Chapter 21
Sam's POV
"so ano ngang kakantahin natin?" tanong ng nasa kaliwa ko. Si Kyrous. Nags-strum lang sya nang kung ano.
"ano ba kasi ang alam mong kantahin?" tanong ko. Marunong naman kumanta eh, hindi ngalanag marunong magaling.
"hindi ako marunong kumanta" kunwaring yumukong sabi nya.
"sinong niloloko mo?" taas kilay kong tanong "don't fool me. I heard you lately..tsk!" sagot ko naman. Tumingin lang sya sakin kaya inirapan ko sya. Ako pa lokohin nito? Sapakin ko kaya? Pwede ba? Sasapakin ko talaga.
"ok fine" singhal nya. Napangisi nalang ako, bibigay din naman pala "pero sa isang kondisyon" dagdag nya kaya napatingin ako sa kanya.
"what?"
"kiss me" sabi nya. Ramdam kong lumaki yung mga mata ko. THE HECK?!!!
"THE HECK?!" sigaw ko sa kanya para matauhan sya sa sinabi nya. At para narin bawiin nya yon, pero nakita kong seryoso talaga sya. Kidding me?! Pisting yawa! "umayos ka Kyrous kung ayaw mong masapak kita" pagbabanta ko. Ngumisi lang naman sya.
"sa tingin mo makukuha mo ako sa pabanta-banta mo?" tanong nya habang nakangisi. Shet! Seryoso nga tong buset na to. Kumunot ang noo ko dahil don.
"baka nakakalimutan mong nasa bahay ka namin?" sabi ko. Nilalabanan ko lang yung sarili ko dahil konti nalang talaga, tatadyakan ko na to! Buset!
"de joke lang kaw naman di mabiro hahahahaha" natatawang sabi nya.
"kung seryosong usapan kasi, seryoso" mahinahon kong sabi pero inirapan ko parin sya
'mabait ako ngayon diba?'
"ano ngang kakantahin natin?" tanong ko ulit
"ikaw kung anong gusto mo" sagot naman nya
"tsk! Pano kung yung gusto ko dimo alam?" tanong ko
"eh pano kung alam ko?" nakangising tanong nya
"ok. Alam mo ba yung kanta ni Patch Quiwa na Simula pa nung una?" tanong ko. Kumunot ang noo nya "see, hindi mo alam" sabi ko. Saka ko sya tinawanan. Makabawi lang sa pangtrip nya sakin. Tawa padin ako ng tawa kahit wala namang nakakatawa sa sinabi nya, iinisin ko lang.
"sino ba kasing nagsabing hindi ko alam yon?" nakangising tanong nya. Ngumisi naman ako dahil don sa sinabi nya
'makita nga'
"sige nga kantahin mo nga" panghahamon ko
"sige" sagot nya "pero wag kang maglalaway pag narinig mo na yung boses ko hah?" nakangising tanong nya. Inirapan ko sya, napatawa naman sya dahil ginawa ko. Kapal naman ng mukha, sapakin ko na kaya?
"feeling" sabi ko pa "sige na go"
"Ehem! Ehem!" kunwaring paghahanda nya
"Simula palang nung una hindi na maintindihan nararamdaman" unang kanta nya. Pakinengshet! Mukhang mapapahiya ako ah. Minsan ko lang to hangaan, ang galing nyang kumanta! Yung feeling na nahiya na yung boses ko potek! At parang relate yung kanta saken, jk!
"Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko yun nuon, kampante na ganun nalang
Sapat na na kasama kita kahit hanggang dun nalang" naiilang akong tumingin sa kanya kasi hindi ko malabanan yung tingin, buset! Titingin pa kase eh pwede namang kumanta nalang ih, wag ng tumingin! Hmp!
"Hindi nalang ako lalapit" haysss sana nga buset ka!
" 'Di nalang titingin" sabi nya habang titig na titig sakin!
'pero nakatingin ka parin naman saken at nakakailang! Pisting yawa!'
"para hindi na rin mahulog pa
sayo'ng mga mata" sabi nya. Tsk! Naman pala eh ba't nakatingin kapa? Mahuhulog kaba sa mga mata ko? Uh oh. Erase erase! Kung anong pinagsasabi mo
"oh tama na" sabi ko baka tama sya eh. Baka maglaway ako. Tsk tsk. Agad din anan syang tumigil saka nakangising tumingin sakin
"oh? Alam ko ba?" tanong pa nya tsk! Kaltukan kaya kita? Buset!
"tsk! Kinanta mo na nga diba?" inirapan ko sya pero ang buset tinawanan nya lang ako. Pansin ko lang pag iniirapan ko sya lagi din syang tumatawa ano bang meron? Tsk!
"yon na ba yung kakantahin natin?" tanong nya
Yumuko naman ako bago sumagot "kung ok lang sayo..." sabi ko "total alam mo naman eh"
"eh pano kung ayaw ko yon?" nakangising tanong nya. I pout. Ayaw din naman pala, kumanta pa. Tsk! Tinignan ko sya ng masama habang nakanguso parin. Ewan ko ba pero napaiwas sya ng tingin. Makuha ka sa tingin buset!
"pake ko kung ayaw mo?" taas kilay kong tanong. Napatingin naman aya sakin tsaka iiling-iling.
"ok fine yun nalang" kunwaring pilit syang pumayag, pero kita naman sa mata nya na gusto naman nya talaga tsk!
"so what instrument do you prefer to use? Guitar, beatbox or piano kung may piano ka. Wala kasi ako non" sabi ko
"uhm, I prefer guitar" sagot naman nya
Kyrous's POV
"eh pano kung ayaw ko yon?" nakangising tanong ko. Ngumuso sya at tumingin ng masama sakin. Napa iwas ako ng tingin kasi na tetemp ako shit! Andami naman kasing reaksyon eh, kung bakit ganun pa. Ampupula ng labi nya, saka pa sya gumanon.
"pake ko kung ayaw mo?" taas kilay nyang tanong. Napailing nalang ako. Hard-headed girl tsk!
"ok fine yun nalang" kunwaring pilit kong sabi, pero ang totoo gustong gusto ko naman talaga. May magandang lyrics dun eh haha!
"so what instrument do you prefer to use? Guitar, beatbox or piano kung may piano ka. Wala kasi ako non" sabi nya
"uhm, I prefer guitar" sagot ko naman. Hindi naman kasi ako marunong magpiano. I know how to play beatbox even a drum.
"ok then. Ako nalang ang magbe-beatbox" sabi nya. Napakunot nalang yung noo ko. Ang ikli ng palda nila tapos bubukaka don? Is she crazy? Syempre hindi ako papayag.
"alam mo bang magguitara?" tanong ko
"I don't have it kung hindi ako marunong" sarkastikong sagot nya. Ediwow!
"pwede naman kasing display lang" palusot ko kunwari
"tsk!" singhal nya lang.
"ikaw nalang gumamit ng guitara" sabi ko, ayoko kong masilipan ka.
"bakit?" kasi ayoko ngang masilipan ka, wag kang makulit.
"k-kasi a-ano....." wala akong masabi shit! Bahagyang tumagilid yung ulo nya saka kumunot yung noo nya "k-kasi.....uhmm.... Kasi baka mas m-magaling ka sakin magguitara" palusot ko
"mas magaling naman talaga ako sayo" malumanay nyang sabi. Wow! Grabe naman ng bilib nito sa sarili nya. Ang kapal ah? Bilib na bilib ah? Haha!
"so ikaw magbe-beatbox?" tanong nya
"hindi"
"eh anong gagawin mo? Tutunganga? Grabe ka naman" sabi nya
"tsk. Hindi pa kasi ako tapos eh. Guitara nalang ang gagamitin nating dalawa para fair" sabi ko.
"ok" sang ayon nya "wait lang... Kukunin ko lang yung isang guitara ko" sabi nya. Hindi na ako sumagot. Tumango nalang ako. Agad din anman syang tumakbo papasok sa bahay.
Nag strum strum lang ako habang hinihintay ko sya. Ayoko munang kumanta baka marinig nanaman ako. Narinig na nya pala tsk! Pabida bida ka kasi eh. Tsk!
"ehem!" dinig kong pekeng ubo sa gilid ko. Kumunot ang noo ko. Kailangan mo pa ba yon? Pagtingin ko, nawala agad yung pagkakakunot ng noo ko.
"ah upo ka b-bro" sabi ko sa kuya ni Sam. Nahiya ako ng bahagya dahil syempre pinagkamalan naming boyfriend sya ni Sam pero kapatid lang nya pala ito. Hindi pa kami masyadong nakapag enjoy dahil nagsel---nevermind
"sige ok lang katatapos ko lang kasing kumain" sagot naman nya. Ngumiti sya sakin, pansin ko hindi sila masyadong magkahawig. Kamukha nya yung daddy nila tapos si Sam naman yung mommy nya. May pinagmanamanahan "nililigawan mo ba yung kapatid ko?" nang walang ano anoy tanong nya. Napaigtad ako at nakakunot ang noong tumingin sa kanya
"no. Im here to practice bro" natatawang sagot ko.
"tsk! Alam ko ang takbo ng isip mo, lalaki din ako. And ok lang naman na sakin kung magboyfriend na yung kapatid ko. Malaki na sya, I know that she know what to do now, ewan ko lang kay dad kung pinayagan na sya" kibit balikat nyang sabi. Naiilang na ngumiti nalang ako sa kanya.
'sinabi na nga nya kanina lang eh na hindi pa pwedeng ligawan si Sam'
"sige bro alis na ko, take care of my princess" sabi nya saka pumasok ylit sa loob ng bahay. Wew. She has a kind brother.
"oh here eto gamitin mo. Yung isa sakin" sabi ni Sam na sumulpot sa likod ko. Binigay ko sa kanya yung guitara.
"yun na ba yung kakantahin natin?" tanong ko
"hmm" sagot nya saka patango tango. Habang nag sstrum sya ng kung ano ano. Tinitigan ko sya, hindi ko napigilan ang sarili ko. Damn it! Ang ganda nya. Ang hahaba ng pilik mata nya, na medyo magpipink yung pisngi nya na kita mong walang make up. Natural na natural. Yung mga labi nyang mamulamula na parang ang sarap halikan. Shit! Baka kung anong magawa ko.
Author's note:
Sorry sa mga wrong grammar. Please correct me. Paki comment nalang yung tama.
Labyall mga sebs!
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top