Chapter 23
Kyrous's POV
Napag isipan ko kahapon na maaga akong papasok ngayon kaya naman, maaga talaga akong gumising.
Naligo ako agad, bumaba din ako pagkatapos. Nagulat pa si mommy. Well maaga talaga syang nagigising kasi sya yung nagluluto ng breakfast namin. Maaga din kasing umaalis si dad papuntang office.
Nagpaalam lang ako kina mom at dad saka na ako umalis. Hindi naman traffic kaya mabilis din akong nakarating.
School
Maaga ako ngayon kaya, malamang wala pa yung mga kasama ko para magpractice. Nagpunta muna ako sa room. Ni isa wala akong naabutan na tao don.
'grabe! Ganun ba ako kaaga?!'
Nagpunta nalang ako sa upuan ko saka umupo. As I look around our room. Somethings get my attention. Isang notebook ata, oh no...that's a sketch pad I think. Kinuha ko yon. Out of curiosity, I open it.
As I open it I was so amase.
'WOW'
The first sketch I saw was James Reid. Wohhh. That was so amase! I can't imagine that someone can draw like this. Wohh. Napag isip ko, he/she's my classmate? Pero hindi ko naman kilala kung sino nga. May sign sya sa may gilid pero hindi ko talaga alam kung kanino. Curious talaga ako kung gaano sya kagaling kaya naman I turn it on next page. This time it was Enrique Jil. That was so awesome men! I can't believe it. I turn again to next page.
Daniel Padilla
Ronnie Alonte
Donny Pangilinan
Nash Aguas
Joshua Garcia
Hindi mo na kailangan pang tignan yung mga pangalan na nasa baba ng picture kasi sa mukha palang alam mo na. Kuhang kuha, kahawig na kahawig. Hindi ko talaga maiwasang mapahanga. Ang galing nya! Nag eenjoy akong tignan ang mga sketch kaya nagpatuloy ako sa pagtingin.
Bailey May
Sam Concepcion
Enchong Dee
Khalil Ramos
Juan Karlos Labajo
Jason Dy
Sungha Jung?
The last sketch I saw is hindi ko kilala. Sungha Jung? Familiar but hindi ko alam kung san ko ba narinig yang pangalan na yan. Habang tinitignan ko yung sketch parang nakita ko na nga to.
Oh!
I knew it! Sya yung magaling mag-guitar. That was him. So awesome! Pero pansin ko lang, bat puro lalake?
'baka lalake rin may ari'
That was the last page na may sketch yung iba ay yung anime lang. At hindi ko kilala, hindi naman kasi ako mahilig sa mga anime.
"why are you holding that one?" nagulat ako dahil bigla nalang may nagsalita sa likod ko.
'oh bestfriend ni Sam to diba?.... yeah sya nga'
"wala, tinitignan ko lang" sagot ko naman saka ko sinauli yung sketch pad "is this yours?" tanong ko
"nope" sagot naman nya
"eh kanino?" tanong ko. Kung makapagtanong kanina kala mo naman sa kanya. Tsk!
"kay Sam to and... Ayaw na ayaw nyang may pumapakealam sa gamit nya" sabi nya saka nya kinuha yung pad na nilagay ko sa may table ng upuan.
"tinignan ko lang naman ah" nakangiwing sabi ko
"pinakealaman mo parin" sabi nya, hindi sya nakatingin sakin dahil nilalagay nya sa bag nya yung pad "pasalamat ka at wala ngayon yon" napakunot ang noo ko dahil don
'absent sya? Nubayan!'
"bakit? san sya nagpunta?"
"nasa bahay nila" mahinahon nya namang sagot. Ok!
"absent sya ngayon?" tanong ko. Bigla naman syang tumingin sakin at ngumisi ng nakakaloko
"at bakit mo naman tinatanong?" tanong nya habang nakangisi parin
"wala tanong ko lang" sabi ko. Tumayo na ako at walang salita salitang lumabas ako ng class.
'mahirap na baka mabuking, hehe'
Den's POV
Bastusan lang bes? Matapos nung magtanong tanong lalayasan nalang ako bigla? Hanep din eh no? Hangin!
Buset!
I know him, Kyrous Axton. Hmm. I think I smell something. Parang may gusto sya sa bestfriend ko ah? Interesting. Pero parang malabo haha. Medyo may pagkatibo kasi yang si Sam. Kung pwede lang sanang mahiya pagnaghuhubad ako sa harap nya kung magkasama man kami, pero syempre wala naman ako hiya kaya ok lang.
And yeah absent nga si Sam. Maaga talaga akong gumising dahil binisita ko pa sya. And to my surprise sobrang taas na talaga nung lagnat nya. Nung hinawakan ko nga sya ay sobrang init, napaso din ako.
Nakausap ko din si tita na dadalhin sya ngayon sa hospital. Sobrang nag aalala na din sila. Hindi na nga din pumasok si tita eh. Pero si tito pumasok parin dahil kailangan na kailangan sya sa school. Sabi nya kanina dadalawin nalang daw nya.
"hi seb!" sigaw ni Clyde. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino kasi naman, kabisado ko na yung boses nya. He's one of my bestfriend now. Kahit kakikilala ko palang sya. He's fun to be with actually. My type. Not actually the type mean na type ko sya na maging jowa ganon. Nah ah. Type ko syang maging friend ganon.
"hi" masayang bati ko
"si Sam?" tumingin sya sa paligid saka tumingin ulit sakin. May mga classmate na kasi kaming nagsidatingan. "hindi paba sya ok?" dagdag pa nya
"actually, dadalhin na ngayon nina tita si Sam sa hospit. Tumaas na kasi ang lagnat nya, nakakapaso narin kasi" nalungkot naman bigla yung mukha nya.
"di kaba busy mamaya?" tanong ko
"hindi, bakit?"
"bisitahin nalang natin sya" suggestion ko.
"sige" pagsang ayon nya saka sya ngumiti.
'Gwapo'
'pero bakla naman, tsk!'
Minsan iniisip ko, ano bang nakain neto at nagkaganto? Sapakin ko kaya para bumalik sa dati? O matagal na talaga tong ganito. Tsk! Sayang hindi lang talaga bakla to lalandiin ko. Sobrang gwapo ba naman.
Sayang lang kasi tignan mo naman, napakagwapo talaga. Ilang ulit ko na bang sinabi yang gwapong yan?
'landiin ko kaya? Baka sakaling maging straight ulit, hehe just kidding, baka sabunutan pa ko nyan o kaya, baka sukahan nya ko. Eww'
~~~
'Antagal naman nung bruhildang yon'
Kanina pa ko nag aantay dito sa labas ng cr ng boys. I'm waiting for Clyde. Yeah sa boys sya nag c-cr, kahit naman kasi pagbalik-baliktarin mo ang mundo lalaki parin sya. At bawal din naman syang maki-cr sa girls kahit pusong babae sya. Kaya no choice.
"huhhhh success!" napatingin ako sa pinto ng cr kung nasan kakalabas lang ni Clyde.
"napakatagal mo grabe! Nilabas mo na ba lahat?"
"hindi...mahir----"
"ohhh just shut up. Eww" sinenyasan ko syang itigil nalang sasabihin nya. Hindi pa ako makakakain eh.
Pagkarating namin sa canteen, syempre si Clyde na ang pumila kasi naman nangalay yung paa ko kakatayo kanina kakahintay sa kanya. Pagtambayan ba naman kasi yung bench don. Nakakahiya naman kasing paalisin yung mga nakaupo don. They're all boys duh. May natitira pa namang hiya sa katawan ko no. Kaya tumayo nalang ako, hindi man lang sila naging gentlemen. May itsura pa naman sila.
'eh kasi naman anlayo mo sa kanila, paano ka nila papaupuin'
*BRUZZZZZZ BRUZZZZZ*
(Wag kayong ano vibrate yan hehez)
Kinapa ko yung cellphone ko kasi bigla nalang nag vibrate. Agad agad ko namang kinuha iyon baka emergency.
From: Tita
Hija pwede bang bimisita ka mamaya? Hinahanap ka kasi ni Sam.
Agad din akong nag compose nang reply ko.
Composed message:
Sige po tita :)
Agad ko din namang binalik yung phone ko, maraming nagmessage sakin pero yun lang yung binasa ko. Galing naman yon sa mga HINDI importanteng tao. -.-
Wala akong ganang makinig kanina, honestly, kasi nag aalala ako sa bestfriend ko. Baka kung anong mangyari sa kanya, natatakot ako. Hindi naman sa pagiging OA pero ayoko lang mangyari yon noon.
~~~
Clyde's POV
Matapos yung class namin, agad akong niyaya ni Den papuntang hospital, baka hinahanap na daw kasi sya ni Sam.
Nag aalala din naman ako sa kanya syempre, kahapon palang kita mo na talagang matamlay sya. Kaya pala hindi sya masyadong kumikibo kahapon kasi may nararamdaman na.
Pagdating namin sa hospital, nagtanong muna kami syempre. Sa sobrang lawak ba naman ng hospital na to iisa isahin namin? Like duh. Sira ang beauty ko pag ganon no.
"miss room of Samantha Luoise?" tanong ni Den sa nurse.
"sorry po ma'am pero sino po kayo?" tanong nya. Kailangan paba yon?
"ah kaibigan nya po kami miss" sagot naman ni Den na medyo naiirita na.
'nagmamadali taposss---hayyy nako!'
"ah ok po, wait lang po" sabi nya saka aghanap na. Agad nyang nakita kasi naman nagpipipindot lang sya sa may computer.
"ah ma'am sa 48th floor po, room 863" sagot nya
"thank you miss" nagpasalamat lang kami saka pumunta sa may elevator. At kamalas malasan puno lahat kaya wala kaming choice kundi maghintay. Alangan maghagdan kami? Kailan kaya kami makakarating don? Naglakad kami papuntang kabilang elevator. Nasa 2nd floor at pababa na.
*TING
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator agad kaming pumasok. Pinindot nadin ni Den yung floor.
Habang pataas kami ng pataas may mga sumasakay din kaya medyo natagalan.
*Ting
Pagkabukas, lumabas din kami agad. Syempre alangan isa isahin pa namin yung rooms kaya, nagtanong nalang kami kung nasan yung room na yon. Binigay din naman samin. May pa english pa nga eh.
'Go straight, then turn to the left then go straight then turn to the right go straight again ma'am sir'
Susmeh. Napaka arte pa nung pagbigkas nya kala mo naman nakikisali sa pageant. Pwe!
Nang makarating kami sa tapat ng kwarto, kumatok lang si Den. Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Bumungad samin yung mommy ni Sam.
"hi tita" sabi ni Den saka nya niyakap "how is she tita?" tanong ni Den saka kumalas sa yakap nila
'ok, OP me....hoy bruha! Pakilala mo naman ako. Kaimbyerna to'
"she's getting better. Medyo bumaba nadin yung lagnat nya" sabi nung mommy ni Sam. Ngumiti naman ako nung bigla syang mapatingin sakin.
"hi po m-ma'am" bati ko. Ngumiti naman sya ng nakakaloko saka tumingin kay Den.
"oh hi hijo" bati nya habang hindi padin maalis yung ngisi nya. Nu kaya iniisip neto
"Clyde nga po pala ma'am" sabi ko sabay abot nang kamay ko
"I'm Catherine. Mommy ni Sam" nakangiting inabot nya yung kamay ko.
Nilibot ko yung mata ko at nakita ko sa Den na nasa tabi ni Sam. Mahimbang naman na natutulog yung isa. Mukhang hindi pa namin naabutan na gising sya.
"ikaw ba boyfriend ni Den?" tanong nya. Kahit wala akong kinakain nabilaukan parin ako.
'whhhhhaaattt??? NO WAYYYY!! HINDI PO KAMI TALO!'
Gusto kong sumuka dahil sa sinabi nya pero parang nakakahiya naman. Hindi siguro narinig ni Den yon kasi naka focus sya kay Sam. At medyo malayo din kami sa kanila.
"ah hindi po m-ma'am" sagot ko. Napaisip naman sya bigla.
"oh....my wrong...so boyfriend ka ng anak ko?" mukhang excited nya pang tanong. Dahil siguro sa excitement nya. Medyo napalakas yung pagkakatanong nya.
'mas lalo pong hindi kami talo nyang anak nyo, Eww'
"hindi po ma'am" mahinahon kong sagot.
'YUUUUUUUCKKKK'
Sa totoo lang nandidiri na talaga ako sa pinagsasabi ng mommy ni Sam. Eww! Pwede ba?
'Sa ganda kong to papatulan ko yang si Den at yang anak nyo? Oh come on!'
"just call me tita nalang hijo" sabi nya. Ngumiti nalang din ako.
'Hoy Den! Tulungan moko dito buset ka!'
Mukhang narinig nya naman yung sinigaw ng isip ko at lumapit samin.
'hayyyysst'
"ah tita? Kakatulog lang po ba ni Sam?" tanong ni Den.
"ah oo hija. Hindi pa nga sya kumain eh. Wala daw syang gana, at mapait daw yung kinakain nya kaya sinusuka lang din" sagot ni tita "ah hija? Ano mo si Clyde?" tanong nya. Wohh kabisado agad pangalan ko ah? Nice!
"bestfriend po namin ni Sam tita" nakangiting sagot ni Den.
"bestfriend lang ba? Baka naman boyfriend?" nakangiting aso si tita. Nakikitita! Hahaha
"ah papunta na po dun" nanlalaki ang mata ko sa sinabi ni Den. Bwiset ka! Gusto ko lang sana syang sigawan pero nahihiya pa din ako. Kahit konti may hija pa naman ako.
'hoy Den bwiset to!'
Ayoko namang feeling close kay tita. Nakakahiya!
"nanliligaw po sya sakin" sabi ni Den saka ako nginisian. At kumapit sa braso ko. Seriously. Hindi ko na napigilan ang bunganga ko kaya nagsalita na ito.
"hindi po kami talo tita" mahinahon kong sabi saka ko tinignan si Den ng masama. Kapal nitong babaeng to, mas maganda pa nga ako sayo. Eww
"what do you mean hijo? Eh kakasabi lang ni Den na nililigawan mo sya?" nagtatakang tanong nya. This time, takang taka na sya siguro.
"oh god! Bakla po ako tita" sabi ko saka ko tinaasan ng kilay si Den. Bruhang to!
"hahaha. He's right tita bakla po sya."
"ikaw talaga. Naniniwala na akong nanliligaw sya sayo eh, bagay kayo pero, hindi pala pwede hehe" sabi ni tita
"Sayang diba po tita, ang gwapo nya.... Linalandi ko na nga eh sakaling um-straight" natatawang sabi ni Den. Napangiwi nalang ako. Napaka EWWWW!
"loko ka talaga Den kahit kelan" sabi ng mommy ni Sam. I think, Sam's Mom was so awesome. Para syang ka age lang namin. Yun bang nakikisabay sya sa trip namin. Tas napakaganda pa. At parang kilalang kilala na nya talaga si Den.
"pero seryoso po....diba po ang gwapo nya?" pangungulit pa ni Den.
"oo nga. Sayang hijo. Ano bang nakain mo at nagkaganyan ka?"
'ay kailangan ba talaga ng kakainin para maging ganito? Grabeh!'
"hindi nagbibiro lang ako" dagdag naman nya. Napatawa nalang ako, ang cool talaga. Tumunog yung phone ni tita kaya napatingin don, saka napangiti. Luh
"ah Den, Clyde pwede bantayan nyo muna si Sammy? Susunduin ko lang yung tito nyo. Nasa baba na kasi sya" sabi nya
"ay sige po tita, ok lang po" sagot ni Den.
Tumingin muna sya sakin kaya tumango nalang ako. Agad din naman syang lumabas.
"ikaw bruha ka talaga!" binatukan ko nga.
"aray naman...hahaha ikaw naman, katuwaan lang eh"
"hindi nakakatuwa! NAKAKADIRI!" mahinang sigaw ko.
Minsan talaga nauulol tong babaeng to, sarap batukan eh. Pero mas maganda siguro pagsapakin nalang, para mas malakas. Mas malakas, mas umepekto. Haha.
Napatingin ako kay Sam na mahimbing parin na natutulog. Kawawang bata, di pa kasi natuluyan--joke. Hehe syempre joke lang bestfriend ko na yan eh. Bad yung ganun. Mas mabuti pang si Den nalang ang natuluyan--joke ulit! Bestfriend ko pala silang dalawa.
Sila na nga lang yung kakampi ko ngayon. Yung mga friends ko kasi nagpunta halos sa ibang bansa. Yung iba naman pinag aral sa province. Yung iba ewan ko lang. Hindi na ako nakikipag kaibigan sa iba dahil si Den at Sam lang sapat na. Yiehhhh. Sweet kong bestfriend. Hahaha, yuck! De ganito kasi yon, ang totoo sila lang naging totoo ngayon sakin ngayong year kaya mas nakasundo ko sila. Yung iba kasi jan mga plastic.
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top