Chapter 26

Sam's POV

Hindi sa lahat ng pagkakataon mananatili ang inis sa isang tao. Hindi mo mamamalayang napatawad mo na sya kahit anong pang aasar ang gawin nya sayo.

May magawa lang syang isang bagay na magpapagaan sa loob mo, mawawala na lahat. Ganon ako, ewan ko ba pero parang gumaan agad ang pakiramdam ko kay Kyrous. Lagi nya akong inaasar kahit bago palang ako dito sa school.

Hindi pa nya ako masyadong kilala pero ang lakas ng loob nyang asarin ako. Ganon ba sya kapapansin? Hehe joke lang. Seriously, gumaan na ang pakiramdam ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit bigla nalang naglaho yung inis ko sa kanya, dahil ba sa ginawa nya sakin nung nasa hospital pako?

Siguro nga. Kasi kahit hindi ko sinabi, kahit hindi naman kami ganon kaclose, dumalaw sya. Pero ang pinagtataka ko lang pano nya nalaman na nadon ako sa hospital? I didn't ask him kasi nung nasa hospital pa kami. Nakalimutan ko.

Nagsorry na sya sakin nung nasa hospital pa kami, sa una hindi ako naniniwala. Sa mukha ba naman nya maniniwala ka agad?

I told him na hindi pa din ako naniniwala kaya naman hindi ko inaasahan na luluhod sya. Oo lumuhod sya sa harapan ko. He said, para daw maniwala ako.

Then, there, naniwala na ako. Lumuhod ba naman. Nagulat ako dahil sa ginawa nya, actually. So that time, pinatawad ko na din sya.

Ako na din nakiusap na huwag na nyang gawin ulit yon dahil mabilis akong mapikon.
Ewan ko ngalang kung gagawin nya nga yon.

Napangiwi ako ng tumama na sakin yung araw. Nasa garden kasi ako, my favorite spot. Sila Den at Clyde kasi ay busy, ginagawa na kasi nila yung scrapbook nila. Kaya hindi na nila ako nasamahan.

Baka sa sabado nalang kami gagawa ni Kyrous. Or ako, baka hindi din sya tutulong.

Tumayo na ako kasi mainit na sa pwesto ko. Babalik nalang ako sa room. Pagbalik ko ng room wala sina Den at Clyde. Mga ibang classmate ko lang ang nandon.

Wala naman akong magawa kaya, hinanap ko yung sketch pad ko.

'magdo-drawing nalang ako'

Kumunot ang noo ko ng hindi ko makita. Wala sa bag ko.

'san napunta yun?'

Hinalughug ko ng mabuti ang bag ko baka kasi nasingit lang. Pero wala talaga! Baka naiwan ko sa bahay or what. Buset naman.


"tatapusin nalang natin sa bahay nyo to. Mahirap kasi gumawa pag dito" sabi ni Den nang papasok sila dito.

"oh Sam jan kana pala. Sorry ah hindi ka namin nasamahan" sabi ni Clyde

"it's ok" sabi ko lang

"oh ba't parang badtrip ka? Dahil ba iniwan ka namin?" she asked na parang gulat.

"nah. Kanina ko pa kasi hinahanap yung sketch pad ko pero hindi ko makita" nakangusong sabi ko

"ah yung sketch pad mo? Nasa akin" sabi nya saka nya hinalungkat yung bag nya. Nang makuha nya iyon. Binigay din nya sakin.

"bakit nasa sayo to?" takang tanong ko, pano napunta sa kanya?

"kinuha ko lang kay Kyrous yan. Hawak nya kasi nung nakaraan. Alam ko naman na sayo yan" malumanay na sabi nya.

'pano napunta kay Kyrous to?'

"pano naman napunta kay Kyrous to?" nakakunot na tanong ko.

"ewan. Pagpasok ko kasi, nakita ko syang may hawak na sketch pad, alam ko naman na ikaw lang ang mahilig sa mga ganon kaya alam kong sayo yon" nakangiwing sabi nya.

~~~

Pagkatapos nang class namin, lumabas nako ng gate. Wala akong kasama. Nagpaiwan kasi sina Den at Clyde tatapusin daw nila yung project.

Kami ng kasama ko, wala pang natatapos. Pano busy sya, dahil laging nagprapractice ng basketball. Ball is life tokke.

"uuwi kana?" nagulat ako nang may sumulpot sa tabi ko.

Nakapamulsa sya habang nakatingin ng deretso sakin. Anong meron sa mukha ko?

"uhm, oo" sabi ko, saka nag iwas ng tingin.

"sabay kana sakin" sabi nya

"ah wag na, may sundo naman ako. Dadating nadin yun maya maya lang"

"sige na minsan lang naman eh. Tutal magkaibigan naman na tayo diba?"

Ngumiti lang ako, hindi porket magkaibigan na kami sasama sama na ako sa kanya. Hindi ko pa naman sya nakikilala ng lubusan kaya wala pa akong masyadong tiwala sa kanya.

"magkaibigan nga tayo pero wala pa naman akong masyadong alam tungkol sayo" mahinahon kong sabi

"di kilalanin moko" sabi nya saka kumindat. Umiwas ako ng tingin.

"sa isang araw nalang pagod ako eh" pagkukunwari ko

"ok then. Pero hatid na kita kilala naman na ako ng dad mo eh"

Wala na akong nagawa kundi sumama. Ang kulit eh, nakakairita yung pamimilit nya.

Gaya nga ng sabi nya, hinatid nya ako. Hindi ko na sya inimbitahan na papasok kasi, wala. Baka mag iingay lang yon ang ingay pa naman.


Matutulog na sana ako nang mag vibrate yung phone ko. I prefer vibrate than rington. At least yon nararamdaman hindi naririnig lang. Choss.

From: 0955*******
Ang cute mo kanina

The hell?! Ni hindi ko nga kilala kung kaninong number yon tapos yan sasabihin sakin?

Composed message:
Hindi ako cute kasi maganda ako. At sino kaba?

From: 0955*******
Malalaman mo din sa tamang panahon.

Napangiwi nalang ako, andaming alam. Dipa kasi sabihin, daming paligoy ligoy megawd!

Composed message:
Ok

From: 0955*******
Grabe to. Wala ka man lang bang mas mahabang sasabihin?

Composed message:
Sige. Block? O magpapakilala ka?

From: 0955*******
Eto na, to naman eh.

From: 0955*******
Its me, Kyrous.

Kumunot ang noo ko nang malaman ko kung kaninong may ari nung number. San nya nakuha number ko?

Composed message:
San mo kinuha number ko?

From: 0955*******
Kay Clyde. Wag kang magalit sa kanya kasi pinilit ko lang.

Hindi na ako nagreply. Inaantok narin kasi ako, kanina pa ako hikab ng hikab.

~~~

One week na din ang lumipas, at yon nga. Ang kulit kulit nya, si Kyrous. He always follow me kahit saan ako pumunta.

Wala naman akong magawa kundi ang pansinin sya, papasin eh. Lagi nya akong kinukulit.

Meron pa yung isang araw na napagalitan kami dahil sa kakulitan nya, sa kaingayan nya. Napalabas kami. Pero ang loko, tinawanan pa yung teacher namin. Adik sya no?

Lagi naman akong iniiwan nila Den at Clyde. Para daw makasama ko si Kyrous. At para naman daw "maget to know each other". Duh sa ugali nya palang wala na. Pasalamat sya at napagtyatyagaan kopa.

"Sam kain tayo" sabi Den nung lumapit na sya sakin.

"wohh bago ata yan ah?" sabi ko saka nagpout

"may ginagawa kasi kami noon" sagot naman nya. Ngumiwi ako, papalusot pa eh

"tapos naman na yung project ah" sabi ko

"duh, hindi pa tapos yung kanta. Kaya nagpapractice kaming mabuti, alam mo naman sintunado ako. Buti pa si Clyde magaling syang kumanta, pano naman ako?" sabi nya. Napa irap nalang ako. Daming alam eh, alam ko naman na pinupush nila ako kay Kyrous. Megawd!

Nga pala, this week, Intram namin! Wuhhh. Hehez. Ayoko sanang pumunta pa dito sa school kasi wala naman akong sasalihang sports pero kailangan ng attendance. Buset! Daming alam eh.

Andito ako ngayon sa room, at gusto kong matulog pero nandito yung dalawang adik. Haha.

"sige sige" sabi ko, nakita ko pa silang nagkatinginan na dalawa at ngumisi. Ano meron?

Nang makarating kami sa canteen, medyo madaming tao kasi nga intram. Sila ang nag order kasi sila naman ang nangyaya. Libre narin nila syempre.

"Sam punta tayo sa gym" sabi ni Den nang matapos kaming kumain.

"ano namang gagawin natin don?" tanong ko

"malamang manonood" sagot ni Clyde saka umirap sakin. Grabe to!

Pagkararing namin sa gym, mukhang wala pang laro at nag stretching palang sila. Pumwesto kami sa harap.

"Go Kyrous!" sigaw ni Clyde. Napatingin samin yung mga players, tsaka ngumiti. Nilibot ko yung mata ko, may hinahanap. Then, nakita ko sya na nakatingin din sakin at nakangiti. Uminit yung pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.

Nung naramdaman kong hindi na sya nakatingin sakin. Tumingin ulit ako sa kanya pero mukhang kinausap nya yung coach nila at tumango naman ito. Napakunot ang noo ko nang tumakbo sya palapit samin.


Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top