Chapter 25

Kyrous's POV

Nang matapos ang klase namin, nakasalubong ko sina Denise at Clyde. Pero parang hindi naman nila ako napansin. Parang nagmamadali sila.

Wala sa sariling sinundan ko nalang sila. Ewan ko ba kung bakit ko sila sinundan. Nakarating kami sa hospital.

'anong ginagawa nila dito?'

Out of curiousity sinundan ko parin sila. Hanggang sa loob. Hanggang sa mapunta sila sa napakataas na floor. Medyo naligaw pa ako dahil nawala sila sa paningin ko buti nalang nakita ko sila na nagtatanong. May sinabi yung babae, pero parang naiirita si Clyde.

Hanggang sa pumasok sila sa kwartong yon. Hindi ko naman na pwedeng sundan sila don kasi syempre magtatanong sila kung bakit ako nandon.

Ano kaya kung gumawa ako ng excuse? Yung naligaw lang ako ng kwarto? Or sasabihin ko nalang na naglalaro kasi kami ng kapatid ko? Pero nandun pala si Clyde syempre alam nyang wala akong kapatid, di nabuking ako ng wala sa oras? Wag nalang kaya?

Sayang naman yung pagod at effort kong sundan sila kung hindi ko naman malalaman kung sinong nandito.

Umupo muna ako sa may upuan dito, malapit lang naman sa kwartong pinasukan ni Denise at Clyde. Pagkalipas lang nang ilang minuto may lumabas ng babae.

Hindi ko na kailangang magtago dahil hindi naman nya siguro ako kilala dahil hindi ko din naman sya kilala.

Dahil nabagot ako kakahintay, nagcellphone muna ako. Ano ba kasing ginagawa nila dito?

Lumipas lang siguro nang ilang minuto, bumalik ulit yung babae. Actually, may katandaan na yon. Baka mommy siguro ni Denise. Kilala ko naman kasi yung mommy ni Clyde kaya malabong mommy nya yon.

Pero parang hindi naman sila magkahawig ni Den. Baka naman mommy nang pasyente. Ewan ayytts! Ba't pa kasi ako sumunod dito?

'baka kasi nandito yung hinahanap mo'

Pero sabi kanina ni Denise na sya ay nasa bahay nila, diba? Ano nanamang gagawin nya dito? Ay oo nga pala, bakit sya absent?

Bahagyang napayuko ako dahil lumabas sina Denise at Clyde sa kwartong iyon. Buti nalang at hindi sa direksyon ko sila naglakad.

Tatayo na sana ako ng may nabangga akong lalaki.

"sorry sir" sabi ko sa lalaking nabangga ko. Damn it!

"its ok---Kyrous?" huh? kilala nya ako? Tumingin ako sa lalakibg nasa harap ko. Hindi ko kilala but I think nakita ko na sya. He's familiar, but I dont know where I met him.

"sorry sir?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko matandaan kung san ko ba sya nakita, pero parang nakita ko na talaga.

"ahhh you dont remember me. Dont you?" umiling ako, hindi talaga.

"it's ok hijo. Haha. By the way I'm Nick Louise.... Daddy ni Sam" bahagyang lumaki ang mata ko dahil sa naalala ko. Oo nga! Sabi na ngaba eh I met him already.

"ayyy tito" sabi ko saka nahihiyang nagmano. "sorry po, hindi ko po kasi kayo naalala. Nagdadalawang isip pa nga po ako kung kilala ko kayo o hindi" nahihiyang sabi ko. Napatawa naman sya ng mahina, good mood ata ngayon si tito? Nung pumunta kasi ako sa bahay nila sobrang seryoso, yung para bang ilang segundo lang bubugahan kana ng apoy. Ganon yon!

"ano pala ang ginagawa mo hijo?" natahimik ako sa tanong nya. Yumuko lang din ako. Anong gagawin kong excuse? Damn it!

"ahhh ahhhmmm b-binisita ko l-lang po y-y-ung k-kaibigan ko, oo. Yung kaibigan ko po binisita ko lang" utal kong sagot.

'maniwala ka please!'

"ahhh" tatangong sagot naman nya. Napabuga nalang ako ng hangin. Huhhhh buti nalang kumagat yung excuse ko. "eh ba't nandito ka naka upo? Kala ko ba may dinalaw ka?" tanong nya. Shet na malagkit! Nanginginig na ako kasi wala na akong masabing excuse! At the same time pinagpapawisan na din ako!

"ahhh... Ahhh n-napag-god po kasi a-ako kaya nagpahinga p-po muna ako. Nadalaw ko na din po n-naman" utal ko paring sagot. Huhhhhh nasave ulit! Sana kumagat ulit!

Tumingin sya ng nagtataka sakin. Uh ohh baka naghihinala na sya. Shet!

'Isip ka ng topic. Ibahin mo yung usapan nyo! Dali!'

"ahhh ahh kayo po tito ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko.

"nandito kasi yung anak ko, teka. You dont know? Kaya nga sya absent eh" sabi nya. Nanlalaki yung mata ko. Nandito si Sam? Sya yung pinuntahan nina Clyde at Denise?! What the! Buti nalang pala at sinundan ko sila.

"ah ang alam ko lang po kasi is nag absent lang sya" sagot ko saka ako yumuko at kagat labing ngumiti.

"kung gusto mo sumama ka muna sakin, you can come with me" sabi nya. Nagtaka ako at mukhang nabasa nya naman yon. "sa loob, naka-confine kasi yung anak ko" sabi nya

"sigeh po, ok lang po?" tumango lang sya

'wahhhh salamat tito, hulog ka ng langit! Hindi nyo lang po alam pero gusto ko po yung anak nyo'

Nakakabakla man pero hindi ko mapigilang mapangiti.

"Ako muna ang papasok ah? Baka kasi mabigla sila ng mommy nya na bakit kita kasama" sabi nya. Napatango nalang ako.

Pagkapasok nya sa loob, sumandal muna ako sa pader. At hindi napigilang mapangiti. Damn it! Nakakabakla talaga.

Napayuko ako at don ngumiti ng pagkalaki laki. Kasi naman, napapatingin sakin yung mga taong naglalakad baka isipin nilang baliw ako.

'baliw naman talaga ako, baliw sa kanya hehe'

Lumipas lang ang ilang minuto, bumukas yung pinto at sumilip si tito.

"pasok kana hijo, pasensya nat medyo natagalan. Kinausap nila ako eh" sabi nya. Ba't pag si Sam ang kumakausap sa kanya takot na takot?

Mukhang masungit lang siguro pero hindi talaga, mabait sya actually.

"pero tito, kumukulo po dugo nya sakin eh" sabi ko. Tumawa lang naman sya, nadala ako sa tawa nya kaya tumawa din ako, pero mahina lang syempre.

"pasok na, challenge" tinignan ko sya ng nagtataka pero hindi na nya nakita. Hindi na din ako nagtanong pa kasi hinihintay na nya ako sa loob.

Wala akong choice kung hindi ang pumasok nalang din. Nauna kong nakita si Sam na naka nakaliyad na nakaupo sa kama.

Nakita ko kung pano bahagyang nanlalaki ang mata nya. Nagulat siguro kung bakit ako nandito. Yung lagi ba naman aasar sayo, pati sa hospital susundan kaba naman.

Baka ang alam nya nandito ako para bwisiten sya, pero nagkakamali sya. Hindi ko naman talaga alam na nandito sya no. Wag syang feeling.

Pero.....

Thank you narin kina Clyde at Denise dahil dinala ako dito. Kahit na hindi naman talaga nila ako dinala, ako ang nagkusa.

Thank you sa curiousity ko, kahit pinahamak ako, at least may magandang dulot naman, hehe.

Curious ka kaya gusto mong malaman ang mga bagay na gumugulo sa isip mo. Kaya kahit ikapapahamak mo gagawin mo, para lang malaman kung ano ba ang totoo.

Ngumiti ako sa kanya, pero inirapan lang nya ako. Natawa nalang ako. Kahit kelan talaga mainitin parin ulo nya sakin.

"sino sya hon?" biglang tanong nung babaeng lumabas kanina. Hon? So sya pala yung mommy ni Sam? Para lang silang magkapatid, parang dalaga parin yung mommy nya.

"K-Kyrous ma'am" inabot ko yung kamay ko, walang alinlangan na tinanggap nya naman iyon.

"mommy ni Sam" pagpapakilala nya naman. Ano pong pangalan nyo? Yon po kailangan ko. Kidding!

"nice to meet you ma'am" sabi ko pero, seryoso nahihiya ako. Shete lang.

"just call me tita nalang, ano mo pala si Samy? Is she your girlfriend?" biglang tanong nya. Medyo nagulat ako sa totoo lang. Hindi gulat na gulat dahil alam ko naman na masasabi ko din ang mga salitang yon.

'girlfriend'

Napatingin ako sa kanya, pero napaiwas sya ng tingin sakin. I smiled. I saw her blush. Ang cute.

"ah hindi po. Classmate nya po ako" nakangiting sagot ko

"oh I thought boyfriend kanya. Bagay kasi kayo" bigla nalang nasamid si Sam kaya napatingin kami sa kanya.

'bagay daw..... Naman'

So ok lang pala kami sa mommy nya? Ang delikado nalang ay yung kuya nya at daddy nya. Pero diba mabait naman yung daddy nya?

~~~

Sam's POV

*ring *ring *ring

Biglang nagring yung phone ni dad. Nagpaalam muna syang sasagutin lang daw nya yon.

Nilalabanan ko yung mata kong hindi mapatingin sa bwisitang to, kasi naman mamaya baka nakatingin nanaman. Sabihin pa nyang gusto ko sya kasi tingin ako ng tingin sa kanya. Ilang minuto palang naman sya dito.

After a minute, bumalik din si dad pero mukhang nagmamadali.

"uhm hon I have to go, may meeting pa pala ako kay mr. Santiago, wala sa isip ko eh" sabi nya habang nagkakamot sa batok nya.

Tumayo si mom, at inayos yung suot ni dad. "mag ingat ka sa pagda-drive ah? I love you" sabi ni mom saka hinalikan si dad sa lips.

'hello! Nandito kami oh? Di man lang mahiya?'

Grabe! Alam naman nilang may mga bata dito oh. Mga inosente po kami! Ay baka ako lang. Ewan ko lang dyan sa isang nandyan.

"ehem!" kunwaring ubo ko. Napatingin naman sila sakin. Tumingin ako kay Kyrous pero umiwas sya ng tingin. Saka tumigin ulit kina mom and dad. Sinenyas ko sa kanila si Kyrous.

Namula si mom dahil sa sinenyas ko, mukhang ngayon lang nya narealize na may ibang tao pala. Mahiya naman kasi kayo hoy! Kidding haha. May ibang tao kasi eh.

"uhh sorry" paumanhin ni Mom

"ok lang po--" sabay naming sabi ni Kyrous. Natatawa ako dahil sa reaksyon ni mom. Gawd!

Napatingin ako kay Kyrous pero nakatingin na pala sya sakin, he smiled. Umiwas nalang ako ng tingin na parang walang nakita.

"ok I have to go" lumapit sakin si dad saka hinalikan yung noo ko "pagaling ka hah?" tumango ako. Dad also kiss mom in her forehead, same as what he did to me. Nahiya na siguro sa ginawa nila kanina.

"I love you" dad whispered to mom, but I heard it. "hijo maiwan ko muna kayo ah? May meeting kasi ako" sabi ni dad kay Kyrous

"ok lang po"

"ok lang bang maiwan ka muna dito?" tanong ni dad

"oo naman po" sabi nya saka ngumiti, bakit parang ang hot---nevermind.

"ay nako. Hindi ka pa pala kumain baby. Kain kana pala" sabi ni mom saka kumuha ng pagkain sa ref. May maliit kasing refrigerator sa room ko.

*tok *tok *tok

Napatingin kami sa pintuan ng may marinig kaming kumatok, sino naman kasing dadalaw ng ganitong oras? Pwera nalang tong isang to na nandito.

"ako na po" sabi ni Kyrous saka tumayo. Wew may silbi din pala tong nandito. Kidding aside. Wala naman nang nagawa si mom kaya pinagpatuloy nalang yung ginagawa nya.

"ah good evening po" sabi ng isang nurse nang makapasok sya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"good evening" sagot ni mom saka ngumiti.

"ma'am check ko lang po sya" sabi ng nurse saka lumapit sakin. May tinignan lang sya at naglista lista, hindi ko naman maintindihan kung ano yung mga sinusulat nya.

Pagkatapos nya akong icheck. Lumapit sya kay mom at may sinabi. Hindi ko masyadong narinig kaya hindi ko maintindihan yung pinagsasabi nya, bakita ko lang na tumango si mom.

Agad ding nagpaalam yung nurse. Lumipas lang ang ilang minuto, lumapit na si mom sakin na may dalang soup.

"teka lang Sammy" sabi ni mom saka bumalik ulit sa pinaghandaan nya ng pagkain.

Pagkaraan lang ng ilang segundo siguro bumalik sya at may dalang soup ulit. Ihh mabubusog naman na siguro ako nyan no?--ok. Hindi pala akin yung isang hawak nya.

Nilapag nya yung soup sa table, sa harap ni Kyrous. "kain ka muna hijo, baka gutom kana" sabi ni mom.

"ah thank you po tita" mukhang nahihiyang pasalamat nya. Bakit hindi pa kasi umuwi to? Gabi na ah. Hindi ba sya hinahanap sa kanila? Boplaks to eh.

"ay nakalimutan ko. Wala ka na palang gamot dyan Sammy, kailangan pa naman na pagkatapos na pagkatapos mong kumain dapat uminom ka agad" sabi nya, saka nya ako sinubuan. Hindi ako nagpapababy, masakit lang talaga yung kamay kong tinusukan nila ng dextrose. Huhu. Parang pati yung isang kamay ko naapektuhan din.

"uhm tita, ako nalang kaya ang bibili ng gamot nya" suggestion ni Kyrous.

"ay wag na hijo. Ako nalang, bisita ka tapos uutusan kita? Hindi naman ata maganda yon" sabi nya, saka nya ulit ako sinubuan. "wait lang Sammy ah?" sabi ni mom, tumango nalang ako.

Lumapit sya kay Kyrous at may binulong. Tumango lang naman si Kyrous habang nakaguhit sa labi nya ang ngiti, para bang ngiting panalo. Ano ba kasi yung sinabi ni mom? Kailangan ba talagang ibulong?

Walang salitang lumabas si mom. Luh? Kumakain ako tas iiwan nalang? Bastusan lang mom? Tsk! Gutom nako eh.

Napahawak ako sa tiyan ko nang marinig ko itong tumunog. Nagsisigawan na mga bulate ko oh, pati sila gutom na! Ngumuso ako, gutom na talaga ako.

Wala sa sariling napatingin ako kay Kyrous na humihigop. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok, inggit ako! Gutom nako oy makiramdam ka naman!

Napakagat labi nalang ako. Im hungry! San ba kasi nagpunta si mom?!

Naramdaman kong lumapit si Kyrous kaya napatingin ako sa kanya, kinuha nya yung soup ko. Hoy alam kong masarap magluto si mom pero parang awa mo na akin yan, gutom nako oy!

Inihipan nya yung nasa spoon na soup, pagkatapos ay isusubo nya sakin.

"Kakainin ko talaga yan? Are you insane? Inihipan mo kaya yan" sabi ko

"ano naman connect non pag inihipan ko tas kainin mo?" tanong nya

"syempre may laway na yan. YUCK!" I crossed my hands.

"hindi naman ako talsik laway eh, sige na. Gutom ka na nga eh" sabi nya. Inirapan ko lang naman sya.

"hindi na'ko gutom" pagpapalusot ko, napahiya nalang ako ng biglang tumunog yung tiyan ko.

Nginisian nya alang ako "ako nalang----arrraayy!" kukunin ko sana yung bowl ng mahila yung dextrose na nakatusok sa kamay ko, ansakit! Parang naapektuhan din yung isang kamay ko, pisting yawa.

"ako nalang kasi" sabi nya tas nagscoop ulit, binalik nya pala yon kanina. Iwww! May laway na yung pagkain ko. Kadiri to!

Wala na akong nagawa kundi ang ngumanga nalang.

*pout

No choice. Gutom na talaga ako.

"ahh" sabi nya nung maihipan nya yung soup.

Unti unting nawawala yung inis ko sa kanya. Habang sinusubuan din nya ako, I heart beats fast. Ano bang nangyayari sakin? Huwag mong sabihing----oh God!

"ahh" sabi nya ulit, pero nilayo nya sakin. Parang bata na yung ginagawa nya sakin. Sinubo nya ulit sakin yon.

"arrayyy" sabi ko nang mapaso ako, agad naman syang tumayo at kumuha ng tubig. Nakalahati ko ata yung baso. "papasuin mo ba talaga ako?!" ngayon, bumalik nanaman yung inis ko sa kanya.

Pano ba naman kasi, napakainit yung sinubo nya sakin.

"sorry" sabi nya

"anong magagawa nyang sorry na yan?" inirapan ko sya

"I'm sorry diko sinasadya" sabi nya.

"baka sinadya mo para makabawi ka" bulong ko. Mukhang hindi naman nya narinig dahil nagtataka yung mukha nya.

"hindi ko nga sinadya" sabi nya, narinig naman pala. Tsk! "sige na kumain kana" sabi nya.

"ahhh" sabi nya. Ngumanga ulit ako, syempre l'm still starving. Pero pagkasubo ko yon, inirapan ko sya.

Hindi ko alam pero tumawa lang sya ng mahina. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Baliw talaga kahit kelan.

"ahh" sabi nya, isusubo ko na sana yon ng bigla nyang nilayo. "here comes the airplane!" mahinang sigaw nya. Ginagawa na nya talaga akong bata.

Dahil sa ginawa nya, napatawa nalang ako. Para syang timang. Ngayon ko lang sasabihin to pero ang cute nya sa ginagawa nya. Shit!

"ahh" sabi nya. Imbes na ngumanga ako, tumawa ako. Pano ba naman kasi sa tuwing sasabihin nyang nganganga ako nilalayo nya yung pagkain tas isusubo nya na parang airplane daw na papasok sa bunganga ko. The heck! Hahaha

"ano ba tumigil ka nga, para kang bata" sabi ko saka pinalo ng mahina yung kamay nya. May hawak kasi syang soup kaya mahinang mahina lang.

"ang cute mo" out of nowhere biglang nalang nyang sinabi. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ramdam kong uminit yung pisngi ko.

"hindi ako cute" pahumble na sabi ko. Hehe

"kasi maganda ka" sabi nya. Napatingin ako sa kanya pero nakatitig lang sya sakin. Hindi ko maiwasang mapatitig din sa kanya.

Ang ganda ng mga mata nya! Ang ganda din ng pagkaform ng kilay nya. Yung labi nyang napakapula. Shit!

Napatingin ako sa kanya, pero hinfi na sya nakatingin sa mga mata ko. Kundi sa labi ko! Uh oh

Unti unti syang lumapit, hindi ko alam pero ayaw gumalaw ng katawan ko! Unti unti padin syang lumapit hanggang sa isang dangkal nalang nag natitirang pagitan namin.

"awwww"

"hahahahahahahahaha" tumawa ako ng pagkalakas lakas kasi naman, antanga lang nabuhos kasi sa damit nya yung soup.

"hahahahahaha" napahawak nalang ako sa tiyan ko, sobrang sakit nadin kasi. Kakatawa. Nakalahati ko na pala yung kinakain ko, kaya pala natapon sa kanya kasi medyo marami pa.

"grabe ka naman makatawa" sabi nya. Saka nya pinupunas punasan yung natapunan.

"wait... Baka hinahanap kana sa inyo" I said. Baka kasi hinahanap na sya. Ang hirap kayang mapagalitan. Concern lang ako, sa mga magulang nya. Hindi sa kanya kasi baka manerbyos yung mom nya or yung dad nya di wala din.

'ba't dimo pa kasi sabihin na concern ka sa kanya'

Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top