Chapter 1

Sam's POV

"Samantha wake up!!"nabulabog ako sa sigaw nya.Dinilat ko ang mga mata ko ngunit napapikit ako ulit dahil sa sinag ng araw. Nakakasilaw!

Tanghali na pala. Kaya pala nagsisigaw na sya. Lagi syang sumisigaw pag alam nyang late kana.

'pero wala naman akong pasok, vacation palang ngayon,why is he waking me up?' tanong ko sa isip ko.

"Samantha are you still not awake?!Samantha!" sigaw nya ulit habang kumakatok ng napakalakas. As in ang lakas na para bang wawasakin na nya yung pinto ko. Gawd!

Hindi parin ako bumangon. Hindi din ako sumagot. Nanatiling nakadilat ang mga mata ko. Ayoko pang bumangon, gusto ko pang matulog! Pero parang wala na akong magagawa.Tss!

"Hihiga ka nalang ba dyan?!" nagulat ako kasi malapit na yung boses ng taong sumisigaw. Hindi ko namalayang nakapasok na pala sya.

"Ang aga aga pa naman" sagot ko habang humihikab pa.Nakapamewang sya at nakakunot na ang noo. Tss. Umagang umaga.

"Wow! Maaga pa sayo ang alas dose?!"parang hindi makapaniwalang tanong nya.Ays. Alas dose na pala hindi ko namalayan ang oras. Napasobra ata tulog ko.

Kaya pala umagang umaga nagbubunganga nato. Tumayo ako at walang salitang nilagpasan sya at lalabas na sana ng pinto ng...

"Where are you going?!"nakakunot noo paring tanong nya.

"Bababa"kibit balikat na sagot ko

"Tss"umirap pa saken saka tinuro ang cr. "Take a bath first" dagdag pa nya.

"but----"sasagot pa sana ako kaso sumeryoso na yung mukha nya. Seryosong seryoso na talaga. Nakakatakot. Kaya wala na akong nagawa kundi pumasok sa banyo at naligo.

Nakalimutan ko ayaw na ayaw pala nyang pumunta sa hapag kainan pag hindi ka pa naligo,lalong lalo na sa umaga. Sa tanghali ok lang naman na kasi nakaligo ka naman na sa umaga. Pero never ko pa naman nakasama syang kumain sa tanghali kasi parati sya sa School. Sa gabi naman ok lang kasi pagod sya kaya hindi na nya pinapansin pa. Always ding marami syang ginagawa.

Pagkatapos kong maligo bumaba agad ako sa dining. At naabutan ko naman si mom na nagluluto. Sya palaging nagluluto pag umaga. Gusto naman daw nya kaming pagsilbihan. Kase pagtanghali o gabi na yung mga kasambahay na namin yung gumagawa ng gawaing bahay pero paggusto naman ni mommy na sya nalang gumawa,pinauubaya naman nila.

Naamoy ko yung niluluto nya, pancakes!

'bango!'

"Morning mom!" masayang bati ko sa kanya saka ako humalik.

"Morning"sagot naman nya saka nya hinalikan yung noo ko. "how's your sleep?" tanong nya sakin. Umupo na ako sa chair then nangalumbaba. "Samantha" nagulat ako kasi bigla nya akong tinawag sa pangalan ko. Minsan nya lang tawagin ako sa first name ko. Yung pagtawag nya sakin ay yung binabalaan ako. Nagtataka naman akong tinignan sya. "don't do that in front of food" saka nya tinuro yung posisyon ko. Kaya naman tinanggal ko na.

"how's your sleep?" pag uulit nya sa tanong nya kanina.

"tss, dad wake me up" nakangusong sagot ko. "wala naman akong pasok eh, one month pa tss" dagdag ko pa. Hindi ko parin inalis yung pagkakanguso ko.

"because its too late, yayain kapa sana ng kuya mong gumala pero hindi kana nya nahintay kaya pumunta na sya mag isa. Sabay na silang nagbreakfast ng daddy mo" nanlalaki bigla yung mata ko sa sinabi ni mom.

"ba't di nya ako inantay?" nakangusong tanong ko.

"antagal mo kasing magising eh, ilang beses kang tinawag ng daddy mo pero hindi ka parin gumigising. Nakakain na din sila pero wala padin. Kaya kinuha na ng daddy mo yung susi para makapasok sya" paliwanag nya

'wala talaga syang pasensyang maghintay'

"kumain kana Im already late" sabi nya ng nakanguso.

"ba't nyo pa kasi ako inantay?" naguiguilting tanong ko.

"because I want to take care of my princess" saka nya ako niyakap.

"you already did mom, sa ngayon ako naman po mag aalaga sa inyo" masayang sabi ko

"tss,kailan kaya? ngayon palang late kana nagigising" sagot nya

"next time mom ipagluluto ko po kayo" sabi ko bigla namang nagtaka yung mukha nya

"talaga?!"di makapaniwalang tanong nya "ni hindi mo nga alam magluto ng itlog eh" natatawa nyang sabi.

"mom naman matututo rin ako" saka ako ngumuso sa kanya.

"kailan kaya yun?" saka nya nilagay yung hintuturo nya sa isip nya na kunwari nag iisip kung kailan ba talaga. Natawa naman ako sa itsura nya.

"mag aaral akong magluto or magpapaturo ako kay manang" siguradong sagot ko.

"ok sige" sagot nya na natatawa pa. Tss. Who you kayo pag marunong na ako.haha " I have to go my princess I'm late,take care" sabi saka nya kinuha yung susi ng kotse nya

"bye take care" sagot ko naman sa kanya.

"hintayin mo nalang yung kuya mo ok?" paalala nya habang nakasakay na sa kotse at nakadungaw langsa bintana.

"ok po" sagot ko saka ako kumaway sa kanya,matapos umalis si mom dumeretso na ako sa kwarto ko wala naman akong gagawin.

Everyday wala si mom and dad si kuya naman kung saan saan pumupunta hindi man lang nya ako sinama.

'antukin ka kase'

Kahit bakasyon, wala parin si dad and mom kasi si dad marami syang inaasikasong papeles sa school. He's the school owner and also the dean. Si mom naman ay sa office, pinamana sa kanya ni lolo non bago sya namatay,mother side.

Kay daddy pinamana naman sa kanya ni lolo sa father side din. Namatay na yung grandparents ko sa father side, sa mom ko naman ay si lola nalang.

Namatay yung grandparents ko sa father side nung bata pa ako, sa pagkakaalala ko eh mga four years old palang ako. So hindi ko sila masyadong kilala. Pangalan lang nila ang nalalaman ko. Si kuya ang nakakakilala sa kanila pero hindi pa naman gaano kasi seven years old palang sya non.

Sa pag iisip kong yun hindi ko namalayang nakatulog pala ako ulit.

Nagising ako sa pagkakatok kung sino man yung taong yun. "Sam gising na...ano ka bang bata ka hindi kapa kumain ng tanghalian" rinig kong sabi ni manang mula sa labas ng kwarto ko. " Sam baka magkasakit ka nyan pagalitan pa ako ng mommy't kuya mo!"sigaw pa nya

Yeah concern na cocern talaga sakin si mommy't kuya. Concern din naman sakin si dad pero pag alam nyang kasalanan ko hindi yun magagalit kung sino man ang nakasakit sakin. Ako pa papagalitan pag ganon. Minsan pinapagalitan din nya si mom and kuya kasi daw lagi nila akong kinukunsinte kaya daw tumitigas ang ulo ko.

Bumangon na ako at nag ayos ng sarili ko bago ako bumaba. " manang wala paba si kuya?" tanong ko habang pababa ng hagdan, nadatnan ko syang nanonood ng tv. Pinapayagan kasi sila ng parents ko na manood pag tapos na sila sa ginagawa nila. Hindi din naman palagi minsan kailangan mo pa silang sabihan na manood sila pagtapos ng gawain nila pero dinadahilan nila ay nahihiya daw sila or nakakahiya daw. But to my parents and kuya its ok to them,pati din naman sakin syempre. Hindi naman ako ganon kadamot.

"dumating na kanina lang pero nagpaalam din sya. May lakad daw sila ng mga barkada nya,biglaan daw" kibit balikat nyang sagot. Umupo naman ako sa tabi nya saka ako sumandal sa balikat nya.

Para ko narin namang pangalawang nanay si manang pag wala sila mom sya parati nag aalaga sakin,sya yung palaging nagpapaalala sakin pag may nagawa akong masama pag alam nyang hindi ako nakikinig kina mom and dad. Minsan kasi sinusuway ko si mom and dad,pati narin si kuya. Close kami ni manang kasi sinasabi ko sa kanya kung sino yung crush ko noon, matagal din kasi kaming hindi nagkita. Hindi ko masabi sabi sa parents ko kasi natatakot ako baka kasi pagalitan nila ako. Kaya kay manang nalang at least hindi nya sinasabi kahit kanino at kami lang ang nakakaalam and one more thing hindi naman nya yun kilala, pero elementary palang ako non. 

"ay oo nga pala,bata ka hindi ka pa pala kumakain,hala sige halika na dito at ipaghahain na kita!" sabi nya saka nya tinapik yung hita ko. Dumeretso sya sa kusina. Hindi muna ako sumunod kasi parang inaantok nanaman ako. "Sam halika na!" sigaw ni manang kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya sa kusina.

"manang ano daw po oras uuwi si kuya?" tanong ko sa kanya sabay subo. Tumingin naman sya sakin bago sumagot.

"baka mamayang 3 oclock hija" sagot naman nya.

Hindi ko kasi namalayang nakatulog pala ako ng isang oras! Kaya pala hindi ko naabutan si kuya kasi napakatagal ko pang natulog. Akalain mo yun? Isang oras eh kakagising ko lang naman kanina late na nga akong nagising eh.

"ano daw pong gagawin nila" tanong ko pa kay manang.

"ewan ko, basta nagpaalam lang sya sakin saka na sya lumabas ng bahay" sagot naman ni manang pero hindi sya nakatingin sakin.

"tss, nag disco nanaman siguro yon" dagdag ko pa saka ngumuso

"hindi naman siguro kasi maaga pa oh" sagot naman ni manang na nakaturo pa sa labas para lang makita ko na maliwanag pa.

"wala namang pinipili ang disco manang, may mga maaga palang may disco na pero karamihan kasi gabi, pero meron din namang umaga" sagot ko naman at nakita ko namang nagkibit balikat nalang sya.

" dito ka muna ah, wag kang lalabas ng bahay" biglang singit nya.

"bakit san po kayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya.

"May isasauli lang akong libro sa kabilang kanto, kaya dito ka lang wag kang lalabas babalik din ako agad kasi marami pa akong gagawin" sagot nya naman na papaalis na pero pinigilan ko sya.

"manang!" sabi ko sa kanya habang nakahawak pa sa braso nya yung isang kamay ko,nagtaka naman syang tinignan ako

"oh bakit natatakot ka bang maiwan, may kasama ka naman dito sa bahay ah" natatawang sabi nya at nanlalaki naman ang mata ko.

"tss bakit naman po ako matatakot, sa itsura kong to matatakot?" pagmamayabang kong sagot.

"eh bakit mo ako pinipigilan kung ganon?" parang sarkastiko nyang tanong sakin. At saka napamewang pa.

'tss'

"kasi nga po gusto ko po sanang ako nalang po ang magsole" sagot ko naman. Nawala yung pagkasarkastiko ng mukha nya saka kinurut yung tagiliran ko.

"araayyyy!" sigaw ko kasi sobrang sakit saka nakiliti din ako. " manang naman" nakangusong sabi ko.

" at bakit ko naman gagawin yon aber?"tanong nya at napamewang ulit

"kasi nga po marami pa po kayong gagawin diba?" palusot ko naman.

"oo pero mabilis lang ako" 

"ako nalang po,wala naman po akong ginagwa dito sa bahay eh" pagpupumilit ko *puppy eyes*

"sige na"

'yessss'

"pero mag ingat ka" paalala nya

"oo naman po, nasa village parin naman yun manang eh" sagot ko naman saka ngumisi.

"ah basta, marami ng nakakapasok na masasama ang loob dito kaya wag kang makampante" dagdag pa nya

"ok po" saka ako tumalikod " bye!" tumakbo ako ng mabilis hanngang sa makarating ako sa gate.

'San ko nga pala dadalhin to?, ayysshh an tanga lang' sabi ko sa isip ko

Tumakbo ako pabalik sa bahay at dumeretso sa kusina. Nadatnan ko naman si manang na hinuhugasan yung pinagkainan ko kanina lang.

"manang!" sigaw ko habang nakatalikod sya sakin

"ay bata ka!" nagulat sya sa lakas ng pagkakasabi ko. Natawa naman ako sa reaksyon nya. Haha. Para syang ewan.haha "bakit ba nang gugulat ka?" tanong nya habang nakahawak sa dibdib nya. Kumuha ako ng tubig dahil baka anong mangyari sa kanya syempre kasalanan ko. Nagulat sya baka tumaas yung blood pressure nya, lagot ako.

"sorry po" napatungo nalang ako

"ok lang, bakit kaba kasi nagsisigaw?" tanong nya. Tumingin ako ulit sa kanya saka ngumiti.

"nakalimutan ko pong itanong..." saka ko kinamot yung ulo ko "kung san ko isasauli" dagdag ko

"yan hindi pa kasi nagtatanong, tas nagtatakbo na" sabi nya. May kinuha syang poraso ng papel sa bulsa nya. "oh ito yung address" saka nya binigay sakin yung papel.

"sige po alis napo ako" sabi ko hindi na ako tumakbo at naglakad nalang,nakakapagod tumakbo! So wala akong choice kung di maglakad.

And at last, nakarating na nga ako sa harap ng bahay nung pagsosolian ko nung hiniram ni manang na libro.

Pipindutin ko na sana yung door bell ng bumukas yung gate. May lumabas na naka jacket, naka sunglass, at nakahoodie na lalake.

"kuya, isosole ko lang---" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi hindi nya ko pinansin. Ni hindi nya ako tinignan basta mabilis syang naglakad palayo. Ihh magnanakaw ba yon? Shemay baka nga! Kasi kita ko naman kung pano sya magtago. Pakshet!

Pero hindi naman siguro kasi sobrang higpit ng security dito sa village na to, wala pa ngang nananakawan eh. At parang hindi naman yun magnanakaw, baka tumakas lang.

"hoy kuya!! Bingi kaba?!" sigaw ko sa kanya, dahil narin siguro sa lakas ng boses ko napahinto sya.

Tumingin sya sakin pero hindi ko parin nakita yung mukha nya kasi nga nakasunglass. Tumayo lahat ng balahibo ko nung bigla syang ngumisi at lumapit sakin. Shet! Napaliyad ako ng kaunti nung itinapat nya yung bibig nya sa tenga ko. Pakshet!

"I'm not deaf ok. Wag ka nalang maingay kasi pag ako naabutan ng mommy ko, lagot ako. And if that happens, patay ka sakin" nagbabantang sabi nya. That voice, damn it's so sexy! No shit! Erase erase!!

Pagkatapos nyang sabihin yon, agad din syang umalis nang nagmamadali. Huminga ako ng malalim bago kinalma yung sarili ko. I was stunned!


Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top