Chapter 2


Sam's POV

"kuya!" sigaw ko saka ko sinasabayan ng katok. Hindi pa sya gising kaya naman gigisingin ko.

"kuya!"sigaw ko ulit

"ano ba umagang umaga ang ingay ingay mo!" sigaw din nya pabalik.

'ah sumasagot kapa ah'

"kuya!" kinatok ko yung pinto nya ng napakalakas para lang gumising na sya.

Nagulat ako kasi biglang bumukas ang pinto at ang bumungad sakin ay ang nakabusangot na kuya ko.

"waaaaahhhhhh!" sigaw ko dahil kukurutin nya sana ako pero tumakbo ako. Hinabol naman nya ako kaya naman bumaba ako. "mom si kuya nangungurot!" sumbong ko kay mom

"Gaby stop it" sabi naman ni mom na natatawa samin.

"eh mom natutulog ako..ang ingay nyan eh" sagot naman nya habang nakaturo pa sakin.

"maligo kana, alam mo na ang ayaw ng dad mo" sabi naman ni mom.

"ok" sabi ni kuya habang nakabusangot parin yung mukha nya kaya hindi ko mapigilang matawa.

"mom!" kukurutin nya sana ako pero agad akong pumunta sa likod ni mom.

Tinatawag ni mom si kuya ng Gaby and kuya hates that. Para daw kasi syang bata pag tinatawag mo syang ganon. Wala naman syang magagawa dahil kahit anong gawin nya Gaby parin ang tawag ni mom pero tinatawag lang naman nya ito pag nasa bahay, pag nasa labas na ng bahay Gab naman kasi feeling ni mom na baka daw mapahiya si kuya lalong lalo na kapag meron yung barkada nya, baka daw tuksuin nila, asarin madali pa namang magalit yun.

Kahit ganon si kuya over protective yun sakin. And for me He is the best kuya in the world.

"Sam where did you want to study?" biglang tanong ni dad habang kumakain kami.

"Sa school po natin?" patanong kong sagot kasi hindi ko alam kung san talaga ako mag aaral.

"hindi pwede don kasi masyadong malayo" sabat naman ni mom

"eh san po ako mag aaral?" tanong ko habang papalit palit kay dad and mom yung tingin ko

" dyan sa may International School" sagot naman ni mom. Nagtaka naman na tumingin ako kay mom

'san yan?'

"san yan mom eh andaming international schools po dito, isa pa ang school natin don" sabat naman ni kuya na kanina ay napakatahimik.

"Sa Andrew's International school" sagot ni mom

'eh?'

"Pero mom malayo po sa school ko yun, hindi ko po sya mababantayan"

"Dont worry kuya I can handle my self" sabat ko naman

"but------" sasagot pa sana si kuya pero nagsalita na si mom.

"yeah, tama nga ang kuya mo baka kung ano ang mangyari sayo don, kaya don ka nalang sa school na pinapasukan ng kuya mo mag aral" sabi ni mom. Ngumisi naman si kuya

"mom ayoko pong kasama si kuya sa iisang school" nakangusong sagot ko

"at bakit naman?"takang tanong ni kuya habang salubong yung kilay.

"because your over protective" sumbat ko naman "nung nasa states pa nga lang ako hindi kana magkandarapang magpaalam kina dad and mom para lang samahan ako don dito pa kaya na makakasama na kita sa iisang school?" natatawang sagot ko

"I'm just doing my responsibility as your older brother" malumanay na sagot nya  " and iba na kasi ang mga lalake ngayon baka may manakit sayo, you know that I dont want to see you crying" dagdag pa nya

"iba ang mga lalak?" tanong ko "means iba ka din?" sarkastiko kong tanong

"not like that" natatawa din sya sa sagot nya.

"so ano Sam sa school ka na ng kuya mo mag aaral?" tanong ni mom saka sya uminom ng juice nya.

"tss wala din naman ako magagawa diba? If ever man na sa Andrew's International nga ako mag aaral syempre magtratransfer din si kuya don" nakangising sagot ko

"yeah hindi talaga ako magdadalawang isip na sundan ka don kung sakali" nakangiting sagot nya pa

"ok, so sasamahan mo ako mamaya sa mall?" masayang tanong ko

"uhmmmm" yung mukha nyang parang pinag iisipan pa talaga kung sasamahan nya ako o hindi "No" nakangisi sya!

"ehhhh kuya naman eh"nakangusong sabi ko at natatawa na sya

Nakakatawa na siguro tong mukha ko kaya sya natawa.

"ok ok" tinaas nya yung kamay nya na parangsumusuko na "after lunch" dagdag pa nya

"thank you kuya" akmang yayakapin ko sya pero umiwas sya tapos parang diring diri. Sobra naman to. Porket napakalinis.

Si kuya kasi yung lalakeng napakalinis sa lahat ng bagay. Kung hindi mo lang siguro sya kilala mapagkakamalan mong bakla. One thing pa is napaka arte nya sobra. Ni ayaw nya ngang magpahalik kay mom. Hes too old daw kaya ayaw na nyang magpahalik, andaming alam eh.

After lunch sinamahan nga ako ni kuya sa mall kahit alam kong boring na boring sya pag ako ang kasama nya but Im his little princess kaya naman pagbibigyan at pagbibigyan nya ako.

"kuya so hows your LL?" tanong ko nagtataka naman syang tumingin  sakin kasi bahagya syang nakayuko

"LL?" nagtataka parin sya kaya natawa ako " hey wag mo akong pagtawanan wala akong alam dyan sa LL na yan" nakanguso sya

"Lovelife like that duhhh" sagot ko naman

"ahhh" maikling sagot nya bahagyang tumatango tango pa

"so ano nga?" excited na tanong ko

"uhm malapit na" bahagya pa syang nakangiti na animoy kinikilig. Yuck kalalaking tao.

"wow shes so be lucky to have you" nakangiting sagot ko. Ngumiti naman sya sakin

"Im the one whos lucky" nakangiti paring sagot nya

"oh is thats so? When would I meet this girl?" nanunuksong tanong ko

"soon" nakangiting sagot nya

Im happy for my brother 'cause finally he find the one and I can see in his eyes that he's very serious to this girl. Im very lucky to have him. How much more to this girl.

Kuya is a serious guy. Wala syang pakialam sa paligid nya. Pero pagdating sakin kahit nasa malayo sya pupuntahan at pupuntahan nya ako. Ganon nya ako kamahal.

Pero ngayon, mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili kong mag isa. Kasi hindi sa lahat ng bagay lagi syang nandyan para sakin. Syempre mag aasawa naman sya. Kailangan kong tumayo sa mga sarili kong paa at wag laging umasa sa iba. Isa din yun sa mga paalala sakin ni kuya. Minsan na akong nasaktan kaya ayaw ko ng maulit pa yun.

'lagi kang magpapakatatag kasi hindi sa lahat ng oras laging nandito si kuya sa tabi mo, pero wag mong isipin na mawawala ako sa tabi mo pano nalang pagnag asawa na ako diba'

After 1 year naaalala ko parin yung mga sinabi sakin ni kuya. Hindi ko yun nakalimutan at hinding hindi ko yun kakalimutan. Napangiti ako dahil sa naalala kong yun.

"oh ba't napapangiti ka jan?" tanong nya pa habang nakangiti parin

Minsan lang ngumiti si kuya,minsan peke pa pero hindi pekeng ngiti yung nakikita ko ngayon. He's inloved.

"I'm happy for you" nakangiting sagot ko sa kanya

"thank you"

"I'm the maid of honor kuya ah" nanunuksong tingin ko sa kanya

"tss, matagal pa tongeng" binatukan nya ako!bastos to.

"sinasabi ko lang" natatawang sagot ko

"magiging successful Engineer pa ako, before that thing" nakangiti pero seryosoq syang nakatingin sakin.    "so are you excited for tomorrow?" tanong nya. Nagtaka naman akong tinig nan sya

"for tomorrow?" nagtatakang tanong ko

"yes tomorrow. First day of class" walang ganang sagot nya.

Oh yeah I forgot may pasok na pala kami bukas, masyado ko kasing in- enjoy yung summer vacation ko kaya siguro hindi ko na namalayan na may pasok na pala bukas.

"nakabili kana ba ng gamit mo?" tanong ni kuya habang palingalinga

"not yet" walang ganang sagot ko. Sa totoo lang hindi ako excited na pumasok. Kinakabahan ako syempre. Im a transferri so wala pa akong kaibigan don. Im alone.

"what we're doing? let's go and buy your things" sagot naman nya saka sya tumayo mula sa bench

"our things" pagtatama ko naman sa kanya

"ok lets go" saka kami dumeretso sa bookstore. Kumuha lang ako ng ilang mga notebook and papers also ballpen. Kumuha din ako ng mga libro. Just incase na vacant or wala yung teacher eh may gagawin ko. Pampalipas oras lang. Lalo na ngayon at wala pa akong kakilala don maliban kay kuya.

Pagkatapos naming bumili ng gamit kumain muna kami sa isang resto.

"wag kang gumawa ng kung anong kalokohan bukas Sam ok, malayo pa naman yung building naman sa building nyo because your a highschool and Im a college" paalala ni kuya habang kumakain kami

"ano namang gagawin kong kalokohan don,oa. Ni wala nga akong kilala don diba?"

"kaya nga baka dahil hindi mo kilala at may nagawa sayo hindi mo na pagbibigyan" seryosong usal nya. "kasi Sam hindi ka marunong magtimpi eh" dagdag pa nya

"people change kuya" nakangising sagot ko

"Im expecting that Sam"

"ok" maikling sagot ko

After we ate. Umuwi nadin kami. Inaantok na 'daw' kasi si kuya. Alam ko naman na naboboring sya kasi naman hindi ganito yung mga trip nya he want in bars like that o mas gusto nya pang kasama yung mga kaibigan nya. Pero gaya nga ng sabi ko Im her little princess kaya pagbibigyan nya ako.

My bad kasi minsan inaaway ko sya. Inaaway din naman nya ako, kaya patas lang yun.

'huhhhhhhh'

I'm very nervous for tomorrow. Of course, wala akong kilala don. Im not that friendly. And I don't want a bestfriend. I already have. Friend? Ok na siguro yun. Pero never kong ipagpapalit ang bestfriend ko. And I'm thankful because I have her.

Wala sya ngayon dito sa Pinas. She's in States. Ang bruha, nung nalaman nyang dun ako mag aral, walang araw na hindi nya kinulit ang mommy't daddy nya. Hanggang sa napapayag ang mga ito na sumunod sa State. Dun din sya nag aral sa pinapasukan ko noon. Until now. Ewan ko, baka susunod ulit sya dito. Sana nga para may kilala na ako. Yung building kasi nila kuya, malayo daw sabi nya.

Bahala na. I'm not kid anymore para hindi ko alam ang ginagawa ko. Until now, hindi parin mawala yung kaba ko. I can do it. Kung ano man ang mangyayari bukas. Good luck nalang sakin.



Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top