Chapter 27
Sam's POV
Nagulat ako nang bigla nyang iabot yung panyo sakin. Sa gulat ko, napatitig ako sa kanya.
"hawakan mo muna ah?" sabi nya saka walang sabing umalis sya sa harapan ko.
"yiehhh" tili nang dalawang kasama ko. Napatingin ako sa kanila ng nakangiwi.
"b-bakit sakin?" utal kong tanong. Ngumiti lang naman yung dalawa. Ngumiwi ako. Megawd!
"go Kyroussssssss! Wohhhhhh"
"Goooo Johnnnn!"
"Go Kyrousssss!"
"Gooooo Francisssss! Wahhhh!"
"Goooo Jadennnnnn!"
Sigawan yung mga nasa paligid ko. Ako? Andito nakaupo lang at nanunood. Ngayon lang ako manood ng mga ganito, at masasabi kong napakaBORING! yung tipong inaantok kana. Pero yung mga kasama mo sobra kung sumigaw, yung akala mong sakanila tong gym. Megawd!
"Go Kyrousssssss!" sabay na sigaw nitong dalawang kasama ko "oy Sam! cheer mo naman si Kyrous!" sigaw ni Den sakin kahit anlapit lapit ng mukha nya sakin. Dahil narin sa ingay at para rin magkaintindihan kami.
"ayoko!" sabi ko saka ulit tumingin sa naglalaro. Tumingin ako kay Kyrous. Sa una palang ng laban nagpakitang gilas na. Aba! Sya ang unang nakashoot.
Parang madali lang para sa kanila yung mga kalaban nila. Hanggang sa patapos na yung laban. Nag tie sila. Wahh galing! Haha hindi naman sa mas pinapaboran ko ang ibang grade level pero ang galing lang kasi naabutan pa nila.
Bago matapos ang laro, nag water break muna sila. Ilang water break na din ang nagawa nila. Sobrang pawis na sila at pagod pero kinakaya parin.
Hindi ko tinanggal ang tingin ko kay Kyrous. Ok. Hindi na ako magtataka, dahil may mga time naman na nauulol sya, nababaliw. Kaya siguro binigay yung panyo dahil gusto nanaman nya akong pagtripan.
Hindi ko alam kung trip pa ba yung ginagawa nya sakin sa isang araw. Lagi nya akong kinikiliti, laging inaasar. Papansin talaga. Medyo nababadtrip na nga ako sa kanya eh. Medyo lang. Friends na daw kami. Daw! Haha
"Go Kyroussssssss! Kaya nyo yan!" Si Den
"Go insan! Go Franciss!!" sigaw naman ni Clyde. Ganyan sila kanina pa. Ako? Eto medyo nagising na dahil sa lakas ng sigaw ng mga kasama ko. Kung makatili ba naman kala mo ma----. "wohhhhhhhhhhhh"
"wahhhhhhhh ang galing!!!!!"
"ahhhhh ang galing mo Kyrous!!"
"ang galing nyo!!"
"congratsss!! Ang galing nyo!!!"
"wahhhh ang gwapo mo!!!!"
"ang hot mo!!"
Sigaw lang sila ng sigaw. Nanalo sila. Kita ko sa mukha nila ang saya, tagumpay. Tinignan ko si Kyrous. Napaiwas nalang ako ng tingin kasi nakatingin na sya sakin. Ano bang meron sa mukha ko?
Kinausap nya ulit yung coach nila at lumapit samin. Tili ng tili yung mga babaeng nasa likuran namin. Na para bang wala ng bukas. Pati mga nasa side ganon din.
"wahhh anjan na sya!!"
"pupunta na sya dito!!! Wahhh I love you na Kyrous!!"
"pupuntahan ako ni babe!!!!"
"hi babeeee!!"
"hi Kyrous!! Andito ako"
"bes, pupuntahan talaga ako!"
"wag kang asuming ako pupuntahan nya"
Marami pa silang sinasabi, pero wala na akong maintindihan sa dami at ingay nila. Napa irap nalang ako. Nagulat ako nang may kamay sa harapan ko. Tinignan ko kung kaninong kamay yon, si Kyrous.
"b-bakit?" utal kong tanong, iba kasi sya makatingin eh, nakakalusaw!
"yung panyo" sabi nya
"ayy sya pala yung gusto ni Kyrous"
"wahhh bagay sila!!!"
"ang ganda nung girl!!"
"bagay nga sila"
"hindi sila bagay, ano ba!"
"oo nga mas bagay kami"
Napatingin ako sa kanila, kakausapin ko sana sila pero hinila ako patayo ni Den. Bruhang to.
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko nakatingin din sya sa mga babae. Nakakunot ang noo. Anong problema nito? Mood swing. Kanina nakangiti lang, ngayon, aysows.
Inabot ko sa kanya yung panyo nya, pero bago ko pa mailayo yung kamay ko, hinawakan na nya. At dahil sa ginawa nyang yon, nanlalaki yung mata ko.
"yieeehhhhh"
"sweeetttttt!!!"
"wahhhhh ingitttt akooo!"
"sana allllll!"
"yiehhhhh"
"ehem! ehem!" sila Den at Clyde. Saka sila sumipol. "mukhang out of place tayo dito ah?" sabi ni Clyde
"oo nga eh" umusog sila konti, palayo samin. Grabe!
Tinignan ko sya ng nagtataka. Pero ngumiti lang sya. Yung ngiting nakakatunaw!
"hintayin nyo ko dito ah? Magshoshower lang ako" sabi nya, wala sa sariling napatango ako. Saka nya binitawan yung kamay ko pero bago nya binitiwan yon, ngumiti muna sakin. Luh
Hinila ako ni Den, kaya pabagsak na naupo ako.
'awwsss ansakit ng puwet ko!'
"kilig ka don?" tanong nya nung makaupo ako. Hindi ako alam pero namula ako sa tanong nya. Megawd!
"b-bakit naman ako k-kikiligin don?" kunwaring tanong ko, pero hindi ko na talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Nabubulol ako!
Hindi ako makaalis dahil sa tuwing magpapaalam na ako sa kanilang dalawa, hinihila nila ako. At nilalayo ang usapan para lang manatili ako. Galing gumawa ng paraan ih.
Ilang minuto lang ang lumipas, naglabasan na yung mga basketball player. Napaiwas ako ng tingin kasi tumingin silang lahat sa parte namin. As in lahat sila.
"seb nakatingin yung boys sakin oh" sabi ni Clyde. Nagpapacute pa.
"ayyy feeling lang seb?" singit naman ni Den "sakin sila nakatingin no" sabi nya saka sya nagsmile ng todong todo.
"hi Sam!" bati nilang lahat sakin nang makalagpas sila sa pwesto namin.
"ay hindi naman pala tayo ang tinitignan nila" sabi ni Clyde saka ngumuso ganun din si Den. Sige mag asume pa kasi.
Wag ka kasing mag asume, masasaktan kalang.
"hahahaha" tinawanan ko silang pareho.
"grabe naman toh" halos sabay nilang sabi. Haha
"oh halina kayo, sabay na kayo samin" yaya samin ni Kyrous. Agad na tumayo yung dalawa at iniwan kami. Ang galing lang!
Hahabulin ko pa sana sila, pero may pumigil sakin, si Kyrous. Tinignan ko sya ng nakanguso.
"hayaan mo muna sila" sabi nya, napairap nalang ako. Mukhang nagtampo yung dalawa haha. Asume pa kase haha.
Makarating kami nang canteen wala yung dalawang kasama ko kanina. San nagpunta yung dalawang yon?
"ah Kyrous kina Den at Clyde nalang ako makikisabay" sabi ko sakanya, pinalibot din nya yung mata nya, pero ang loko ngumiti lang.
"bakit may problema ba?" tanong nya
"nakakahiya kasi sa mga kasama mo" nakayukong sagot ko
"ok lang naman sa kanila eh, pero para hindi ka mailang sa ibang table nalang tayo" sabi nya
Wala akong nagawa, kasi hinila nya ako. Sya na din daw ang magt-treat sa buong team at sakin. Yayamanin. Kung nandito siguro yung dalawa, kung ano ano nalang inorder, nakakahiya.
"ba't andami?" takang tanong ko nang inilapag na yung pagkain namin.
"para mabusog ka" sabi nya saka nagsubo, gutom lang?
Gusto kong sabihin na busog pa ako at katatapos ko lang kumain pero nakakahiya namang tanggihan ang grasya. Hehez. De nakakahiya kasi nga sumama na ako ih.
"pwede bang ihatid kita mamaya?" tanong nya habang kumakain kami. Bat ganon? Kakain ko lang pero parang nagutom ako bigla? Haha
"sobrang bait mo naman yata ngayon?" tanong ko. Natawa lang sya nang mahina.
"wala lang. Ansarap mo lang kasing kasama" sabi nya, napayuko sya sa last na sinabi nya at hininaan yon. Pero narinig ko parin naman. Tsk!
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya, basta kumain nalang ako. Hindi talaga pumunta yung dalawa sa canteen. Grabe sila, nang iiwan.
Gaya nga nang sabi ni Kyrous, hinatid nya ako. Wala akong imik sa byahe, wala rin naman kasi akong masabi.
"uhm may pupuntahan kaba bukas?" binasag nya yung katahimikan sa loob ng sasakyan. Buti naman, mapapanis ng wala sa oras tong laway ko eh.
"wala naman. Sa room lang siguro ako" sagot ko
"manood ka nalang ng game namin" sabi nya
"amboring kaya" prangkang sagot ko, totoo naman kasi.
"ay grabe ka naman" sabi nya saka tumingin sakin.
"tumingin ka nga sa daan baka mabangga tayo!" pinalo ko sya sa braso.
"sorry haha" sabi nya saka tumingin ulit sa daan "boring ba talaga? Hayaan mo mas gagalingan ko pa para naman hindi ka maboring" sabi nya
Napatawa ako ng mahina. "ang galing mo nga eh, ikaw pa ang may pinaka maraming shoot" sabi ko, napatingin sya bigla sakin saka ngumiti ng pagkalaki laki
"pinanood mo talaga ako eh no?" masayang tanong nya. Luh?
"malamang wala naman akong choice kundi manood" sabi ko
"awss grabe ka naman" sabi nya
"I'm just telling the truth here" sabi ko "sa totoo lang, ayaw kong manood at matulog nalang sana sa room pero pinilit ako nina Den at Clyde" dagdag ko pa. Napatawa sya dahil sa sinabi ko "anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"wala, kailangan ko pa palang magpasalamat sa mga kaibigan mo" sabi nya, napatingin ako sa kanya pero ngayon tutok na tutok na sya sa daanan, medyo traffic din kasi kaya medyo natagalan kami dito sa daan.
"bakit ka naman magpapasalamat sa kanila?" takang tanong ko
"kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ka manonood ng game namin" sabi nya "di wala sana akong inspiration?" dagdag nya pero bulong nalang yon.
Bakit ba ang galing nyang bumulong? Naririnig lang din naman. Tongeng to eh.
Sa wakas nakarating na kami sa bahay, nagtext na pala ako kanina kay manong na wag na akong sunduin since ihahatid din naman ko ni Kyrous.
"pasok ka muna?" tanong ko. Pero ngumiti lang sya. Pansin ko kanina pa sya ngiti ng ngiti. Anong meron ba? Nakakatawa ba yung mukha ko at pinipigilan lang nyang humalakhak ganon?
"wag na baka hanapin nako sa bahay eh" sabi nya
"ok"
"next time nalang" sabi nya tumango nalang ako. Umikot na sya papunta sa drivers sit pero tumingin ulit sya sakin kaya tinignan ko sya ng nagtataka.
"pwedeng sabay tayong kumain ulit?" mukhang nahihiyang tanong nya pa. Tsk! Ang cute haha.
"sure" sagot ko, ngumiti sya ng pagkalaki laki saka nagpaalam at umalis.
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top