Chapter 10

Sam's POV

"excuse me" nagulat ako sa bigla nyang pagsasalita. And yeah kanina pa kami naglilinis and until now hindi pa din kami tapos. Hindi ko akalaing ganun pala talaga kalaki yung stock room. Kala ko malaki na yung iniisip ko pero mas malaki pa pala,potek. I didn't expect it. Dalawa lang kami ni Alrey ang nandito, hindi sya nagsasalita kanina pa. Yung 'excuse me' lang ata. Hindi man lang mag open ng topic sana! Napapanis ang laway ko pag sya ang kasama ko.

Tinuloy ko nalang ang paglilinis dahil nakakahiya naman dahil kanina pa sya naglilinis. Hindi nga ako masyadong marunong kaya hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Magwawalis ba o magpupunas. Hindi naman kasi ganito karumi ang stock room. May konting alikabok. At malalaman mo talagang hindi ito napapabayaan. Nalilinis araw araw, at dahil sa parusa namin. Kami ang naglilinis ngayon dito. Sa kasamaang palad parang mag isa pa ako dito dahil hindi man lang nagsasalita tong kasama ko. Ni hindi man lang tumingin basta nagwawalis lang sya. Kinuha ko nalang yung punas at nagpunas sa mga shelves.

"oh my god! I'm sorry hindi ko sinasadya" sabi ko matapos ko syang mabangga, dahil sa pagseseryoso sa paglilinis hindi napansin nasa likod ko pala syang nagwawalis, nakatingkayad kasi ako para maabot yung pinakamataas na parte ng shelves.

"ok" walang reaksyong sagot nya.

"wait" pagpigil ko sa pagpapatuloy nyang paglilinis "ganun ba ako kasama sa tingin mo?" tanong ko. Bahagyang kumunot ang noo nya. At nagtatakang tumingin sakin.

"anong sinasabi mo?" tanong naman nya.

"bakit ba hindi ka man lang nagsasalita?" bahagya ng kumunot ang noo ko

"tsk, alangan naman magsalita ako ng mag isa?" sarkasrikong sagot nya

"bakit hindi mo ako kinakausap?" tanong ko ulit

"diba, pinapunta tayo dito para maglinis at hindi para mag usap?" sagot nya saka nya, pinagpatuloy ang ginagawa nya kanina. Hindi na ako nagsalita, at napapahiyang pinagpatuloy ko narin yung ginagawa ko. Harsh nun ah? Napahiya ako, promise. Baka hindi ko matagalan tong klase ng taong to. Mapapanis talaga laway ko nito. Hayss. Cute nga weird naman. Tsk tsk. Hindi padin sya nagsasalita at ni hindi man lang sumulyap sakin kahit isa man lang. Naglilinis padin sya. Bahagya syang nakaharap sa gawi ko. Patuloy pa din ako sa pagpupunas habang nakatingin sa kanya. I'm curious about him. I want to know more about him. And it's like interesting. He's too quiet, I can't believe of what his doing, buti natatagalan nya.

"don't stare at me" nanlalaki ang mata ko sa sinabi nyang yon! At mas lalo akong nagulat ng tumingin sya sakin! Pawisan na yung noo nya at medyo bumabakat nadin ang katawan nya sa t-shirt dahil sa pawis. At hindi ko ipagkakailang maganda ang katawan nya! He's so damn hot! God nagkakasala tong mata ko. Sobrang init din dahil walang aircon. At nakabukas lang lahat ng bintana at pinto, dun lang pumapasok yung hangin kaya talagang pagpapawisan kami,shett!

"excuse me? Hindi kita tinititigan ok?wag kang feeling" pagpapalusot ko

"tch" singhal naman nya. Tsk di man lang talaga mag open ng topic. Hindi man lang magtanong.

Hindi talaga ko mahilig mag open ng topic. Kung may gustong kausapin ako dapat sya ang mag iisip kung anong pag uusapan namin. Hindi yung ako pa. Magsasayang lang ako ng laway and also my energy. Hehez.

"what is your name by the way?" nanlalaki ang mata ko nung bigla syang nagsalita. Tumingin muna ako sa paligid kung may tao ba? Baka kasi hindi ako yung kinakausap nya. Mapapahiya na naman ako kung ganon. Bumalik ang tingin ko sa kanya at hindi ko inaasahang nakatingin na pala sya sakin. Nagulat ako dun.

"ako ba?" takang tanong ko habang nakaturo pa ako mismo sa sarili ko. Hindi pa din ako makapaniwala. Bahagya naman syang natawa sa inasta ko.

"may kasama pa ba tayo dito? Na hindi ko nakikita? " sarkastikong tanong nya habang lumilinga linga pa. Natatawa parin sya. Bipolar din ang isang to. Tatawa tapos mamaya seryoso ulit.

"wala" napapahiyang sagot ko

"kaya nga I'm asking 'you'" diniinan nya pa talaga yung you. Para mangumpirma lang kung talagang ako. May nakikita na agad? Adik ka ba? Hindi ako sumagot sa kanya at nagtungo nalang. Hindi ko malabanan yung tingin nya. Parang nalulusaw ako. Pakinengshet! Nanlalambot tong tuhod ko sa titig nya.
"hey I'm asking you?what's your name?"

"Samantha Luoise" sagot ko saka ako tumingin sa kanya. Mas gumaan ang pakiramdam ko dahil nakikita kong malumanay na ang mga mata nya. Kanina kasi mukhang aapoy na. Galit ba sya kanina? Bakit ganun sya makatingin, konti nalang aapoy na ako.

"hmm. So should I introduce my self or not?" tanong nya. Ngumiwi naman ako

"no need" natatawang sagot ko.

"oh? You already know me?" takang tanong nya.

"of course your my classmate. Don't you remember duhh" I rolled my eyes "nagtataka nga ko kung bakit hindi mo ako kilala?"

"tssk, I dont care to my surroundings" walang ganang sagot nya. Napanguso pa ako dahil sa sinabi nya.

'WTH?'

"but why are you talking to me now?" tanong ko, hindi naman sya makatingin ng deretso sakin. Wew

"kase nakuha mo ang atensyon ko" mahina ang pagkakasabi nya pero sakto lang yun para marinig ko

'huh?what is he saying?'

"are you kidding me?" sarkastikong tanong ko

"nope"

"what I did?para makuha ko ang atensyon mo?" I asked. But he just shrugged his shoulder.

"ewan, basta napansin nalang kita. You're pretty, so bakit hindi ko yun makikita?" sagot nya

"you dont care to your surroundings right? Bakit ako? Napansin mo? And bakit hindi mo ako kilala kung ganon?" nakataas ang kilay ko habang tinatanong iyon.

"Actually I know you, I just want you to introduced your self" kibit balikat paring sagot nya. Hindi sya nakatingin sakin at sa mga libro sya nakatingin

"tss, nice try" pabulong ko, narinig siguro nya dahil napatingin sya sakin.

"are you saying something?" kunot noong tanong nya.

"nothing" saka ako nag iwas ng tingin
"teka pero diba ayaw mo kong kausapin?" dagdag ko

"I want to talk to you" natatawa nyang sabi, nagkamot pa ng ulo "pero natatakot ako" pagpapatuloy nya. Lumaki naman ng bahagya ang mata ko

'natatakot?seriously?!wth?ganon ba kasama ang mukha ko para matakot?'

"ba't ka naman natatakot sakin? Sobrang sama ng mukha ko para matakot ka?" sarjadtikong tanong ko

"no" napapailing nyang sagot "I mean, natatakot ako kasi parang ang sungit mo" singhal nya. Napatawa naman ako dahil sa rason nya.

'mas masungit ka kaya'

Kaya pala hindi pinapansin o kinakausap dahil natatakot ang loko. Bading ba sya? But I admire him. Yung iba kasing lalake jan, ay gusto nila yung medyo masungit, kasi interesting daw. Pero hindi ko ginagawa yon para lang may gumusto sakin. Ginagawa ko yun para alam nila kung sino ang dadaliin nila.

"hahaha, kaya hindi ka nalang nagsasalita?" tanong ko, napangiti namna sya. He's so cute!

"yeah, at the same time nahihiya din ako" nakangiti paring sabi nya

"bakit naman?" pang eechos ko

"ewan basta, nahihiya ako" sagot naman nya

Sya palang siguro ang nakilala kong mahiyain na lalaki. Yung mga ka klase ko non sa state. Walang hiya.haha. Feeling close din. Sometimes, they give chocolates, bear, flowers, and so what ever. Kinukuha ko naman. Yung chocolates, tumitikim lang ako then binibigay ko na sa mga pinsan ko. Yung bears ang iniipon ko. Actually they know my favorite bear. I have 97 bears now. May iba iba silang sizes. Lahat yon inuwi ko na dito sa Pinas. I'm going to stay here for good.

Tinignan ko sya ng nakakalokong ngiti. Namula naman sya. Gotcha. Hindi naman sa assuming ako, I smell something...hmm. Wag na nga, sabihan pa ako ng assuming.

"pero bakit ganon? Kapag kinakausap kita napakasarkastiko mo? Napakasungit" binulong ko nalang yung last word na sinabi ko at mukhang hindi naman nya yun napansin.

"para mawala yung hiya ko" sagot nya

"nawawala ba ang hiya pag ganun?" sarkastiking tanong ko naman

"for me, yes. Nawala nga diba?....pero bumalik din" napatulala ako sa nakikita ko. From now on hindi na sya cute....

Kasi sobrang gwapo nyang ngumiti. Gawd! Hes so damn hot and handsome! Uminit ang pisngi ko. Pakinengshet! Hindi ko din mapigilang mapangiti dahil sa ngiti nya. Nadadala ako! Hindi ko alam kung gaano ko syang tinititigan. Hindi padin naaalis yung ngiti sa labi nya. At parang mas lalong uminit ang mukha ko.

Natauhan ako sa pagkakatitig sa kanya. Hanggang ngayon ay nakangiting nakatingin parin sakin. Nag iwas ako ng tingin. Ang pula ko na siguro ngayon. Sa sobrang pula, para na akong sili dito. Isabay mo pa ang pawis.huhhhhh. Megawd!

"hindi pala tumititig ah?" pabulong nyang sabi, pero dinig na dinig ko yun. Nanlalaki ang mata ko.

"ano sabi mo?!" medyo sinigaw ko yun

"wala, haha" tawa nya

Nagpatuloy kami sa paglilinis. Malapit na naming matapos. Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko kasi at least ngayon pinapansin na nya ako. Napangiti ako, nang maalala ko yung sinabi nya kanina. Takot?sakin? Haha. Hindi ako masungit, medyo lang haha. Mabait ako, sa mabait.

"Antagal mo naman" naiinis na sabi ni Clyde. We're here at the cr. Katatapos ko lang magbihis. Halos wala ng tao dito sa.school kasi uwian na. Nagpasama ako kay Clyde kasi natatakot ako. Medyo malayo pa naman tong cr sa gate.

"antagal mo, ate girl" walang ganang sabi nya.

"may lakad kaba?" inis ding tanong ko. Ayoko sa lahat yung pinapabilis ako.

"wala" sagot naman nya

"ba't mo'ko pinapabilis kung ganon?" I asked.

"natatae na ko ano ba!" inis naman nyang sabi. Natawa naman ako pero hindi ko yun pinahalata sa kanya dahil inis na inis na talaga sya.

"mauna kana nga, baka kung ano pang mangyari sayo jan" bigla namang nagtaka yung mukha nya

"bakit? May gagawin ka pa ba?" namimilipit nyang sabi, sobrang sakit na siguro ng tiyan nya "uwian na oh" dagdag pa ny

"nakalimutan ko kasi yung notebook ko, may assignment tayo don. Hindi ko naman pwedeng iwan yun, sabado pa naman bukas, kung gusto mong mauna, una ka nalang kaya ko na" sabi ko

"hindi kana natatakot? Sumasakit na talaga auchhh!" namimilipit parin sabi nya. Naguiguilty na tuloy ako

"hindi na,sige na....una ka nalang kukunin ko lang naman, nasa locker ko kasi. Iniwan ko pala kanina" sabi ko sabi naman. Nakahawak parin sya sa tiyan na. "nasobrahan mo nanaman sigurong kumain" hindi sa naninisi ako. Minsan matakaw talaga sya. Pero hindi mo naman mahahalata sa payat nya. Yeah. Payat sya, kahit andami nyang kinakain payat parin sya. I wish I could be like him, na kahit gaano karami ang kinakain nya hindi sya tumataba! Pag ako, ambilis kong tumaba! And I hate it.

"ano ba" naiinis na sya talaga

"sige na, mauna kana. Susunod din naman ako" natatawang sagot ko. Ngumuso sya, kaya mas lalo akong natawa "ingat!" pahabol ko pa pero parang wala na syang narinig dahil sa bilis nyang tumakbo, nag aaboroto na siguro yung tiyan nya.

Naglakad ako papuntang second floor kasi nandon yung locker namin. Hindi ko talaga maiwasang ma guilty, nagpasama pa ako, dahil lang sa natatakot ako. Actually, sinasabi na nya kanina na sumasakit na daw yung tiyan nya, pero pinilit ko parin. I thought, mapipigilan nya pa yun, pero hindi na pala.

'I'm sorry Cylde.hihi'

I was about to step at the last stair but someone collides with me. I close my eyes, 'cause I think I was about to fell. Pero hindi ko naramdamang bumagsak ako. Unti unti kong minulat ang mata ko. At hindi ko inaasahan, nakapulupot na ang kamay ng walang emosyong mukha ng isang lalake. I blinked my eyes as I stare at him, yung makapal nyang kilay, mahahaba nyang pilik mata, ang sinkit at walang emosyong mata na ngayon ko lang napansin singkit pala, ang matangos nyang ilong...... Ang mapupuli nyang labi, na parang ang sarap halik---wth Sam?! Erace erace!!! Ughhhh!

"ano ba!" sigaw ko, dali dali kong inalis yung kamay nya sa baywang ko. Bumitaw naman sya.

"tsk, ikaw na nga tinulungan, ikaw pa galit?" tanong nya

"hah! Kung sana hindi mo ako nabangga edi sana hindi ako muntik mahulog" sagot ko naman

"eh kung tumingin ka sana sa dinadaanan mo, di dika sana nabanggga sakin" sagot pa nya. I want to curse him. Damn! "ba't dika nalang kasi magthank you kasi sinalo kita" mayabang pa nyang sabi. I rolled my eyes.

"I don't care! Kasalanan mo din naman, kasi kung nakita mo ako, di sana tumabi kana diba?bopols" sabi ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at walang lingunang tinignan sya, at salamat naman at hindi na sya sumunod pa.

Pagkakuha ko ng notebook sa locker agad din akong bumaba. Wala na akong naabutang Kyrous kung saan kami nagkabangga kanina.

'umuwi na siguro, buti naman'

Nasa loob palang ako ng school tanaw ko na yung sasakyan namin. Mas binilisan ko ang paglalakad, para makarating agad don. As I open the door of the car. I saw manong, he's sleeping. Napagod siguro kaya hindi nya ako napansin. Pumasok nalang ako dahil hindi naman yun naka lock.

"manong....tayo na po. Sorry po kung pinaghintay ko kayo" saka ko sya tinapik. Gulat naman syang napatingin sakin

"ay pasensya na hija. Hindi ko namalayang nakasakay kana pala" sabi nya. Then he start the engine of the car.


Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top