Chapter 22
Sam's POV
"class, yung performance nyo ay hindi muna matutuloy dahil magiging busy kami ngayon... Alam nyo na malapit ng Intramural" sabi ni sir Mike
"awww"
"nagpractice pa naman tayo ng mabuti"
"ano ba yan!"
"Kailan pala yon sir?" tanong ni Kev, one of my classmate.
"next week na. Kailangan nating magpractise" sagot naman ni sir
"excited na ako sa Intram"
"ako din"
"mapapanood na natin ulit si Kyrous"
"oo nga, sayang wala si Alrey. Nasa ibang school eh"
Dinig kong sabi ng mga classmate ko. Actually, hindi ako masyadong excited sa Intram. Wala din naman kasi akong sasalihang sports. I don't do sports. Mapapagod lang ako.
"psst" tumingin ako sa kaliwa ko, tumabi sakin si Den.
"hmm?"
"pupunta ka pabang Intram?" tanong nya. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong
"oo, bakit naman hindi?" pabalik kong tanong
"wala naman akong sinabi ah, tinatanong lang eh" sagot nya saka umirap.
'nga naman'
"kala ko kasi hindi kana pupunta gaya nung 3rd year high school tayo" sabi nya
"gusto kong pumunta kaso nagkaemergency, diba alam mo na yon?" I asked. She just nodded her head. Bumalik din sya sa upuan nya. Napabuga nalang ako ng hangin. Pinaalala pa talaga eh. Tsk!
Palinga linga ako. Ba't hindi ko sya makita? Absent ba sya? Napatingin ako sa upuan nya, wala nga sya. San kaya nagpunta yon? Eh ano namang pake ko? Tsk! Sam ah! Umayos ka nga!
~~~
Nandito kami ngayon nina Den sa canteen. We're having our lunch. Lunch break na kasi. Gusto kong mag absent ngayong hapon kasi ramdam kong bagsak tong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang eh. Biglang uminit tong mata ko, hininga ko, pati tong lumalabas sa ilong ko, mainit. At parang nag iikot din ang paligid ko.
Hindi ko na nakayanan yung nakikita ko at parang masusuka na ako kaya napayuko nalang ako, ginawa kong unan tong dalawang braso ko.
"oy seb, sa room kanalang matulog" rinig kong sabi ni Clyde pero hindi ko sya pinansin. Pinikit ko nalang tong mata ko kasi talagang umiikot tong nakikita ko kahit nakayuko ako "grabe, dinala pa talaga sa canteen ang antok ah" sabi pa nya
"oy nandito na order natin Sam, kain na" rinig ko namang tawag sakin ni Den. Hindi ko sila pinansin na dalawa
"Sam kung ayaw mong kumain akin nalang haha" dagdag pa ni Clyde. Hindi ko nakayanan ang ingay nilang dalawa at lalong dumagdag sa sakit ng ulo ko kaya umupo ako ng maayos pero napasapo ako sa ulo ko dahil sumakit nanaman "oh, bakit? Masakit ba ulo mo?" tanong ni Den "teka nga" sabi nya saka lumapit at hinawakan ang noo ko "tsk! May sakit ka pala, halika na dalhin ka namin sa clinic" sabi nya. Hindi na ako nagpumiglas pa kasi sobrang sakit na talaga.
Inakay nila akong dalawa ni Clyde. Ramdam ko naring bumibigat tong talukap ng mata ko.
"oh hija anong nangyari sa kanya?" rinig kong tanong ng nurse dito sa school. Alam kong medyo matanda na to, mga nasa 40's siguro kasi nakikita ko sya paminsan minsan.
Naramdaman ko nalang na dumapo yung kamay nya sa noo ko.
"Nako hija, ang taas ng lagnat mo... Umupo ka dito" sabi nya saka nya ako ginaya paupo "ang mabuti'y huwag ka nalang pumasok, wala naman na kayong ginagawa diba? Malapit na kasi ang Intramural nyo" dagdag pa nya
"hindi na po, papasok nalang po ako. Dalawang subject nalang naman po yon" sagot ko.
"Sam naman huwag ng matigas ang ulo" singit ni Den "kaya ka napapahamak eh" sabi nya saka pa sya umirap nasa side ko naman si Clyde saka minamasahe yung ulo ko. Nawala naman ng konti yung sakit, dahil siguro sa gamot at sa masahe.
Gaya nga ng sabi nila, hindi na ako pumasok sa panghapon kong subjects. Nakahiga lang ako sa clinic. Ayaw din akong pagamitin ng cellphone kasi baka lala yung sakit ng ulo ko. Mainit padin ako, hindi ko din namalayang nakatulog na pala ako.
"Sam...Sam?" may yumugyog sakin. Minulat ko yung mga mata ko, nakita ko si Den at Clyde na nakatayo sa side ko.
Bumangon ako pero diko nabalanse ang katawan ko kaya muntik nakong mahulog buti nalang at nasa side ko lang si Den. Napasapo nalang ako sa ulo ko.
"dahan dahan lang kasi" paalala sakin ni Den "halika na iuuwi na kita" sabi nya, hindi na ako nagtanong kung uwian naba o hindi pa basta sumama nalang ako sa kanya. Nakaalalay parin sakin yung dalawa hanggang sa makarating kami sa gate. Uwian na nga siguro kasi hindi pinagbawalan ng guard na lumabas kami. Nakita ko yung kotse nina Den. Hindi ko na sila pinigilang isakay ako don saka umangal na, kahit meron naman akong sariling sundo. Sobrang sakit na talaga. Lumala eh. Kung pwede lang na huwag nalang akong gumalaw dahil ansakit na talaga nang ulo ko. Pisting yawa.
Sumakay kami sa may likod at yung driver lang yung nasa harap. Habang tinatahak namin yung bahay sumandal muna ako kay Den, hindi din naman sya umangal.
Nakauwi na nga kami at si manang lang yung nadatnan kong nasa sala. Wala pa siguro si kuya. Malamang nasa trabaho pa sila mom and dad.
~~~
Kyrous POV
Hindi ako masyadong nakapaglaro ng maayos kanina kasi hindi ko nakita si Sam? Anyare dun? Nahihiya din naman akong tanungin si Den kasi hindi naman kami masyadong close non.
Hindi naman siguro sya um-absent kasi nakita ko sila ni Den nung uwian, nakisabay nga sya kay Den eh. Tinawag ko din sila pero parang hindi nila ako narinig. Tsk.
Tatanungin ko nalang siguro sila bukas. Monday palang naman ngayon eh.
Kakauwi ko lang dito sa bahay at nakakaboring! Sana nagstay muna ako sa school at nagpractice malapit narin kasi ang Intram. Syempre excited ulit akong maglaro at syempre ako nanaman mvp this year. I assure that I will be the mvp again, ngayon pang may inspiration nako hehe.
Sobrang naboboringan nako dito sa bahay kaya lumabas ako.
'makapunta nga ng park'
Ayokong yayain sina Jaden at Francis, nakakasawang kasama eh. De joke lang nakakarindi kasi tong si Jaden walang ginawa kundi magbunganga ng magbunganga. Si Francis naman walang pake sa paligid nya, napakaseryosong tao tsk!
Pagkarating ko sa park, wala masyadong tao. Kaya nagpunta nalang ako sa may swing. I took out my phone in my pocket. Wala naman kaming gagawin bukas kundi magpractise tsaka hindi ko din alam kung may assignment ba kami oh wala.
Magml muna ako. Buti nalang at malakas ang signal dito, naka data lang kasi ako. Nagload ako kasi naglaro ako kanina sa school habang breaktime namin. Free wifi sa school pero dahil sa dami ng nakaconnect ang bagal ng signal at nag lolog yung nilalaro ko potek, rank pa naman yon!
Pansin ko lang hindi ko na naaabutang mag online yung yourqueen. Lagi nga akong naglalaro eh kaso wala talaga. Bala busy lang siguro.
"firstblood!"
'nice'
Syempre ako unang nakapatay, always naman ata haha. MVP pa as always. Hehe
"VICTORY!!"
Natapos ang larong panalo! Syempre sabi ko nga diba ako mvp? Ako nga! HAHA!
Natapos akong maglaro agad din akong umuwi, nagpataas lang ako ng rank. Actually GM 2 (grandmaster2) nako with 3 star. Inistalk ko yung yourqueen at to my surprise, GM na din pala sya with 4 star. Ediwow! Galing!
Pagakarating ko sa bahay naabutan ko si mom, nakaupo lang sa may sala habang may binabasa, hindi ko naman alam kung ano yon.
Lumapit ako sa kanya and kiss her cheeks medyo nagulat pa sya.
"oh hijo ngayon ka lang?" she ask.
"nah ah. Kanina pa mom nagpunta lang akong park" sagot ko
"hmm. Nakipagmeet?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya. Tsk! Iba talaga to eh
"No mom, nagpalipas lang ng oras dahil napakaboring dito sa bahay" I answered honestly. Totoo naman.
"haha. I was just kidding son" natatawa nyang sagot. Nagpaalam lang ako na pumuntang kwarto.
Habang nasa kwarto ako. Hindi ko mapigilang hindi sya isipin. Alam nyo na kung sino, hindi na kailangan pang tanungin. Di bale makikita ko naman sya bukas.
Sa pag iisip. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top