umaatake sakin.

Unfair buset. Weak sila! Tatlo vs Isa? Nice

"GM?" tanong nya

"one"

"ah, mas mataas pala ako" sabi nya

"hindi ko tinatanong" mahinahon kong sagot.

'BARRRRRSSSSSS MEN HAHAHAHAHA!'

Bigla nalang syang natahimik kaya napatingin ako sa kanya. Namumula sya. Luh? Meh? Choss

"hahahaha!" tinawanan ko sya ng pagkalakas lakas. Napatingin ako sa buong canteen at nakatingin na pala sila samin.

'ay sorrey'

"ang sama neto" sabi nya, ramdam kong nakanguso ko. Ganito naman sya lagi eh pagmagkasama kami.

Pagmay nasasabi akong hindi maganda or na babarss sya, ngumunguso sya.

"anong rank mo na ba?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"epic IV, 0 star" sagot naman nya.

"wohhh galing"

"naman" ngumiwi ako. Bilib na bilib sa sarili potek.

"you have been slain"

Namatay ako. Buset!

'6 kills, 3 deaths, 3 assist'

"ay shet!" napasigaw ako. Amb*b* kasi ng mga kasama ko.

"wala na, talo na to. B*b* kasi buset!"

"oyy easy. Hahaha. Ganyan din ako pag naglalaro eh. Weak kasama. Tsk!" napaoailing nyang sabi "ako nga" sabi nya at walang sabing inagaw yung phone ko

"oy akin nga!" sabi ko saka ko inagaw pero inilayo nya

"wag kang makulit, ibubuhat ko lang mga kasama mo. Weak eh" sabi nya. Tumigil ako. Pagbigyan. Pisting yawa.

"pag natalo yan, sasapakin kita" pagbabanta ko

"eh?? Wag ah....grabe to eh" sabi nya.

"double kill" wiw. Galing nga. Hayp to!

"ikaw nagsimula nito kaya mahina" ngumiwi ako "arayy ko naman!" binatukan ko sya.

"ba't ka nambabatok?!"

"ba't ka sumisigaw?!" sagot ko

"ikaw din naman ah sumisigaw!"

"eh ano ngayon?! Trip kong sumigaw eh, may angal ka?" pinanlalakihan ko sya ng mata.

"wag ka nalang maingay dyan, pagnatalo to kasalanan mo din" habang nagpipipindot sya.

"ba't ko kasalanan? Eh ikaw yang naglalaro jan" angal ko. Tanga diba? Sisishin ako pero hindi naman ako ang may hawak ng phone. Tsk

"malamang ikaw nagsimula" sabi nya. "aray!" binatukan ko nanaman. Ba't ba kasi ako lagi sinisisi eh wala namana kong ginagawa. Nanonood lang ako diba? Duh


"DEFEAT!!!" nang marinig ko yon. Hinablot ko yung phone sa kanya. At nakita ko itong nawalan ng star! Grrrrr!

"arrraayyyy!" napasigaw sya, siguro sa sakit? Dunno. Kinurot ko sya sa tagiliran. "ba't ka nang kukurot dyan?"

"pinatalo mo eh" sabi ko. Ngumiwi sya.

"sigeh ganto nalang. Isang game pa. Ako magsisimula, ako tatapos. At pagnatalo pa gawin mo lahat ng gusto mo sakin....kahit ano, kahit..." tumingin sya sakin ng nakangiti. Yung nakakalokong ngiti.

"ano?"

"alam mo na yon. Ok lang kung gawin mo sakin yon" sabi nya. Tumatawa na sya.

Ano ba kasi ang tinutukoy nya? Hindi ko magets. Anong ano yon?

"tsk, bahala ka dyan" nasabi ko nalang kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ano ba kasi yung sinasabi nya?!

"ano game? Maglalaro ulit ako?" tanong nya, habang nagpapacute sa harap ko

"ayoko na, baka matalo ulit!"

"pano ka naman nakasisigurong matatalo ako ulit?"

"problema mo na yon. Ayoko na nga" sabi ko

"kj naman nito" bulong nya pero narinig ko.

"ano sabi mo?"

"arrayy!" piningot ko yung tainga nya.

"wala wala. Aray ansakit Sam...aray" binitawan ko sya, baka kasi umiyak. Haha. Kalalaking tao.

"kanina kapa ah. Batok, kurot ang inabot ko sayo" tanong nya. Habang iniinda parin yung kinurot ko.

"tsk!" sabi ko. Walang sabing tumayo ako.

"oy san ka pupunta?!" dinig kong sigaw nya. Pero nagtuloy tuloy parin ako.

"Sam!" sigaw pa nya, pero derederetso lang ako. "Sam!" nakakarindi. Buset.

"ano?!" pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pisting yawa.

"san ka pupunta!?" tanong nya habang papalapit sakin

"bakit, sasama ka?" tanong ko, ngumisi ako. Ngumiti din naman sya.

"oo, pwede ba?" nakangiting tanong nya

"sige lang" sagot ko.

"yess!" dinig kong sigaw nya. Napangiti ako. Wahahahah.

Naglakad ako ramdam kong sinusundan nya parin ako. Minsan sinasabayan nya ako pero nagpapahuli ako, tas pag hinintay nya ako, bibilisan kong maglakad.

Nakakahiya kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid namin. Nakukuha namin ang attention nila.

Yung iba ang sasama kung tumingin sakin, yung iba nakangiti na parang kinikilig. Yung iba, diko maipaliwanag kung ano bang klase nung tingin nila. Tsk!

Nang malapit na kami sa harap ng cr ng babae. Huminto muna ako, hinintay ko sya kasi medyo bumagal na yung paglalakad nya. Napansin nya sigurong naiilang ako sa mga tingin ng tao samin.

Nang malapit na sya sakin, ngumiti ako. Sya naman ay parang nagtataka. "ano susunod ka pa ba?" tanong ko

"oo naman, kahit sa kapa pumunta" sabi nya. Mas lalo akong napangiti. Tignan natin ang lakas mo.

"sigeh sabayan mo ako" sabi ko. Lumapit sya sakin.



Kyrous's POV

Nakakasilaw yung ngiti nya. Ang ganda nya, sobra.

At kahit san sya pumunta susundan ko sya, baka dito may chance ako. Hehe.

Hindi ko namalayang naglalakad na pala kami. Nakatingin parin ako sa kanya kasi nakangiti parin sya. Ang sarap nya lang titigan.

"oh my goshhh ba't sila magkasama?!"

"oh my, anong ginagawa ni Kyrous dito?"

"ahhhh, may lalaking nakapasok!"

"oh my God! Anong ginagawa nya dito?"

"diba bawal pumasok ang mga lalaki dito?"

Tumigil si Sam kaya napatigil din ako. Natauhan ako dahil sa mga naririnig ko. Bakit bawal na bang dumaan sa corri----. Napatulala ako. Napatitig kung nasan ako. Nilibot ko yung mata ko.

Damn it!!!

Nasa cr ako ng mga babae! Nakakahiya! Nakatingin silang lahat sakin, namula ako. Damn it. Damn it. Damn it!!!

"ano sasama kapa?" tanong ni Sam. Sobrang kahihiyan ang nakuha ko. Napatingin ako sa may pintuan at may nakasilip din na mga babae don. May ilan ding kalalakihan. Shit!

Hindi ako sumagot kay Sam. Tinignan ko sya ng masama. Nawala yung ngiti nya. At napalitan yon ng kaba. Umiling ako, saka ko sya nilagpasan. Lahat ng nakatingin sakin nilagpasan ko lang.

Nakakahiya! That was my first time to enter in ladies comfort room. Shit! Ano nalang ang sasabibin nila sakin?



Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top