Chapter 15
Sam's POV
Goodmorning! Hmm. Napalanghap ako ng hangin. Mm sarap! As I look my alarm clock, guess what? 11:30 am. Mas maaga ako ngayon kompara nung mga nakaraang saturdays. Hehe.
Kase diba? 12:00 ako gumigising, so means mas maaga ako ngayon. Hehe
Pumunta dito kanina si Den, sabi ni manang. Ilang beses daw nya akong ginising pero hindi daw ako magising. So she decided to leave.
Nakalimutan ko may usapan pala kami ngayon na mag shoshoppong. Well, sorry I forgot. Bukas nalang siguro. At late din akong natulog kagabi kasi I played mobile legends. Actually, sa 2 weeks kong hindi paglalaro,bumaba yung rank ko. At nakakainis yun.
Master 1?! Naging Master 2?! At ang nakakaloka pa 3 star na ako noon sa master 1. Mali l, 4 star pala kasi nga nanalo kami non nung 'princeClay'.
Hindi ako nakapag online nung sabihin nyang may 1 vs 1 kami, madami kaming ginawa noon kaya hindi ako pwedeng maglaro.
Kagabi nalang ako nakapaglaro kasi nga friday tsaka walang pasok kinabukasan. Nung previews friday kasi, madaming assignments na binigay yung mga teachers namin kaya yun yung una kong ginawa.
Hindi parin ako bumangon. Hindi naman sa tinatamad nanaman ako, tinatamad lang talaga. Choss. Parang antagal ko kasing hindi nakasama tong kama ko, kaya dito muna ako.
Alam kong kanina pa wala si mom and dad, ewan ko lang kay kuya.
Dali dali akong napabangon, may naisip ako! Agad akong tumakbo sa kwarto ni kuya at kung sinuswerte ka nga naman, hindi nakalock. Syempre sinilip ko muna kung may tao. And I saw him, still sleeping. Aughh! May antukin pala to eh.
"KUYAAAAAAA!" sigaw ko saka ako patakbong lumapit sa kama nya, saka ako lumundag.
"aughh!" sabi nya saka nya hinawakan yung tiyan nya, nang lumundag kasi ako sa tiyan nya hahaha "aray ano ba Sam!" sigaw nya, habang namimilipit parin sa sakit. Hindi ko naman maiwasang mapahagikgik. Hihi.
'ano ka ngayon'
"kuya samahan mo'ko" pagngungulit ko habang niyuyugyog-yugyog ko sya.
"hmmp" namimilipit parin sya
"sige na kuya please! Ngayon lang naman eh!" sabi ko saka ko niyugyog
"san ka ba kasi pupunta?" tanong naman nya nung makarecover sa pamimilipit.
"sa Star City!" sigaw ko naman
"what?! Are you insane?! Eh anlayo layo non?!" sigaw naman nya.
"ehhhh, 1 hour lang naman ang byahe ah?" pangungulit ko naman "please...handsome please?" dagdag ko pa saka nag puppy eyes.
Cross fingers,cross fingers! Pumayag ka...
"1 hour lang?! Ang hirap kaya magmaneho, tsaka traffic pa" sabi nya. Napanguso nalang ako.
"minsan na nga lang magpasama ayaw pa, tsk" pagpaparinig ko
Matagal syang hindi umimik, nag iisip siguro. Ayoko syang kulitin kasi baka magbago pa isip nya. Nyahahaha
"sige na....sige na wait me dowstairs" sabi nya
'yessss!'
"ok thank you kuya! Maliligo padin naman ako" sabi ko saka ko sya hinalikan sa pisngi nya. Agad naman nyang pinunasan.
"yucckkk!" kunwaring nandidiring saad nya pa.
'Bakla talaga to'
Gusto kong sabihin sa kaniya yan, pero huwag na.....baka magbago pa yung isip nya haha.
"sige na alis na... baka magbago pa isip ko" saka nya ako pinalabas sa kwarto nya. Kitam! Kahit ganon, napangiti parin ako.
"thank you kuya! You're the best!" sabi ko saka ako patakbong pumunta sa kwarto ko.
Bibilisan kong maligo, dahil ayaw na ayaw ni kuyang naghihintay. Baka umayaw na siya! Wahhhhhh!
Mabilis lang talaga akong naligo...5 minutes I think. Eh sa gusto ko na talagang pumunta eh.
I choose to wear white crop top and a black highwaist, and also a white gucci shoes. Nagbolpo lang ako. Huwag ng mag make-up kasi baka kanina pa naghihintay si kuya. I get my small shoulder bag and cellphone. Saka ako nagmadaling bumaba.
Pagkababa ko, nadatnan ko yung isa naming kasambahay, sya lang yung nandon.
"manang, bumaba na po ba si kuya?" tanong ko
"ah hindi pa ho" sagot nya, tumango nalang ako.
Hinintay ko sya sa baba about 3 minutes.
'sobrang bagal naman nun'
Hindi ako nakatiis, umakyat ulit ako. I was about to knock the door ng lalabas sana si kuya!
At ang masama......huhu hindi pa sya nakapalit. Yung feeling na nagmadali kang maligo tapos hindi pa pala nakaligo yung kasama mo. Yung feeling na hindi ka pa nakapagsabon ng maayos kasi dapat mabilis lang. Yung feeling na......hayssss buset to!
"ba't dika pa nakapagbihis kuya?!" sigaw ko. Buset talaga to kahit kailan.
"katext ko kasi yung girlfriend ko bakit ba? At tsaka nagpaalam muna ako" sagot nya. Wow good boy ah. Nagpaalam pa talaga, pero never naman akong ipinakilala,buset!
"maligo kana dali na!" sabi ko saka ko sya tinulak papasok ng kwarto nya.
"teka nga! Kukunin ko lang yung sapatos ko sa kotse" sabi nya, napanguso ako.
"ako nang kukuha,bilisan mo naman kuya!" sabi ko, binigay namna nya agad yung susi nya. Naglakad nalang ako palabas, peste!
Nang makabalik ako sa kwarto nya...hindi pa tapos tsk. Nandun palang kasi sa banyo. Hmmp!
Bumaba muna ako, naalala ko hindi pa pala ako nag breakfast, nadatnan ko naman si manang na nagluluto
"manang ano po yang niluluto nyo?" tanong ko
Tumingin naman sya sa direksyon ko "oh hija gising kana pala...nagluluto ako ng itlog...nanadyan na yung ibang pagkain kung ayaw nyo ng itlog" sabi nya naman
"kailan ko naman po tinanggihan ang itlog?" sabi ko
Napatawa si manang "oo nga pala nakalimutan kong paborito mo pala yan" sabi nya, napangiti naman ako
Pagkatapos kong kumain sakto namang pababa si kuya. He's wearing a white polo and black short, he's wearing also a black shoes, its a nike tsk.
"kuya naman...ba't mo'ko tinularan ng suot?" tanong ko
Napakunot naman sya ng noo "hindi naman ako naka crop top ah? Hindi din naman naka highwaist? Pano mo nasabing tinularan kita?" pamimilosopo nya. Buset talaga kahit kelan.
"I mean! Yung kulay!" sigaw ko para dinig na dinig, tsk!
"para sabihin nilang couple tayo.....at walang aaligid sayo dun. Malay ko ba?" nakangising sagot nya, napangiwi nalang ako "tara" sabi nya saka nya ako inakbayan, at pumunta sa parking lot.
Habang nasa byahe kami, naalala kong hindi pa pala nagbreakfast si kuya tsaka hindi pa naglunch. Buti ako kumain ako ng breakfast.
"kuya, daan tayo sa chowking" sabi ko. Napatingin sakin si kuya.
"why?" tanong nya
"hindi kapa kumain right?" sabi ko. Napakamot naman sya sa ulo.
"yeah I forgot" sagot naman nya "kumain kanaba?" tanong nya
"yeah, kaninang hinintay kita, nagutom ako kaya kumain na'ko" sagot ko
Tumango tango lang naman sya. Tsk. Agad din kaming nakarating sa chowking kase nga malapit na kami kaninang sinabi ko, actually, may nakita akong tarpaulin ng chowking kanina kaya naalala ko din.
Sa drive-through nalang kami, kasi malayo pa yung pupuntahan namin. Nag chao fan lang kami kasi nga nasa byahe kami, baka kasi matapon.
"yeaaaayyyyyy!" sigaw ko ng makarating kami. Nagpark lang kami saka kami dumeretso. Si kuya bumili ng tickets.
Nang mabigay na samin yung ticket agad kong hinila si kuya.
"kuya sa bangka muna tayo!" sabi ko tsaka ko sya hinila nanaman.
Hindi ko alam kung bangka ba talaga tawag non. Yung nag swi-swing ng mahina hanggang sa lumalakas na. Ewan basta bangka yun. Haha.
Sigaw ako ng sigaw nang lalo itong lumalakas . Ganun din si kuya kaya, natatawa ako habang sumisigaw. Nang huminto yon, hingal kaming bumaba. Haha. That was so fun!
"Samy, sa horror tayo" sabi ni kuya, nanalalaki ang mata ko.
"ehhh?" nasagot ko nalang. Natawa si kuya dahil sa reaksyon ko "kuya naman" nakangusong sabi ko. Nakangisi parin sya. Huhu.
Ayaw ko don, hindi naman sa natatakot ako. Sobrang takot lang talaga. Huhu ayaw ko talaga.
"sige na, minsan lang naman" pangungunsinti nya sakin. Umiling ako saka ako ngumuso.
"ayoko kuyaaa, ikaw nalang hintayin kita dito sa labas" sagot ko. Kumunot naman yung noo nya.
"hindi na" napakunot din ako ng noo
"bakit?"
"baka may lumapit sayo eh" mygosh, too protective
"wala yan. Sige na....maghihintay ako dito" sagot ko.
"sumama ka nalang kasi" pangugunsinti pa nya, umirap naman ako "ok fine... Hintayin moko dyan" tumango nalang ako.
May bench sa gilid kaya dun nalang ako naupo. Tinignan ko bawat isang naglalakad sa harap ko, halos lahat teenager, meron namang families. Merong ding nagdadate, na magbrebreak din naman. Choss. Joke lang, why too bitter? Haha
Nilabas ko nalang yung phone ko. I saw a message from Den.
From Sis●_●:
Cancel na muna natin yung lakad natin, may aasikasuhin kasi kami ni sistah
Composed message:
Ok. Sorry pala kanina, napuyat kasi ako kagabi, bukas nalang siguro. Tsaka may pinuntahan din kami ni kuya.
Pagsend non, ilang second lang at naramdaman kong nagvibrate.
From Sis●_●:
Hindi din pwede bukas kasi bukas pa ng hapon kami uuwi. Enjoy!
From Sis●_●:
Sa school nalang, cut class tayo.
Napakunot ako ng noo at the same time napatawa ako. Kahit kailan talaga tong babaeng to
Composed message:
Langyah!>_<
From Sis●_●:
Haha joke lang. Sa monday nalang. Hintayin mo'ko sa gate!
Composed message:
Ok. See yah. Ingat
Pagkatapos kong magsend non. Binalik ko din yung phone ko sa bag ko. Wala pa si kuya, tsk.
Ilang minutes pa ako naghintay at dumating na sya. Pinagpapawisan pa ang loko haha. Ngumisi ako sa kanya.
"natakot kaba kuya?" I asked. Napakunot naman sya ng noo.
"no! Why would I?" sagot nya, napatawa nalang ako.
Marami pa kaming sinakayan na rides pagkatapos pumasok si kuya sa horror house. Mga 6:00 na kami umuwi, alam naman nila dad kasi tumawag kanina si kuya sa kanila. Masaya naman sila kasi at least daw nakapagbonding kami. May nakuha din kaming isang medyo malaking bear. Kuya win it.
Habang nasa byahe kami naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. I saw my moms calling.
"hello mom?"
["how was your bonding with your brother?"] tanong nya sa kabilang linya.
"it was fun mom, sana sumama kayo ni dad" sagot ko
["next time Samy"] sabi nya, napangiti ako. ["oh Samy, I have to end this call na. Kinamusta ko lang talaga kayo"]
"ok mom, ano pala oras kayong uuwi?" I asked. Hindi na kami masyadong magkakasamang magdinner. Busy sila masyado, hindi naman pwedeng ipagpaliban yung kasi maraming mawawala, mawawala lahat ng pinaghirapan ng grandparents ko, pinamana sa kanila yun kaya dapat lang na pagtuunan nila ng pansin. Ok lang naman kami ni kuya, we undalerstand it. Kung hindi gagawin ang mga to, baka wala kami kung ano ang meron kami ngayon. At least, nabibigay nila yung gusto namin. Everymonth naman kaming nagbobond. Yu n ngalang, bitin. 2 days lang. Magmamall, shopping at sine. Kung hindi, magluluto si mom at sabay sabay kaming kakain. Hindi na kami nagrereklamo, sabi ko nga para samin din naman yung ginagawa nila.
["mga 8 siguro Samy... Kumain nalang kayo, sabay nalang kami ng daddy nyo. I have to go now. Take care"]
"ok take care also" and she end the call. Napabuntong hininga nalang ako.
"is that mom?" napatingin ako kay kuya na sa daan parin nakatingin.
"hmm, mauna na daw tayong kumain kasi mga 8 pa daw sila makakuwi" sabi ko. Tumango naman sya.
"matulog kana muna. I'll wake you up pagdating natin sa bahay, malayo pa naman eh" sabi ni kuya, ngumiti ako saka ako umayos para matulog.
~~~~
Napakurap kurap ako, hindi ko masyadong maimulat ang mata ko dahil sa liwanag ng araw.
Wait...
What?!
Diba nakatulog ako sa kotse nang pauwi na kami? Pano ko napunta sa kama ko? At bakit umaga na? Tumayo ako at tinignan ang labas kung umaga na ba o ilaw lang sa labas, pero ng makita ko, umaga na nga talaga. Kumunot ang noo ko.
"kuyaaaaaa!!!" sigaw ko, agad din akong tumakbo sa kwarto nya. Wala akong nadatnan kundi maayos na higaan. Tssk! Kahit kelan talaga. Wala lang sigurong girlfriend si kuya, pagkakamalan kong bakla. Eh sa mas malinis pa kwarto nya kesa sakin. Lahat ng gamit nakaayos. Grabe!
Bumaba ako dahil baka nandon na yun. At hindi nga ako nagkakamali, nakaupo na sya sa dining at nagcocoffee habang nagcecellphone.
"kuya makita ka ni dad" singit ko.
Agad naman nyang binulsa yung cellphone nya, ayaw na ayaw kasi ni dad na, nakahawak ka ng phone habang nasa dining, wala ka daw respeto sa pagkain. Once na din akong napagalitan, hindi lang napagalitan nakuha pa yung phone ko. Dalawang araw na hindi sinoli ni dad yung phone ko, kaya yung loptop lang nagagamit ko tsaka yung iPad.
Binigay ni manang yung milk ko. Ambilis naman? Grabe. Advance mag isip si manang. Hindi ko pa sinasabi meron na.
"bakit di mo'ko ginising kagabi?" kunot noong tanong ko. Ngumiwi naman sya.
"ilang beses kaya kitang ginising pero tulog mantika ka" sagot nya "kaya binuhat nalang kita... Ambigat mo kaya. Pasalamat ka mabait kuya mo" nakangising dagdag pa nya. Nanlalaki naman ng bahagya ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"tsk!" inirapan ko sya. Hmm.
Tinignan ko yung oras at nanlalaki ang mata ko. 7:00 am palang?! Are you kidding me?! Ang aga ko!!!! Hahahahah! I'm very proud of my self dahil don hahahaha. For the first time nagising ako ng 7:00 ngayong linggo? Just what the??! Maaga naman akong nagigising pero pag may pasok lang. Hahahahaha!
Kanina pang mga 6:30 nakaalis sina dad and mom kaya hindi ko na sila nadatnan. Sayang! Ang aga ko pa naman.
Pagkatapos kong kumain ng breakfast, bumalik din ako sa kwarto ko para maligo, buti nalang wala pa si dad kanina. Pagkatapos kong maligo hindi muna ako bumaba, wala naman akong pupuntahan kaya dito muna ako.
I have a good idea!haha
Maglalaro nalang ako ng ml! Huhhhh!
Tinigil ko nang maglaro ng magsawa nako haha. Am boring. Inopen ko yung mga drawer and there, I saw my drawings.
'I miss you guys'
I open my sketch pad. Nakita ko yung mga mukha ng naging crush ko non. Minsan hindi din ako makapaniwala kung bakit naging crush ko sila. They're all good looking pero yung mga iba kase medyo badboy haha.
Tinago ko din kasi, inaantok nanaman ako!
Nakulangan ako ng tulog kahit na ang haba na yun.
I decided to go back to sleep hehe. Wala naman akong gagawin, umalis si kuya pagkatapos naming kumain, magdadate daw sila ng girlfriend nya. Ni walang balak talagang sabihin sakin, samin kung sino. Tsk. Magkakaboyfriend din ako hindi ko sasabihin sa kanya. As if naman kung may manligaw sakin no? Masungit daw ako sabi ng kuya ko kaya walang nanliligaw sakin. Tsk. Maghintay ka kuya. Choss.
Nakahiga na ako kama ko, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Thanks for reading^_^
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top