Chapter 24

Sam's POV

Nagising ako dahil may malakas na nagtatawanan. Hindi ko alam kung sino pero napakalakas talaga. Hindi ba nila alam na may pasyente dito. Minulat ko yung mata ko pero napapikit ako ulit.


Nakakasilaw yung ilaw. What time na ba? Parang kanina pako tulog. Unti unti kong minulat ang mata ko para hindi nako masilaw.

Bigla nalang tumigil yung tawa ng tawa. Nilibot ko yung mata ko para makita kung sino man yung nang-istorbo ng tulog ko.


"Sam!" sigaw nilang dalawa. Kaya pala maingay. Nandito si Den at Clyde.


"huwag nga kayong maingay. Nakakairita kayo lam nyo yon? Nakakaistorbo din kayo ng tulog" irita kong sabi. I'm just telling the truth here, nakakabulabog talaga sila. Kung magtawanan ba naman kala mo wala ng bukas tsaka kala mo naman sakanila tong mundo. Tsk! "Ang ganda na nang panaginip ko eh" pagkukunwari ko, hindi ko naman maalala kung ano ba yung napanaginipan ko.


"anong panaginip mo? Share mo naman oh" sabay nilang sabi. Nagkatinginan pa sila saka tumawa.



"diba dapat tinatanong nyo muna kung ok nako? kung ano bang masakit sakin? O kung gutom nako? Yan pa talaga sasabihin nyo?" Grabe! Ganon pala sila mag alaga? Ngayon alam ko na, mamamatay pasyente nila. Pisting yawa.


"ay sorry naman. Na excite lang kami kung anong panaginip mo kasi naasar kapa samin, nabulabog ka kasi.... Sorry ah" sabi ni Den


"Sorry seb" pagpapaumanhin ni Clyde na nasa kabilang side. Sa magkabilang side kasi silang dalawa.


"oh ano gutom kana ba? Ano gusto mong kainin?" tanong ni Den



Inirapan ko sya, kailangan pa bang ipaalala muna bago magtanong? Grabe naman.

"wala. Wait where's mom?" I asked. Sya kanina nagbabantay sakin diba? Tas sinabihan ko lang naman na sana dalawin ako nila Den.


"ah sinundo si tito sa baba" sagot ni Den. Tumango nalang ako kasi wala akong masabi.


Hindi din naman talaga ako gutom kasi kakain ko lang kanina ata?


"anong oras na pala?" out of nowhere natanong ko, pero naka


"6:36 na" sagot naman ni Clyde habang nakatingin sa watch nya. Aww late na pala hindi pa ako kumain, kailangan ko din uminom ng gamot.


Antagal ko din palang nakatulog, mga 12 siguro nung natulog ako. Kahit pala may sakit ako antukin parin, pero diba ganun naman talaga pag may sakit? Tulog ka ng tulog para mawala agad yung sakit. Hehe


*ring *ring *ring


Nagring yung phone ng isa sa amin pero hindi sakin. Nilabas ni Den mula sa bulsa nya ang cellphone nya at suminyas na sasagutin lang nya raw yon. So cellphone nya pala. Baka hinahanap na sya sa kanila. Gabi nadin kasi. Syempre bilang magulang mag aalala ang mga yon.


"so.... Ok ka na ba or what? Matagal kapaba dito? Kailan ka uuwi? Papasok kana ba bukas?" sunod sunod na tanong ni Clyde



"seb, diba pwedeng isa isahin yung tanong mo? Kailangan sunod sunod agad? Grabe" inirapan ko sya. Napatawa lang naman ang loko. Baklang to.


"hehe sorrey. Isa lang naman talaga gusto kong itanong sayo" sabi nya. Tinaasan ko sya ng kilay at naghintay ng susunod nyang sasabihin


"ok ka na ba?" tanong nya. Bumuntong hininga naman ako

"actually, masakit padin yung ulo ko. Nilalabanan ko lang kasi gusto ko nang pumasok" sagot ko

Ngusimisi naman sya na parang aso. Nanunukso. Ano nanaman kaya iniisip ng baklang to?


"gusto mo lang atang makita si Kyrous eh" bulong nya pero rinig na rinig ko naman. Tongeng bubulong nangalang naririnig pa, tsk!


"narinig ko yon, tsk!" nakangiwing sabi ko


"edi ikaw na malakas ang pandinig" sabi nya naman saka umirap "ano bang sinabi ko?" parang tinatry nya ako kung narinig ko ba o hindi.


"gusto mo lang atang makita si Kyrous eh" pag uulit ko sa sinabi nya.


"totoo naman yun diba?"

"oo"


Ngumisi ang bakla, saka ko lang narealize yung sinagot ko. What the?


"sabi ko na nga ba eh" sabi nya sabay sundot sa tagiliran ko. Napaliyad ako ng konti kasi nga may kiliti ako don. Medyo naalog din yung ulo ko dahil sa pagkabigla kaya medyo sumakit ulit yung ulo ko.


"aray!" sigaw ko saka hinawakan yung ulo ko, bigla nalang kasing sumakit ulit.


"ay hala sorrey. Kalerki napakasensitive naman neto" sabi ni Clyde. Pero pinahiga na ako ulit.


Hinilot hilot ni Clyde yung ulo ko. Pwede nang mag albolaryo to. Hahaha. Pero hilot hilot ba yung ginagawa nun? Pero parang ganun naman na. Basta! Baka ganon.

"ay Sam" biglang sabi ni Den tsaka lumapit samin. Sino kaya yung kinausap? Bat antagal naman ata? Hmm. "oh anong nangyari?" tanong nya nung makita nya yung posisyon ko


"nagbibiruan kasi kami tas bigla nalang sumakit yung ulo nya kaya humiga sya ulit" sabi ni naman ni Clyde.


"ah...pero Sam kailangan ko na palang umuwi. Hinahanap na kasi ako sa bahay, nagpumilit pa nga akong dito nalang ako matulog pero sabi ni mommy may pasok pa daw bukas. At bumisita nalang daw ulit ako" sabi nya na medyo naiinis din.


"hindi ok lang, sige na baka pagalitan kapa sa inyo. Ikaw din pala Clyde baka hinahanap kana sa inyo" sabi ko


"ay baklang to pinapalayas ang beauty ko" sabi naman ni Clyde habang nakanguso


"gaga, baka kasi hinahanap kana sa inyo" sabi ko saka ko sya inirapan.

"baka nga" sabi nya saka nilabas yung phone nya. Nakita ko naman kung paano bumilog yung mata nya "hinahanap na nga ako. Andami na ding missed calls and messages" sabi nya


"ba't dimo then narinig?" tanong ni Den

"hehe naka-silent" sagot ni Clyde "sigeh Sam sabay na din pala ako kay Den" dagdag pa ni Clyde

"sigeh ingat kayo ah?" sabi ko. Mabilis silang umalis sa harap ko. Pero napatigil Den kaya napatigil din si Clyde


"bakit?" dinig kong tanong ni Clyde


Hinila ni Den si Clyde pabalik sa pwesto ko at bumuntong hininga "wala palang kasama tong bruhang to baka kung anong mangyari, hintayin nalang natin si tita" sabi nya. Kahit anong gawin ko sa babaeng to mahal na mahal talaga ako. Yan ang tunay na bestfriend dahil mas pinili nyang mag stay muna kahit alam nyang mapapagalitan na sya para lang sa kapakanan mo.


Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang bumukas yung pinto.


"mom" nakangiting sabi ko


"oh you're awake. May masakit paba sayo?" tanong nya. Bakas talaga sa mga mata ni mom na nag aalala sya. Sinubang hindi mag aalala diba?


"medyo masakit nalang po yung ulo" sagot ko tumango naman sya, saka tumingin sa dalawa.


"ah tita papaalam na sana po kami, hinahanap na kasi kami sa bahay namin" sabi ni Den. Tumango lang naman si Clyde.



"ah sigeh mag ingat kayo pauwi ah? Pasensya na sa abala" sabi ni mom


"kailan pa naman naging abala si Sam sakin tita?" tanong ni Den ng nakangiti


"mag bestfriend nga kayo"


"bestfriend na din po nya ako tita" singit naman ni Clyde. Napatawa nalang kami dahil don.

"sigeh po tita mauna na po kami" sabi ni Den


"sigeh po" saka sila nakipagbeso beso kay mom.


"salamat sa pagdalaw ah, baka makakauwi na din kami bukas" mom said.

"sige po. Sam bilisan mo magpagaling ah?" tumango nalang ako, umalis din naman sila bago non.


Tumingin ako kay mom "si dad po? Sabi ni Den sinundo nyo daw sya?" tanong ko



"ah nagpaiwan sa baba kinakausap pa nya kasi yung kaibigan nya" sagot naman nya


Tumabi sya sakin. She touch my forehead, then she smiled to me. "wala ka na ngang lagnat" she said. "kaibigan mo lang naman pala magpapagaling sayo" dagdag pa nya.


Natawa naman ako, natawa din sya. "Gutom kana ba?" Tanong nya. Umiling ako, hindi pa ako gutom eh.


"sige mamaya nalang then. Kailangan mo pa palang uminom ng gamot" papaalala nya tumango nalang ako. Kinuha ko yung phone ko at naglaro. Amboring kasi, nakahiga lang ako.


I was about to click the game Mobile Legend when someone opened the door. It was dad so hindi ko na tinuloy. He don't want me to play Mobile Legend, makakasira daw sa pag aaral ko which is hindi naman.



Mas lalo na ngayong may sakit ako. Nakakatakot pa naman pag magalit to. Umuusok yung ilong eh. Hehe


"hi dad" sabi ko. Ngumiti naman sya bago lumapit samin, nasa tabi ko parin kasi si mom habang sinusuklay suklay nya yung buhok ko gamit yung kamay nya.


"hi, how's my princess?" sabi nya saka nya hinalikan yung noo ko. Dahil don napangiti ako, good mood si dad ah?


"ok naman na po" sagot ko


"wala na bang masakit sayo?" tanong nya


"medyo masakit pa po yung ulo ko" sagot ko naman "si kuya po? Ba't dipa po sya pumunta dito?" tanong ko


"maraming ginagawa ang kuya mo, marami din silang projects. Lam mo na graduating sila kaya ganon" si mom ang sumagot. Napapout nalang ako


"you miss your brother?" tanong ni mom


"no. I won't miss him. Hindi nga nya ako miss eh. Ba't ko naman sya mamimiss" sabi ko habang nakanguso

"nagtatampo ang baby ko... Let me hug you" sabi nya saka niyakap nya ako. Dad also.


"may bisita kapala Samy" sabi ni dad habang nakangisi. Binuksan nya yung pinto tas may kinausap sya. Napabuga nalang ako ng hangin. Ahhhh parang umiikot tong paningin ko. Ano daw meron?


'bisita daw! Bingi to!'


May narinig akong mahinang tawa kaya napatingin ako sa pinto. Nanlalaki ang mata ko kung sino yung bisitang sinasabi ni dad. Hindi naman ata bisita yan eh, bwisita siguro.

Ngumiti sya sakin na parang nahihiya pero inirapan ko lang sya, narinig ko naman na mahina syang natawa.

Ano bang ginagawa nya dito? Buset talaga tong lalakeng to.

"sino sya hon?" tanong ni mom habang nakangiti

"K-Kyrous ma'am" then he handed his hand to mom. Mom shakeshand with him.

"mommy ni Sam" sabi ni mom

"nice to meet you ma'am" sabi naman ni Kyrous habang nakangiti pero parang nahihiya. Sus wala namang hiya eh


"just call me tita nalang, ano mo pala si Samy? Is she your girlfriend?" tanong ni mom. Napatingin si Kyrous sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Heck!



Thanks for reading^_^

Don't forget to vote and comment..:)

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top