Chapter 16

Sam's POV

Monday nanaman ngayon, agad akong bumangon at naligo. As I look the clock its already 6:30 hmm.

Bumaba ako ng nakaayos na, nadatnan ko naman sina mom and dad sa kusina. Nagcocoffe si dad habang nakahawak sa mga papers. Si mom naman ay nagluluto.

"morning mom, dad" masiglang sabi ko saka ako humalik sa pisngi nila.

"morning" sagot nilang dalawa. Lumapit ako kay mom tsaka ko sya niyakap sa likod.

"morning po ulit. Ano yan mom?" tanong ko

"seafood fried rice Baby" nakangiting sagot ni mom. Tumango tango naman ako habang nakayakap parin "oh kumain kana at baka malate kapa" sabi nya kaya bumitaw ako sa pagkakayakap. Umupo ako sa tabi ni dad, sya yung pinakagitna kasi ng table. Katapat ko naman si mom, at magkatabi naman kami ni kuya.

"anong ulam mom?" tanong ko

Ngumiti muna sya sakin bago sumagot "may scrumbled egg, bacon and....." masiglang sabi ni mom saka nya kinuha yung isang plate "pan seared chicken breasts with shallots!" masiglang sabi nya. Kumunot naman ang noo ko.

"ano yan mom?" tanong ko habang tinitignan yung nasa plate

"may nakita kasi ako sa online, triny kong lutiin, kaya yan" paliwanag nya naman

I slice a little bit and taste it....yummmm! Sharaaapppp!

"mom it taste good" sabi ko, mas napangiti naman sya.

"yieeehhh! See, ang galing ko talaga" sabi pa nya.

Pagkatapos kong kumain, agad din akong nagpaalam at pumasok na. Gaya nga ng sabi ni Den sakin kahapon, naghintay ako sa may gate, buti nalang at may bench don.

Naghintay lang naman ako ng ilang minuto bago sya dumating.

"tsk, antagal mo grabe" kunwaring naiinip ako

"sorry naman...medyo traffic kasi" sagot naman nya "tara" agad kaming pumunta sa room. Nadatnan namin si Clyde, Jaden, Francis at iba pa naming kaklase. Actually, medyo close na kami, ako...sa kanila.

"good morning seb" sabi ni Clyde

"hi Sam! good morning!" singit naman ni Jaden

"morning" sabi ni Francis saka ngumiti sakin

"oh my god?! Did you guys see that?!"

"oo. Oh my ang gwapo ni Francis pag ngumiti!"

"oo nga, ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganun! Gawwddd!"

"ang gwapo talaga"

Tilian ng mga babae sa paligid namin, napailing nalang ako. Tumingin ako kina Jaden at Francis.

"morning" nakangiting sagot ko.

Tumingin ako sa katabi nilang upuan at pansin kong wala si Asungot. Hindi naman sa hinahanap ko sya pero kasi, lagi syang maaga, ngayon lang ata malate. Malapit na kasi magtime. Pagpumapasok na kasi ako, nandito na silang tatlo, ngayon lang na hindi nila kasama yung Asungot na yon.

"hinahanap mo ba si Kyrous?" tanong ni Jaden. Bahagyang nanlalaki naman ang mata ko dahil sa tanong nya. What the?! "huwag ka mag alala, papasok yun. Magsasabi naman yun kung hindi papasok" dagdag pa nya. Kumot ang noo ko.

"hoi hindi ko sya hinahanap no!" sagot ko saka ako tumingin sa kanya. Napanganga nalang ako ng malaman kong hindi pala ako ang kinakausap nya. Oh my God! Just Oh. My. God!!! Huhu. Lupa kainin mo na ako ngayon na! Nakatingin sya sa cellphone nya, hindi ko alam kung may kausap ba sya pero parang wala naman. Nagpipipindot lang sya. May katext siguro. Pero!!!!! Pakineng shet!!! Nakakahiya!

"oh? Sinong hindi mo hinahanap Sam?" nakangising tanong nya, napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong nya. Ramdam kong uminit ang mukha ko!

"w-wala...w-wala" sagot ko, pero hindi parin maalis yung pagkakangisi nya, inirapan ko sya. Pero ang totoo, nahihiya na talaga ako. Shet talaga! Nag iwas ulit ako ng tingin. Tumingin nalang ako sa labas ng room.

"si Kyrous ba?" tanong nya pa

"hindi! Hindi ko nga sya hinahana----" napahinto nalang ako sa pagsasalita dahil sa ikalawang pagkakataon, hindi pala ako ang kausap nya. Nananadya ba to?! Oh talagang ako lang ang assuming? Feeling kong ako yung kausap?! Aughhhh! Just heck!

Napatingin ulit sya sakin at napangisi. Lupa kainin mo na ako ngayon na please, nagmamakaawa ako. Nakakahiya! Peste!

"hmm,baka naman....hinahanap mo talaga?" tanong ni Jaden. Tumingin na ako sa kanya kasi baka pagkamalan ko ulit na ako ang kinakausap nya kahit hindi naman. At ako nga. Tsk!

"who?" maang maangang tanong ko

"you know whos I'm talking about" nakangising sagot nya.

"tsk! Hindi ko sya hinahanap, huwag kang feeling" sabi ko

"tsk" ngisi nya

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Mas lumaki naman yung pagkakangisi nya, isa din tong buset na to eh. Hayp!

"Sam, who is he?" mataray na tanong ni Den. Nakalimutan kong kasama ko pala si Den. Pasulpit sulpot din, ay! Kasama ko pala sya haha.

"hi!" masayang bati naman sa kanya ni Jaden saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

Tinaasan lang nya ito ng kilay. Pero ngumiti lang sa kanya si Jaden.

"by the way, Den, this is Jaden. Clyde's cousin and this is Francis. Guys, this is Denise" pagpapakilala ko sa kanila. Agad namang inabot ni Jaden yung kamay nya kay Den. Ilang seconds pa bago nya ito, inabot. Ganun din kay Francis.

"at sino yung tinutukso nyo kay Sam?" taas kilay na tanong ni Den

"wala naman ah, obvious lang masyado si Sam" sabi pa ni Jaden

"anong obvious?" singit ko "kala ko lang kasi ako yung kausap mo, kaya ako sumasagot" dagdag ko pa

"hindi naman eh, pero obvious kang hinahanap mo nga si Kyrous" dagdag nya din. Napairap nalang ako

"wait, who's Kyrous?" singit ni Den

"our bestfriend" sagot naman ni Jaden. Tinignan ko si Den at napangiwi naman sya.

"sino yun" ulit pa nyang tanong

"basta....makikilala mo din mamaya pagpasok nya, nalate lang siguro" sabi nya. Hindi umiimik si Francis at halatang busy ito sa pagkakalikot sa cellphone nya. Prente syang nakaupo habang may sumisilay na mga ngisi sa labi nya.

*KKKKKRRRRRIIIINNNNNGGGG*

Nagring na yung buzzer which means magsstart na ang class. Pero wala pa rin si asungot. Buti naman at wala, wala yung sisira ng araw ko. Pero san sya nagpunta?

"morning everyone" agad na bati nang teacher namin, he's sir Jeff. Our research teacher, ang masasabi ko lang sa kanya ay mabait sya, hindi sya istrikto gaya ng iba naming teachers.

Gaya ni miss Swing, mabait naman sya pero yun nga lang istrikto sya. Pero ok lang naman. At may nalaman pa akong tungkol sa kanya, she's a Lawyer. And napahanga talaga ako ng malaman ko yun. Just what the?! Ang galing nya! Sinabi ko sa sarili ko na from now on magiging idol ko na sya. Idol ko talaga ang mga taong may mga natapos na, lalaong lalo na si mom and dad. Pero mas lumalamang parin si kuya kahit hindi pa sya nakakapagtapos.

"wala pa si Kyrous, bakit kaya?" tanong ni Jaden na nasa kabilang row, dahil narin sa sobrang lakas ng bungaga nya. Napatingi pa si sir sa kanya.

"hmm, by the way where's Kyrous?" tanong ni sir, narinig siguro nya yung sinabi ni Jaden kaya nya tinatanong ngayon.

"baka late lang sir" sagot naman ni Francis. Saka ulit bumalik sa pagsusulat sa notebook nya.

"he's 5 minutes late" sabi ni sir habang tinitignan nya yung watch nya.

*BBBLLLLAAAGGG*

Nagulat kami kasi bigla nalang bumukas yung pinto. Napatingin kami sa taong nakakunot ang noo. At saka walang salitang pumasok sa loob. Mukhang galit sya, kumunot ang noo ko. Bakit para syang galit? Eh ano namang pakealam ko diba? Tsk!

"ba't late ka bro?" rinig kong tanong ni Jaden. Tumingin ako sa kanila at nakakunot parin yung noo nya. What his problem? Hindi sya sumagot, imbes na tumingin parin sa harap ng nakakunot ang noo.

"by the way guys!" singit ni sir Jeff. Tumingin kami sa kanya at hinintay kung ano ang sasabihin nya "si mr. Alrey Antonio ang makikipag exchange student sa ibang school. Sa Andrew's University sya...at baka mamaya dadating na yung exchange student" dagdag pa nya. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot, huhu wala na si cute guy. Ba't sya pa kasi.

"ano ba yan"

"ehhh, wala na yung crush ko"

"sayang naman, ang galing kasi ni Alrey eh"

Rinig kong sabi nung mga classmates ko, nalungkot din. Kung kailang pinansin na nya ako saka naman aalis, tsk!

"eh sir kailan sya babalik?" tanong ni Jian, classmate kong babae

"ang napag uusapan namin, kasi kasali naman ako kasi syempre adviser nyo ko....3 months lang naman" sagot ni sir.

"ahhhh" tatango tangong sagot ng mga kaklase ko.

"and may new student pala no, will you please stand" sabi ni sir. Tumayo naman yung nasa tabi ko, si Den. Yung dating upuan kasi ni Alrey sya nakaupo "please introduce your name" sabi ni sir

"I'm Denise Ryanne Jose" pagpapakilala ni Den. Agad din syang naupo

"so ms. Jose welcome to Axton International School" sabi ni sir, tumango lang naman si Den.

Then pagkatapos nang sinabi ni sir, nagpatuloy na kami discussion.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

*KKKKRRRRRIIIIIIINNNNNGGGGG*

"Ok class. See you on next meeting, dismiss!" sabi ni sir tsaka sya lumabas. Nag ingay yung mga kaklase ko.

"bro, may problema kaba?" rinig kong tanong ni Jaden kay Kyrous. Hindi ko naman sinasadyang pakinggan, sadyang malakas lang talaga yung pandinig ko at malakas din yung pagkakatanong ni Jaden "meron ata eh kanina kapa hindi kumikibo" sabi pa ni Jade. Umiling ulit si Kyrous "eh ba't hindi ka kumikibo? Hindi moko sinasagot? Kanina pako tanong ng tanong, iling ka naman ng iling. Pwede mo namang sabihin, wala----" hindi natapos ni Jaden sinasabi nya kasi bigla nalang binalibag ni Kyrous yung isang upuan.

"will you please stop!" inis na tanong nya kay Jaden saka umalis ng room. Nagulat lahat nung ginawa nyang yon.

"what his problem?" tanong ko kay Jaden. Nagkibit balikat lang naman ito, sinenyasan nya si Francis na sundan si Kyrous kung saan man ito nagpunta.

"who's that guy?" tanong ni Den

"who?" tanong ko, hindi ko naman alam kung si--- ok get it "Its Kyrous" sagot ko, ngumisi naman sya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"sya ba yung tinutukso ni Jaden kanina?" nakangising tanong nya.... Inirapan ko nalang sya at hindi sumagot. Lumabas ako ng room ng hindi ko sila hinintay, humabol naman sila ni Clyde sakin "why are you so defensive?" habol pa nya. Inirapan ko parin sya.

Pumunta ako sa cr at sinundyan ako ni Den at naghintay na siguro si Clyde sa labas kasi bawal naman sya sa loob.

"crush mo ba yun?" taas kilay nyang tanong, napakunot naman yung noo ko.

"si Kyrous? Hindi no!" sigaw ko habang naghuhugas ako ng kamay, hindi naman talaga ako naiihi, maghuhugas lang at para narin maiwasan ko yung mga tanong ni Den pero sinundan nya parin naman ako, kaya wala akong magagawa nandito na eh.

"wala naman akong sinabing pangalan ah?" nakangising tanong nya. Napakunot yung noo ko.

"sya naman yung topic diba?" tanong ko, ngunisi lang naman sya.

"pwede namang si Jaden yung tatanungin ko diba?" ngising tanong nya pa. Napairap nalang ako.

Hindi ko na sya pinansin at lumabas na ako, nadatnana namin si Clyde na naghihintay sa labas, sumunod naman agad sya samin ni Den.

"ano?!" hamon pa na tanong ni Den. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad "hoy! Ano vrush mo si Kyrous? Oh ayan may pangalan na hah" sabi nya habang kinakalabit ako

"hindi nga, ang kulit nito!" iritang sagot ko.

Nakarating kami sa room at nadatnan namin yung tatlo. Nakabusangot parin si Kyrous, naka earphone naman si Francis, at pagtingin ko kay Jaden, nakangisi sakin. Mukhang ulol lang? Tsk!

Jaden's POV

Sinundan namin si Kyrous sa rooftop. Pansin kong kanina pa sya nakakunot yung noo. Siguro may problema nanaman to pero ayaw lang nyang i-share, palibhasa hindi nya--ayaw nya palang magshare talaga, sya yun eh. Sinasarili nya yung problema nya.

Umupo sya sa dati nyang pwesto, sumunod kami agad ni Francis.

"bro, is there any problem?" tanong ko sa kanya. Mas lalo namang kumunot yung noo nya "care to share?" dagdag ko pa, sumipa sipa naman sya. Tsk!

"hey what's your problem?" iritang tanong ni Francis, pinanlakihan ko naman sya ng tingin. Isa din to eh may problema na nga yung tao, dadagdag pa, tsk!

"wala ba kayong nakita nung sabado hah?" tanong nya. Ay yun lang naman pala, peste! Kung makaemot kala mo naman namatayan.

"yun lang?! Hindi mo parin nakalimutan? pambihira naman oh!" sagot ko, habang nakangisi. Sinulyapan ko si Francis at napangisi narin. Tsk.

"eh bakit kasi may kasama sya?" tanong nya sakin

"sinabi ko naman na sayo diba? Baka pinsan, kapatid, kaibigan o boyfri---" napatigil ako kasi bigla nya akong tinignan ng masama "baka kapatid lang yung o kaibigan o pinsan" pag uulit ko pero hindi ko na sinabi yung boyfriend, baka masapak nya pa ako.

We're talking about Sam, yeah its Samantha Louise. And hindi nagtagal umamin samin si Kyrous na gusto pala nya si Sam. I knew it already pero hindi ko pinapahalatang alam ko na.

Nang minsan nga sa canteen, nong inakbayan ko si Sam sinikmurahan ako ng qaqo. Potek! Kala ko pa naman kung anong kasalanan ko sa kanya, bigla nalang kasing nanununtok

So yun nga, nakita namin si Sam sa star city nung sabado at may kasama syang lalake, hindi namin alam kung boyfriend nya ba yun o kapatid, pinsan o kaibigan. Nangyaya kasi si Francis kasi wala syang nadale at wala ding magawa sa bahay nila kaya yun, niyaya nya kami. Syempre libre nya lahat, yun hindi namin inaasahan na makita si Sam at nung lalake.

Sa palagay ko, that's her boyfriend. Kasi sobrang sweet nila, same color ng mga damit at inaakbayan din sya nung lalake. Nang tignan namin si Kyrous nakakunot na yung noo at hindi na maipinta yung mukha nya.

Hindi namin sila nilapitan, basta sumusunod lang kami sa kanila, gusto non lapitan ni Kyrous si Sam nung pumasok yung lalake sa horror house, nakita pa namin kung pano nya pilitin si Sam....pero hindi naman ito pumayag.

Nag aya na din agad si Kyrous. Hindi na nya siguro nakayanan yung selos nung loko haha. Hindi na sya yung nagdrive si Francis na, kasi nung pumunta kami sya yung nagdrive pero nang pauwi wag na baka kung ano pang mangyari samin, sobrang galit panaman l nun, mali selos pala haha.

"what if umamin ka nalang kaya?" tanong ko

"as if naman kung madaling umamin no" sagot nya. Yeah, I know mahirap ngang umamin dahil naranasan ko din naman yan. Actually, magbabago na ako dahil sa nakilala kong angel. Not literally angel. Umamin ako sa kanya and asked her kung pwede akong manligaw at thanks God hindi naman ako basted agad. So for now nililigawan ko na sya, and from now on hindi ko na ulit gagawin yung mga bagay na ginagawa ko na dati. Yung mga ginagawa namin ni Francis. Kami lang ni Francis ang maloko honestly. Mukhang maloko lang si Kyrous, pero seryoso yan. Yun ngalang torpe "try mo lang naman bro" pangungumbisi ko.

"ayoko! Kung ano kami ngayon yun muna" sagot naman nya "sa ngayon mag iipon muna ako ng lakas ng loob, hindi dahil sa natotorpe ako kundi dahil napakasungit non, tsk!" natawa naman ako dahil sa sinabi nya

"hindi naman sya masungit eh kung hindi mo inaasar, actually, mabait sya....mapang asar ka lang talaga at mukhang ayaw nya non" sabi ko

Natahimik naman ang loko, nag iisip siguro kung ititigil nya ba o hindi. Hmm. Inlove na talaga tong bestfriend ko.

Bumalik kami sa room at bumalik ulit yung expression kanina ni Kyrous at wala paring pakealam si Francis, hindi ko alam kung narinig ba nya yung pinag usapan namin ni Kyrous o hindi dahil nakasaksak sa tenga nya yung earphone. Nadatnan namin sina Sam don, tinignan nya kami isa isa saka at nagtaka yung mukha nya nung tumingin sya kay Kyrous, nang tignan nya naman ako ngumisi lang ako sa kanya, mas lalo namang nagtaka yung mukha nya.

Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top