Chapter 11

Sam's POV

* 2  w e e k     p a s t *

I'm here at the canteen. Alone. Clyde's not with me. He told me, he's still full so he didn't bother to join me. Para akong tangang pasulyap sulyap sa magkabilang side. Tinitignan ko isa isa yung mga dumadaan sa harap ko. At wala naman akong magawa, my order is not here yet. Nag order nalang ako kasi tinatamad akong kunin mismo yung pagkain ko, ayokong magbitbit, nakakatamad. I was in my day dream when someone cut it.

"Hey, can I join you?" she asked with her beautiful smile, I can't help but to smiled back.

"sure" I answer, she pulled the chair and she sat down. Kumunot ang noo ko. What is she doing here? She's a forth year college and they have there own canteen.

"uhm" she said without opening her mouth. She want to say something. But I didn't asked her. "you're..." pag uumpisa nya, she put her finger on her chin. Nag iisip.  "hmm" she said without opening her mouth again. "what's your name again?" she asked shyly. Ah yun pala iniisip nya.

"Samantha Louise, Sam for short...." hindi ko alam kung kailangan ko pabang mag po or what kasi mas matanda sya sakin. Natawa naman sya nakikita nya kung ano ba ang pwede kong itawag sa kanya.

"I told you...you can call me ate besides I'm older than you" she calmly said. I smiled at her.

"nahihiya lang po ako,hehe" Sabi ko

"Haha" mahina nyang tawa. "masasanay ka din" she said.

"hmm" I nodded "so, ano pong ginagawa nyo dito sa campus ng highschool?" I asked curiously. Hindi parin ako sanay na tawagin syang ate

"my brother forgot his notebook, kaya dinala ko na baka kasi kailangan nya" sabi nya. I wish I could have a sister like her. She's so kind, also beautiful. And I think she's also smart.

"ah" patango-tangong sagot ko nalang.

"so how was your day in this school?" tanong nya, napatingin naman ako sa kanya

"ok naman.....ate" I shyly answered

"haha...don't be shy calling me ate" nakangiti nyang sabi, kaya nadala ulit ako. Kumain na kami. "wala ba namang nambubully sayo dito?" she asked while we're eating.

"wala naman a-ate" utal na sagot ko, natawa naman sya ng konti.

"hmm, that's ok. At least hindi ka madedepress" sabi nya

"na dedepress parin naman ate kahit walang nambubully sakin" kalmadong sagot ko

"oh?why?" saka sya uminom ng tubig at naghihintay ng sagot ko

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "andaming assignment, sunod sunod ang quiz at...." at dahil sa buset na lalaking yun. hindi ko matuloy yung sasabihin ko dahil baka kung anong sabihin nya.

"at?" tanong nya.

"wala ate hahah" tumawa nalang ako ng peke para kunwari wala talaga.

"masanay kana sa madaming assignment pero this is the best year, ang high school. Maeenjoy mo talaga" nakangiti parin sya.

"uy seb. Samahan mo naman ako oh" si Clyde. Nang matapos kumain ni ate Janine kanina. Nagpaalam na sya. Marami pa daw kasi syang gagawin. So nung natapos na ako bumalik ako sa room. At ngayon nagpapasama si Clyde pumuntang canteen dahil nagugutom na daw sya. Tsk

"dika pa kasi sumama kanina eh" singhal ko. Napanguso naman sya

"hindi pa nga ako nagugutom kanina" he said.

"pero tinatamad na akong maglakad" sagot ko naman. Mas lalo pa syang napanguso.

"sige na kasi seb" sabi nya. San ba nya nakuha yang seb seb na yan? Hindi naman Sebastian ang pangalan ko ah. It's Sam duhhh.

"kanina kapa Seb ng Seb jan. Sam pangalang ko! Antagal na nating magkakila hindi mo parin kabesado?" medyo naiinis na tanong ko. Medyo lang naman.

"Seb means bes" sagot nya naman saka umiirap.

"bes na tayo nyan?" nang aasar na tanong ko

"ay bahala ka na nga dyan! Kung ayaw mokong samahan di wag!" saka sya nagmartsa palabas ng room..

Eversince nagteransfer na ako dito, si Clyde na ang naging kaibigan ko. Ayoko naman sa iba kasi naaamoy kong nakikipagplastikan lang sila sakin. At wala din naman akong planong makipagkaibigan. Im contented with Clyde. Actually, ang sarap nyang kasama, dahil kapag naaalala ko yung mga nangyari noong nasa states pa ako, I cant help but to get sad. Pero pag kasama ko sya nawawala yun. He always say na dapat wag daw munang problemahin ang mga bagay na yon. He always say 'Your too young for unnecessary stress, you gotta live'. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi nya o makakakuha ng aral. Yeah he's right I still need to fulfill my dreams. Kaya wag ko munang problemahin ang mga yun, tsaka baka yun ang ikakamatay ko. Ayoko pang mamatay. I still need to find my------ nevermind.

Laging ganun ang eksena namin ni Clyde na kapag ayoko syang samahan, nag wo-walk out nalang. Hindi naman kasi sa ayaw ko syang samahan, tinatamad lang talaga ako. Anlayo pa naman ng canteen. Kaya minsan ayoko ng mag break. And katatapos ko lang naman kumain, baka kung ano na namang makita ko dun, bibilhin ko. Sobrang takaw ko pa naman. Haha.

Wala akong magawa, kaka break lang kanina and wala kaming next na period. Vacant. Kaya pwedeng lumabas kahit saan mo gusto. And ngayon ko lang napansin na dadalawa pala kaming naiwan dito.........ni Alrey. Pero wala syang pakialam. Naka salpak yung earphone nya sa mga tenga nya. Saka sya nakasandal sa upuan nya habang nakapikit. Mukhang wala syang pakealam kahit maraming makakita sa ganong posisyon nya. Wala syang pakialam kahit anong sabihin nila. Basta nakapikit lang sya.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Dahil sa pagkakatitig ko napansin kong yung makapal nyang kilay, napakakinis ng mukha nya, walang ka pimples pimples. Matangos ang ilong. Pansin ko din yung tumbok ng adams apple nya, napakalalake kung titignan. Yung mga mapupula nyang labi na parang ang lambot na parang ang sarap halikan. Shit!! Erase---erase--erase.

"ay kaya naman pala ayaw akong samahan" nagulat ako dahil sa pabigla biglang pagsasalita ni Clyde. Hindi ko namalayang nandito pa pala sya. Hindi pa pala sya pumunta sa canteen. "kaya pala ayaw mo kong samahan ah...kasi gusto mong matitigan si Alrey" bahagyang nanlalaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Nanunukso naman yung tingin nya sakin. "hmm" patango tango pa sya haabnag nakatingin sakin. "hindi naman masamang lumande" natatawa nyang sabi. Hindi naman ako naoffend dahil alam ko naman na joke lang yun. Minsan talaga ansama ng ugali ng baklang to. Sarap tirisin eh.

"hoi yang bunganga mo ah" paalala ko "medyo nakakasakit kana eh" dagdag ko pa

"anong nakakasakit sa sinabi ko? Nasaktan kaba?" sarkastiko nyang tanong saka sya naglakad palapit sa kinaroroonan ko.

"malapit na" sagot ko naman "konti nalang masasaktan na ako sa mga pinagsasabi mo at hindi lahat ng sinasabi mo ay nadadaan lahat sa joke. Minsan nakakaoffend parin naman eh. Kaya minsan iwas iwas ah kasi hindi mo alam nakakasakit kana" seryosong sagot ko. Hindi naman sya nakaimik sa sinabi ko, at dahil nga seryoso ako. Gusto kong matawa dahil sa itsura nya. Mukhang naguiguilty sya sa sinabi nya. Hindi ko napigilan kaya natawa na ako. "hahahahahahaha---" pero natigil sdin ako sa pagtawa dahil tinarayan nya ako. "joke lang yun nukaba...hindi ako maoofend sa mga sinabi mo kasi hindi naman totoo" sagot ko, natatawa parin ako.

"potek! Kala ko pa naman kung totoo na yung sinabi mo... Kinabahan ako seb" sabi nya. Medyo nasasanay na sya sa 'seb' ah.

"buset! Pero seryoso malapit na talaga akong maoffend. Kaya hinay hinay lang sa mga sinabi mo ah?" paalala ko

"oo na! Samahan mo na kasi ako!" nakanguso nyang sabi. Sinamahan ko nalang sya para wala na syang masabi. Baka may masabi nanaman syang mas masakit.

Makarating kami sa canteen, nagstay nalang ako sa labas. Marami din kasing tao, siguro vacant din nila. Or nag cutting classes lang.

Habang naghihintay, umupo muna ako sa upuan sa labas ng canteen. Palinga linga lang ako, hanggang sa makita ko kung sinong paparating. The devil! Tsk.
Bakit parang kung nasan ako nandun din sya? Bakit lagi kong nakikita tong buset na to!? Luminga ulit ako sa iabng direction para maiwasang makita yung mukha ng lalaking yan. Aughhh! Kumukulo dugo ko.


Hindi ko na ulit sila tinignan para hindi na nila ako mapansin. Actually tatlo silang magkakasama. Si Jaden nakangisi lang habang naglalakad,binabati lahat ng malalagpasan na girls. Si Francis naman, nakangisi sya pero nakasalpak yung headphone nya, at bahagyang nakabukas pa yung polo nya. Si---aughhh do I need to mention his name? Parang hindi bagay pag galing sa bibig ko yung pangalan nya. Ok fine. Si Kyrous naman, seryoso lang na nakatingin sa dinadaanan na akala mo may papatid sa kanya. Bopols.haha. Hindi ko alam kung bakit agad kong namemorize yung mga itsura nila ng ganung kadali. Lahat napansin ko nang ganung kabilis. Baka magaling lang talaga ako?haha. Choss!

"uyy! Sam" yan na nga sinasabi ko eh!

Dahan dahan akong tumingin sa tumawag sa pangalan ko. Bopols. Hindi lang pala ako ang Sam dito. Baka hindi pala ako yun. Pero huli na dahil nakita ko nang nakatingin sakin si Jaden na nakangiti. At hindi ko inaasahang nakatingin din pala yung dalawa sakin.tsk. Pagkamalas malas nga naman.

"ba't mag isa kalang dito?" tanong nya nung makalapit na sila sakin, pero nasa likod nya lang yung dalawa.

"uhm, hinihintay ko lang si Clyde" sagot ko naman.

"aww. Nandito pala si couz?" nakangiti nyang tanong. Tumango nalang ako bilang sagot.

Nalaman kong magpinsan pala sina Clyde and Jaden. Nakwento sakin ni Clyde yun nung isang araw. Magpinsan sila dahil magkapatid ang mommy ni Clyde and daddy ni Jaden. Nagulat ako dahil sa sinabi nyang yon. All this time magpinsan pala sila. No doubt, kasi pareho silang maingay...and masayahin. Magpinsan nga. Ang sabi ni Clyde, hindi daw sila masyadong close ni Jaden. Mas close daw sila ng ate ni Clyde. Actually hindi ko pa namemeet yung ate nya. Dito din daw sya sa Axton nag aaral, she's a forth year college.

Hindi masyadong nagpapansinan sina Clyde and Jaden, dahil si Clyde mismo ang umiiwas. Sabi nya sakin, naiirita daw sya pag nasa paligid nya si Jaden. Buti hindi sya naiirita sa sarili nya? Haha. De actually I like his attitude.

"ba't nandito ka sa labas? Hindi kaba bibili ng snacks mo?" napatingin ako kay Jaden nung magsalita sya, nakalimutan kong nandito pala sila.

"uhm, tapos na kasi ako kanina, nung break" sagot ko naman havang nakatingala sa kanila, dahil nga nakaupo ako at sila nakatayo...sa harap ko.

"wait bibilhan kita" sabi nya saka aaktong aalis pero pinigilan ko sya.

"huwag na. Thank you nalang but I'm done" sagot ko saka ko tinignan yung dalawang nasa likod nya. Parang naiinip na si Francis sa itsura nya. Nakatingin lang sya sa mga naglalakad. Hindi ko inaasahang nung magtama ang mata namin ni Kyrous. Agad akong umiwas ng tingin. Nakakailang shet!

"sige, una na kami" sabi ni Jaden saka sila naglakad. Wala namang imik yung dalawang kasama nya. Basta lumagpas na sila.

Sa tatlong linggo ko dito, si Jaden lang talaga ang lumalapit sakin, pala kaibigan sya. At si Kyrous? Lumalapit lang naman yun kung gusto nya akong asarin. Pero pag wala sya sa mood, parang wala syang nakikita maliban sa madilim na aura. Tsk.


Sinilip ko si Clyde kung nakabili naba sya o hindi. Nandun parin syang nakikipila. Antagal naman. Hindi na ako bumalik sa kinauupuan ko kanina. Naglakad lakad nalang ako sa labas ng canteen.


Nagulat ako kasi biglang may nagsalita sa likod ko. Hindi ko agad nakilala kasi nakayuko pa ako. Pag angat ko ng tingin. Nagtaka akong rinignan sya.


"hmm?" saka ko sya tinignan sa mata nya.

"uhm. Bat ka umalis sa kinauupuan mo kanina?" he asked


"u-uhm. Nangawit ako eh, kaya naglakad laakd nalang ako. Ikaw bakit ka n-nandito?" utal na tanong ko. Hindi pa kami masyadonf close kaya naman, hindi pa ako komportable sa kanya. Nagulat nga ako kasi bigla syang lumapit. Hindi ko inaasahan. Kapag kasi nagkakasalubong o magkasama sa groupings, hindi sya masyadong kumikibo o hindi nya ako pinapansin. Kaya nagtaka talaga ako ngayon.


"wala. Ang ingay kasi ni Jaden kaya lumabas muna ako" Francis answered.

"ahhh" tumango tango nalang ako.

"wala pa ba si Clyde?" he asked

"wala pa nga diba, di nandito na sana" pabulong kong sabi. Hindi naman nya ata naintindihan yung sinabi ko.

"huh?"

"wala, wala pa sya" ngumiti ako. And for the first time! I saw him smiling. Ngayon ko lang sya nakitang nagbago ang ekspresyon nya. And nag smile sya. Ang gwapo nya pala shet! Naramdaman kong uminit yung pisngi ko. Gawd baka makita nya ako. Yumuko ako dahil sa hiya. Nakita nya kaya yung pamumula ko? Hindi naman sana.

"oh Sam?Francis?what are you two doing here?" nanunuksong tanong nya. Pinandilatan ko naman sya ng mata.

"wala naman, kinausap ko lang si Sam" nakangiting sagot naman ni Francis. Tinignan ko si Clyde at hindi parin maalis sa kanyang mukha ang nanunukso. Bwisit to.

"halika na nga" hinila ko si Clyde dahil baka hindi nya mapigilan yung bunganga nya at tuksuhin ako kay Francis.

"uy dito muna tayo" pagpigil sakin ni Clyde. Nandito kami ngayon sa tapat ng library. Kung gusto mong magtambay sa tahimik na lugar pwedeng pwede ka dito kasi bawal ang maingay kahit nasa labas ka. Baka siguro ma disturb yung mga nasa loob. Kahit medyo malayo maririnig parin namna kung lalakasan mo yung boses mo. Umupo kami sa isang sementong upuan. Umupo din si Clyde sa kabila. Kumakain lang sya habang ako nakatunganga lang. Hindi muna ako nagsalita dahil ayoko syang maistorbo. Baka mabulunan pa, kasalanan ko pa.

Ilang minutes pa naman bago magsimula ulit yung klase. Kinuha ko muna yung cellphone ko sa bulsa ko. Matagal pa siguro tong kasama kong kumain. As I open my phone. I received a text message. Hindi ko alam kung sino kasi hindi ko pa binubuksan.

As I open it. I saw the text message from my mom.

From Mom:
Hey Sammy. Hindi kami makakauwi ng dad mo. He has a lot of work kaya kailangan ko syang tulungan. Take care my princess.

Compose message:
Ok mom. Take care.^_^

  

Bimalik kondin ulit sa bulsa ko yung phone ko. Hindi ako pwedeng maglaro kasi may klase kami mamaya. Baka hindi matapos. Mawawalan ako ng tickets. At wala akong balak maglaro ngayon, wala ako sa mood. Siguro sa sabado at linggo nalang. At saka marami din akong ginagawang mas importante. Pagkatapos nalang siguro ng mga ginagawa ko. Makakantay naman yan. Yung grade hindi pwede. Sinulyapan ko si Clyde at patapos na sya sa kinakain nya. Plastic nalang yung natira eh. Umiinom na sya ng juice at paubos narin. Hindi man lang ako binigyan o inaya man lang kumain. Minsan bastos din to eh. De joke lang katatapos ko din naman kaya ok lang  haha.

"hindi ka paba tapos jan?" kunwaring naiinis kong tanong

"teka lang naman! Alangan isubo ko agad lahat. Pano kung mabilaukan ako" nakangusong sagit nya. Natawa naman ako sa sinabi nya.

"pake alam ko kung mabilaukan ka?hindi naman ako yun eh kaya ok lang" natatawang sagot ko

"ay bastusan lang?"

"hahahahah" tumawa ako at nakanguso parin naman sya. Haha. "halika na nga" tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Maglalakad na sana kami papuntang room nung may tumawag ng pangalan ko.

"SAMANTHA!" sigaw nya. Hindi ko pa nakikita kung sino. Mukhang pamilyar na sakin. Baka magkaboses lang sila?

Tumingin ako sa pinanggalingan nung boses nayun. Nanlalaki ang mata ko sa nakita ko.

'anong....anong ginagawa nya dito?!"


What is she doing here? Kailan pa sya nakabalik? Ba't hindi nya sinabi sakin? Hindi parin pala nagbabago. Haysss!



Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top