Chapter 17

Sam's POV

Tuesday ngayon at nandito ako ngayon sa room, ako lang ang nandito kasi nagpuntang canteen yung dalawa, sina Den and Clyde. Mukhang magkasundo yung dalawa, hindi ako sumama sa canteen kasi nga nag da-diet ako, chosss. De wala lang talaga akong ganang kumain ngayon.

Maaga kaming pumasok na tatlo, actually, hindi pa nagsisimula ang class. 6:40 palang kasi, wala pa akong kasama dito ni isa, pero baka may mumu sa likod ko! Wahhhhhh! Wala naman sana. Huhu.

Wala akong magawa kaya maglalaro muna ako, habang hinihintay ko yung dalawa. Naglaro ako ng Helix Jump. Pag wala akong magawa ito yung nilalaro ko, mas madali kasi to kaysa ml. At pampalipas lang naman ng oras, wala naman kasing mawawala sakin kahit i-back ko to, pag yung ml kasi, mababawasan yung credits mo. Sayang din.

Nasa level 2102 na'ko and I'm so proud of my self, choss. Hindi din naman ako makapaniwala, basta naglalaro laro lang naman ako. Hindi ko din namalayang naka 2000+ na pala ako. Nagulat nalang ako kasi dalawa nalang at matatapos na pero bigla nalang may nanablot ng phone ko!

Agad akong napatingin sa pesteng kumuha ng phone ko. At kung sinuswerte ka nga naman, si Asungot nanaman! Pisting yawa! Wala ba syang magawa sa buhay nya? Kundi ang sirain yung araw ko? Pisting yawa talaga! Hayp!

"ano ba, yung phone ko nga!" sigaw ko sa kanya at kukunin ko sana yung phone ko ng ilayo nya yung kamay nya "ano ba! I said, give back my phone! Hindi kaba nakakaintindi?!" sigaw ko pa, pero ang peste nginisian nya lang ako.

"say please first" sabi nya. Ano bang meron sa please nayan at lagi nyang bukambibig? Please ng please! Pisting yawa naman oh!

"at ba't naman ako mag ple-please sayo?" taas kilay na tanong ko, saka ko ulit inabot pero nilalayo nya parin.

"para ibigay ko sayo tong phone mo" sabi nya saka nya tinignan. Nandun padin yung nilalaro ko. Bigla nyang pinindot yung 'back'. Nagpakita yung picture kong naka sando lang ng black, yun kase yung wallpaper ko. Mas lalo naman syang napangisi.

"ano ba! Mang aagaw ka na nga! Pakelamero kapa!" sigaw ko. Mamamaos siguro ako pagkatapos neto. Buset!

"will you please low your voice?!" mahinahon nyang sabi pero meron parin yung ngisi nya. Saka nya nilayo yung phone ko.

"hindi ako titigil paghindi mo pa binigay yung CELLPHONE KO!" sigaw ko. Nakakabwisit! Peste!

"hindi ko talaga ibibigay to, kung.... Hindi mo sasabihin yung please" sabi nya. Ok lang naman sana saking sabihin yun, yun lang wala talaga sa vocabulary ko yung salitang yon.

'kung ayaw mong ibigay aagawin ko nalang'

"isa!" pagbibilang ko. May halo yong pagbabanta, pero parang hindi natakot ang peste. Ngumisi pa sya lalo.

"dalawa" walang ganang sabi nya saka mas ngumisi. Mas lalo naman akong nainis. Kanina pato ah.

Hindi na ako nagsalita at inagaw ko nalang, nilalayo nya naman. Umatras pa sya para hindi ko makuha. Tumingkayad ako para maabot ko yung kamay nya kasi naman ang tangkad na nga tumingkayad din saka nya tinaas yung kamay nya, maaabot ko paba naman yun? Tsk! Tongeng. Tumalon talon ako para makuha ko pero iniiwas nya parin. Patuloy parin sya sa pag atras hanggang sa wala na syang maatrasan kasi nakasandal na sya sa wall. Ngumisi ako sa kanya pero ngumisi din ang peste. Kukunin ko na sana ng umiwas sya at nagpunta sa kabilang side. Napapikit nalang ako dahil sa inis.

"ano ba! Pwede mo namang ibalik nalang kase!" sabi ko, patuloy parin sya sa pag atras at patuloy din naman ako sa pag abante "wala ka bang magawa hah?!" sigaw kong tanong. Nakakabwisit talaga tong lalaking to. Peste talag, ba't pa kase ako dito nag aral. Pisting yawa!

"ok, I'll stop.." sabi nya, napabuntong hininga naman ako dahil thanks God at titigil na sya, tumingin ako sa kanya at nakatingin sya pala sakin pero agad din akong nag iwas ng tingin "...in one condition" biglang bawi nya at napatingin naman agad ako sa kanya

"ano nanaman?!" iritang tanong ko. Kung makapag condition naman kase akala mo naman sya yung boss, pisting yawa!

"kung....maabot mo" sabi nya saka nya tinaas yung kamay nya at buti naman at hindi na sya tumingkayad. Tsk!

Inabot ko yung kamay nya pero hindi ko maabot, at kahit hindi ko yun maabot, nilalayo nya parin.

"tsk! Andaya!" sigaw ko

"para may trill" sabi pa nya. Napairap nalang ako

Hindi ko alam kung bakit ako pumapayag na gani ganituhin nya ako. At kung bakit ako sumusunod sa mga sinasabi nya. Ang alam ko lang naman kung bakit ay, gusto kong makuha yung phone ko. At baka kung ano pang makita nya don, patay ako.

Inabot ko ulit yung kamay nya pero nilipat nya yun sa kabilang kamay nya--habang nakataasparin. Dalawang kamay na nya yung nakataas. May naisip akong paraan para makuha ko yung phone ko, kaya ngumisi ako sa kanya.

Inabot ko yung isang kamay ko sa isang kamay nya, kaya nilagay nya dun sa kabilang kamay. And this is my way to get my phone. Dalawang kamay ko rin yung ginamit ko. At patuloy ko paring inabot yon.

'uh---oh'

Natinag lang ako ng ma realize kung ano yung posisyon naming dalawa. Parang nakasabit yung parehong kamay ko sa may batok nya na parang niyayakap ko na sya, at nakataas naman yung kamay nyang dalawa. Naramdaman kong nag init yung pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Shit! Shit! Shit! What the heck are you doing Sam!? just what the??!!!

Dali dali kong inalis yung kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nakangisi sya, nang aasar. Pisting yawa.

Sumipol pa sya, nang iinis talaga peste!

"give me my phone or else..." masamang tingin ko sa kanya

"or else what?" matapang namang tanong nya. Pumikit nalang ako dahil sa inis. Pisting yawa! Hayp. Kung pwede ko lang sigurong buwagin yung kaisa isang rule ng school na ito pero hindi pwede---wag makipag away. Gusto kong awayin ang lalaking to dahil sa araw araw nyang ginagawa, pero ayoko kong masuspend. At baka ma-kick out pako. Tsk!

"I will report you to Dean" pananakot ko. Pero ang peste mas lalo lang namang ngumisi.

"then do it...gusto mo samahan pa kita" sabi nya. Hindi ko mapigilang manggigil. Peste talaga kahit kelan!

"ano ba kasing gusto mo?! Will you just...give me my phone?!" sigaw ko

"I told you just say please at ibibigay ko na....one please" sabi nya

"ano bang meron sa please na yan?! Hah?!" sigaw ko parin, mamaos nako kakasigaw peste ka!

Nagkibit balikat lang sya habang hindi parin natatanggal yung pagkakangisi nya.

"will you 'please' return my phone now?" tanong ko. Ngumiti ako ng mapait sa kanya.

Ngumisi sya saka inabot sakin yung phone ko. Kukunin ko na sana yun nang ilayo nya ulit yung phone ko. Nakakapotrk lang?!

"ano nanaman ba?!" inis nang tanong ko "ano bang problema mo hah? Sinabi ko na yung gusto mong sabihin ko diba?! Kaya kung pwede lang ibalik mo na yang phone ko!" dagdag ko

"want to get your phone?" nakangising tanong nya

"kanina pa nga ako sigaw ng sigaw dito,
para makuha yang phone ko diba?" sarkastikong sagot ko. Tinaasan ko sya ng kilay "what now? Give back my phone" sabi ko saka ko sya inirapan.


"ehem!" sabi nung pamilyar na boses sa may pinto at nakita yung mukha nyang nanunuksong nakatingin samin "umagang umaga naglalambingan kayo ah? Pwede namang mamaya na diba?" sabi nya habang nakangisi "tsk kaya pala nagmamadali ka kanina bro ah" panunukso pa nya kay Kyrous. Nagmukhang ulol na aso si Jaden sa pagkakangisi nya. Pero nakakainis yun nemal. Lumayo ako ng konti kay Kyrous. Walang nagsalita saming dalawa, nakatayo lang si Kyrous at hindi makatingin kay Jaden, habang ako naman naiilang din ako. Pakinengshet!
"sige bro, alis muna ako mukhang istorbo ako eh" sabi nya habang nakangisi parin, saka lumabas ng room.

Nakatingin parin si Kyrous sa pwesto kanina ni Jaden. I use that time to get my phone. Hinablot ko yon at agad naman nyang nabitawan. Walang salitang umalis ako ng room, ni hindi ko na sya tinignan.

Pumunta ako sa garden, eto na talaga ang tambayan ko. Mukhang nag enjoy yung dalawang kumain, magkakasundo talaga ang mga yon, because Den loves to eat, also Clyde. Mahilig din naman akong kumain pero kung wala ako sa mood, ayokong kumain.

I open my notebook---kinuha ko kanina nang pumasok kami at hawak ko to nung kinuha ni Kyrous yung phone ko. Magrereview muna ako, baka kasi may surprise quiz nanaman. Mahilig pa naman sila ng ganon. Nakaupo ako ngayon sa isang bench, at buti nalang walang tao. Mas maganda na dito at least walang maingay at pag sa canteen pa, hindi din ako makakapagreview dahil narin sa ingay.

Habang nagbabasa ako, bigla nalang may umagaw sa notebook ko. Tumingin ako sa kumuha non. Kumunot ang noo ko habang masama ang tingin ko sa kanya "ano nanaman bang problema mo hah?!" sigaw kong tanong. Kailan ba nya ako titigilan? Nakakaasar! Mas lalo pa akong naasar nung ngumisi sya, pisting yawa. Wala na bang araw na hindi ako matatahimik? Araw araw nalang kasi eh. Nakakainis! Peste! Peste!

"ang cute mo" bigla nyang sabi, naramdaman kong nag init yung pisngi ko pero mas sinamaan ko sya ng tingin para na rin matago yung pamumula ko.

"what?!" kunwari di ko narinig, gusto kong ulitin nya yon--joke. Grosssssss! "give me my notebook" may halong pagbabanta yon. Pero hindi man lang nagbago yung expression nya.

Humakbang sya palapit sakin at nagulat nalang ako ng yumuko sya at kinorner ng mga braso nya saka sya yumuko. Napalayo naman ako dahil isang dangkal nalang yung pagitan naming dalawa. Umiwas ako ng tingin ng magtama ang mata namin.

'shet! Nag iinit yung pisngi ko'

Hindi ako makatingin sa kanya dahil sobrang lapit nya talaga at baka kung ano pang mangyari. Biglang tumambol yung puso ko. Sobrang bilis ng tibok nya peste!

"ang cute mo" pag uulit nya, mas naramdaman kong uminit yung mukha ko. Pakinengshet! Ramdam ko na rin ang paglabas ng pawis ko shet! Sobrang lapit nung mukha nya. Naaamoy ko na rin ang mala-mint nyang hininga, pero hidni parin maalis yung kaba ko. Shet! Shet! Shet!

Ngayon lang nangyari to pero. Fvck! Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito dati ah. I used to push people doing that to me, 'cause I hate it. But now? What am I doing? No this can't be.

Hinding hindi mangyayari yon. Nasan na ba yung dating Samantha? Nawala na ba? Kung nawala man o naligaw sana bumalik na. Pero napag isip isip kong mas maganda nang ganito nalang ako kesa bumalik ako sa dating lagi naman akong nasasaktan. Na bumalik yung Sam na kunwaring malakas kahit hindi nanan talaga.

Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top