Chapter 13

Sam's POV

Nandito kami ngayon ni Clyde sa canteen at hinihintay yung order namin. Wala si Den ngayon kasi sa monday pa lang sya magsisimula. Friday ngayon. Baka nasa bar nanaman sya at nakikipagharutan dun sa Paul. Huuuhh...

"Sam, musta naman si Den?" tanong ni Clyde

"ok naman, still playgirl" natatawang sabi ko, natawa naman sya dahil sa sinabi ko.

"ganun na ba talaga yun since first year high school kayo?" he asked

"hmm, yeah" sabi ko

"my god buti hindi napapagalitan ng parents nya?" sabi nya.

"she's spoiled brat...at kahit anong gusto nya, magagawa nya. Her parents are scared" kibit balikat kong sagot

"scared of what?" kunot noong tanong nya

"they're scared kase baka gawin ulit yun ni Den" I answered

"ayyy pabitin ka eh no? Straight to the point" naaasar namang sabi nya, inirapan pa nya ako. The heck?!

"kase muntik na syang mamatay dahil sa paglalaslas nya, gusto kasi nyang sumunod sakin sa States nun pero hindi sya pinayagan kaya nagawa nya yon" sabi ko, nanlalaki naman yung mata nya dahil sa sinabi ko

"nagawa nya yun?" tanong nya. Tumango nalang ako bilang sagot

"at dahil sa ginawa nyang yun, lahat ng gusto nya sinusunod na nila kasi baka daw ulitin nya ulit yun, pinapagalitan din naman nila pero yung mild lang" sagot ko

"hmm...sino ba naman kasi ang mga magulang na gustong mamatay ang anak diba?" sabi naman ni Clyde....

"hmmm" tangi tango kong sagot.

"hey couz! Hey Sam!" napatingin kami sa kinaroroonan ng lalaking sumigaw. And guess what? Isa lang naman ang tanong napakaingay eh, oh I forgot si Denise pa pala. It's Jaden.... Nakangiting nakatingin sya samin. At hindi naman sinasadya, nagkasalubong yung mata namin ni Kyrous. At sana hindi nalang ako tumingin dun. Peste! Napapadalas na yung pagmumura ko simula nung binuswit ako ng lalakeng yan. At baka hindi ko na matanggal. Pisting yawa.

Lumapit sila sa table namin na may hawak na tray siguro yung order nila yan. Hindi naman ako umimik at tinignan ko nalang yung phone ko, buti nalang at nilagay ko to sa table kanina nung umupo na kami.

"pwede ba kaming maki share?" tanong ni Jaden, napaangat ako ng tingin. At nagtama nanaman yung tingin namin. Buset! Umiwas ako ng tingin tsaka ako tumingin muli sa phone ko.

"marami pa namang table dun Jaden" sagot naman ni Clyde na nasa harapan ko.

'huhhhh buti naman at hindi pumayag'

"pero dadalawa lang naman kayo dito diba? Would you mind?" sabi nya, hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha nya kasi nga nakayuko ako. "promise couz hindi kami manggugulo, makikisabay lang naman kami" sabi pa nya. Hindi pa din ako tumingin. Baka kung saan nanaman tumama yung mata ko. Pisting yawa.

"sige na sige na, basta bilisan nyo!" sabi ni Clyde kaya hindi ko maiwasan maiangat ang tingin ko. Yun peste....nagtama nanaman kasi! Ba't ba kasi tingin ng tingin tong lalaking to. Umiwas ako ng tingin. Tumignin ako kay Jaden nahuli ko naman syang nakatingi sakin

"Sam pwede ba?" tanong nya habang nakangiti pa

"s-sure s-sure" utal na sagot ko. Gusto ko mang tumanggi pero hindi ko naman pag aari ang table na to kaya wala na akong nagawa.

"yownnn!" sabi nya saka sya tumabi sakin.

Umusog si Clyde kaya magkaharap na sila ni Jaden. Naupo naman si Kyrous sa tabi ni Clyde kung saan sya na yung kaharap ko. Heck! Si Francis naman ay umupo sa kabilang side ni Clyde. Ba't dipa kasi sya ang pumunta don.

Dumating yung order namin at kumain na nga kami. Naiilang ako sa bawat subo ko kasi nakatingin si Kyrous sakin, iniikutan ko naman sya ng mata. Pero hindi ko talaga matago na naiilang ako. Shet!

Napatingi ako kay Clyde at nakangiti sakin ang loko. Nanunukso. Tssk isa din eh. Peste!

"couz you know bagay pala kayo ni Sam oh" sabi nya saka nya kami tinurong dalawa. Tumingin ako kay Jaden at Tumingin naman sya sakin. Umiwas ako kasi naiilang ako. Ngina. Tumingin muli ako kay Clyde.

"tssk" nasabi ko nalang kasi wala akong masabi. As in.

"haha, bagay ba kami?" ulit namang tanong ni Jaden. Nang aasar. Isa din to eh. Nagulat ako kasi bigla nya akong inakbayan. Nanlalaki ang mata ko dahil sa ginawa nya. Napatingin ako sa mga kasama namin. Inuna kong tinignan si Francis at wala namang pakealam, si Clyde nakangisi sakin. Dahan dahan akong tumingin kay kyrous, kumunot ang noo ko dahil sa expression ng mukha nya. Ansama ng tingin na and akala mo may nagawa kang masama sa kanya, inirapan ko sya. Napangiwi nalang ako ng tignan ko yung kamay ni Jaden. Dahan dahan kong inalis yun, hindi dahil sa ang sama ng tingin sakin ni Kyrous kundi naiilang ako sa akbay nya. Hindi lang naiilang, naiinis din ako. Ayaw na ayaw ko yung may umaakbay sakin lalao na pag hindi tayo close. Si dad, kuya, at mga pinsan ko lang ang nakakaabay na lalaki sakin. Dahil ayaw na ayaw ko talaga pasalamat sya at kilala ko sya kundi----- haysss.

Hindi ko pa natapos yung pagkain ko, tumayo na ako. Pero pinigilan ako ni Clyde.

"oh? Sam? Tapos kana?" tanong ni Clyde, sinilip nya yung pagkain ko na kaunti palang yung nakain. "hindi kapa tapos eh san ka pupunta?" tanong pa nya, napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin sakin.

"hindi may kukunin lang ako sa locker ko" pagsisinungaling ko. Honestly. Naiinis ako.

Papaalis na sana ako ng hawakan ni Jaden yung kamay ko, napatingin ako dun pero dahan dahan din nyang inalis.

"uhm Sam...." hindi sya makatingin ng deretso sa mata ko, naiilang din sya.

"hmm?" I said without opening my mouth...ngumiti parin naman ako

"uhm s-sorry kung na o-offend ka sa ginawa ko" utal utal nya namang sagot nya

'buti naman'

"hindi ok lang..hehe...may kukunin lang ako" sabi ko "so,una na ako hah?" sabi ko. Hindi ko na hinintay pang sumagot sila. Umalis na ako....hindi ako dumeretso sa locker ko. Kailangan kong maghilamos, huhhhhh

Pumasok ako sa cr saka humarap sa salamin. Huhhh. Binuksan ko yung gripo saka ako naghilamos. Tumingin ako sa reflection ko sa salamin, tsk ganda. Choss. Nagpunas muna ako, huminga ako ng malalim bago ako umalis.

Nagulat ako sa taong nag aabang sakin sa harap ng cr. Napakunot ako ng noo. What is he doing here?

'baka naman napatambay lang, wag kang assuming Sam'

Maglakad na sana ako ng hawakan nya yung wrist ko. Napatingin ako dun saka dahan dahang inangat yung tingin ko, at nagtama yung mata namin. Hindi ko mabasa kung ano yung expression ng mata nya, kung nalulungkot ba o masaya. I dont know. At hindi naman pwedeng basta bastang hulaan nalang ang nararamdaman ng mga tao, dahil hindi natin alam nagkamali pala tayo.

Den's POV

Hey, you know me already right? I'm Denise Ryanne Jose. I am the one and only bestfriend of Samantha, or you call her Sam. I'm hanging out here at the bar, and guess what? Kasama ko si Paul. Yung sinasabi ni Sam nung tuesday. Friday palang ngayon, wala akong magawa sa bahay kaya nag bar muna ako. And nag sine kami kanina. Wala pa naman akong pasok kasi sa monday pa ako magsisimula. Tinanong ko naman yung Dean kung pwede na akong pumasok nung wednesday pero ayaw nya, pinilit ko pa nga pero ayaw nya talaga, para daw hindi ako mabigla. Tsk, bat naman ako mabibigla? Sanay naman na ako. And kasama ko naman si Sam. Good news nga pala, napapayag ko si Dean na magkaroom kami ni Sam. Basta daw gawin ko yung makakaya ko. Hmm. Hindi naman kasi ako ganun kagaling gaya ni Sam. Si Sam? Matalino, eh ako? Hindi ako ganun katalino.

"hey" sabi nung isang lalake. Matangkad sya, matangos ang ilong, makakapal ang mga kilay, his kissable lips, damn! Napakagat ako sa labi ko. Shet! Medyo singkit sya. Ngumiti ako. "are you alone?" he asked with his husky voice.

"mm" tango tangong sabi ko, hindi maalis sa mukha ko ang ngiti. Shit! Ang gwapo nya.

"so can I join you?" he asked again. Nakangiti sya saken at ang gwapo nya sa ngiting yun.

"sure!" sagot ko naman. Nasa stool kami ngayon at nakaharap sa bartender.

"two All Saint Cabernet Sauvignon please" he order

Dali dali namang naglagay yung bartender sa wine glass.

"so what are you doing this day?" he asked

"uhm, I just enrolled in Axton" I said. Ngumisi naman sya. "how 'bout you?" I asked

"Busy in school" he said. Hmm. School boy. I like it.

"then why are you here?" tanong ko saka ako uminom. Naramdaman ko naman ang pagdaloy ng napakapait na liquido sa lalamunan ko. Ramdam ko agad ang init.

"I'm here to relax" sagit nya naman, saka sya uminom pero hindi parin nya tinatanggal yung tingin nya sakin.

"relax? Are you kidding me? Busy in school but you've got to relax? Haha" sarkastikong tanong. Ngumisi naman sya, at ang gwapo nya sa ngising yun.

"hey, bro she's my date" Sumulpot si Paul sa likod ko saka nya ako hinila. Muntik pa akong madapa dahil sa lakas ng pagkakahila nya
"bago ka kasi makipag usap, tanungin mo muna kung may date na sya o wala" dagdag pa nya. Tumingin ako kay---what's his name? Aughh! Bopols you dont even ask. Ngumisi lang sya sa sinabi ni Paul.

"Actually I asked her" sabi nya saka nya ako tinuro "I asked her if she's alone and she said yes" sabi pa nya. Tumingin sakin si Paul ng pagkasama sama.

"you said that?" sabi nya ng nakakunot ang noo. Medyo nag iikot narin ang paningin ko dahil sa ininom ko, hindi ko alam na hard pala yun.

"yes" sagot ko saka ako ngumisi

"why you didn't tell him na ako ang date mo?" he asked again.

"and why would I? I don't even know you" tumingin ako kay---Aughh! Basta yung kausap ko kanina. Kinindatan ko sya,ngumisi naman sya.

"hindi ka naman pala kilala eh" sabi nya, nagulat ako kasi bigla nya akong hinila sa may bewang ko.shit! "so, may you excuse us" sabi nya, saka nya ako iginaya sa labas ng bar. Nakita ko naman ang expression ni Paul. Nakatulala lang sya nung nilayasan namin. Haha.

'sorry but not sorry, amboring mong kasama. Tsk'

Pagkalabas namin, madilim na pala, kanina kasing pumunta ako dito hindi pa masyadong madilim. Tumingin ako sa kasama ko, nahuli ko naman syang nakatingin sakin. Ngumiti ako, ngumiti din naman sya.

"kilala mo yun?" tanong nya, hindi ko naman agad nakuha yung gusto nyang sabihin

"who?" I asked back

"yung lalake kanina? Kilala mo?" pag uulit nya

"uhm, yes...lagi nya akong kinukulit kaya pinagbigyan ko" mahinahon kong sagot. Ramdam ko na talaga na umiikot ang paningin ko. Gaano ba kahard nun, loko tong kasama ko ah

"eh pano kung nalasing ka at may ginawa sayo?"

"wala naman siguro" sabi ko

"iba na ang mga kalalakihan ngayon" sabi nya ngumisi naman ako

"so iba ka din?" tanong ko

"naiiba, kasi ako ang pinakagwapo" sagot nya naman saka sya ngumisi. Ngumiwi ako dahil sa sinabi nya. May pagkamahangin din to eh. Walangya!

"uhmmm. By the way, what's your name?" I asked

Nandito kami ngayon sa labas ng bar, gaya nga ng sabi ko kanina. Nasa tapat kami ng isang kotse at nakasandal, ewan ko kung sa kanya ba to. Hindi naman kasi akin. Actually wala akong dalang sasakyan, kasi nga sinakay ako kanina ni Paul, kailangan ko atang mag commute ngayon. tsk.

'ano kaya kung balikan ko nalang si Paul don?'

Ihh. Ayoko ng kasama yun. He's so disgusting. Aughh!

"just call me Rey" sagot nya "and you are?" taas kilay nyang tanong. Inabot nya sakin yung kamay nya, kaya inabot ko din at nakipagshake hands.

"Im Denise" I answered

"what should I call you?"

"you can call me Den" I said

Tumingin ako sa langit, maraming mga bituwin ngayon. Sinulyapan ko Rey at nakatingin din sya sa langit, pasimple akong napangiti. I like this guy.

"wala ka na bang pupuntahan?" he suddenly asked

"wala naman na, why?" tanong ko, tumingin ako sa kanya, pero nakatingin parin sya sa langit

"hatid na kita, if you mind?" sabi nya, saka sya tumingin sakin. Hindi ako sumagot. "ok lang kung ayaw mo?" dagdag pa nya, napangiwi naman ako

"kidding me? Mangyayaya ka tapos aayaw?" sarkastikong tanong ko

"no not that, baka kasi ayaw mo din kaya tinatanong kita" sabi nya naman. Palusot eh. Goshh! "so pwede ba kitang ihatid?" taning nya ulit. Ngumiti naman ako

"sure" nag aalanganin kong sagot, mukhang napansin nya naman yun

"wala akong gagawing masama sayo,wag ka mag alala" sabi nya. Napatawa ako dahil sa sinabi nya

"wala naman akong sinabi ah?"sabi ko saka ko pinalo yung dibdib nya. Shackssss! Antigas! Nahiya naman ako sa ginawa ko "uhmm, sorry" sabi ko. Napatawa sya.

"ok lang haha...so lets go?" ngumit ako saka tumango. Iginaya nya ako papuntang kotse nya. Hmm.

Im starting to like him. No I like him already. Shet!

Habang nagdra-drive sya hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

~~~~

"Den, we're here" sabi ng isang lalaking, napaka husky ng boses.

"ughh" ungol ko. Unti unti kong minulat ang mata ko, halos maduling ako sa lapit ng mukha nya sakin. Agad syang umiwas ng tingin saka sya lumayo "a-ah w-we're here" utal na sabi nya. Napatawa ako ng mahina.

"uhm, gusto mong pumasok muna?" tanong ko habang nakasakay parin ako.

"uhh. Hindi na. Late narin kase" sagot nya, lumabas sya ng sasakyan saka sya umikot at binuksan ang pintuan ng kotse. Agad din akong lumabas.

"thank you" I said with a smile on my face. He smile back.

"welcome, I gotta go?" sabi nya, tumango nalang ako bilang sagot.

Naglakad na sya papuntang driver's seat. Hindi pa nya nabubuksan ang pinto. Napakunot ang noo ko ng huminto sya, agad syang bumalik sa pwesto ko. Napangisi ako.

"why?" tanong ko

"uhm, can I get your number?" he asked. Saka nya inabot sakin yung phone nya.

"sure" sagot ko saka ko tinype yung number ko.

Pagkaalis nya pumasok agad ako sa bahay. Buti nalang nalang wala pa si ate kundi patay ako dun.

Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top