Tunay Na Ina
Tunay Na Ina
“Huwag mo kaming iiwan,”
pakiusap ng ina sa kan'yang anak,
anak na mahal na mahal niya
kahit na 'di tunay na galing sa kan'ya.
Napakamapalad ko't ako ang anak na 'yon.
Ampon man akong anak ni ina
ay ako'y lubos na minahal niya.
Siya ang masasabi kong tunay kong ina.
Napakasakit marinig ang pakiusap niya.
Talagang pinapatunayan nito na mahal niya ako
kahit ako'y hindi nila tunay na anak.
Pagmamahal niya sa akin ay lubos.
Ano nga ba kasing pumasok sa isipan ko?
Ninais ko na wakasan ang buhay ko
at nariyan si ina na pinigilan ako.
Nakiusap habang siya'y lumuluha.
Si ina, isang mapagmahal na ina.
Ginagawa ang lahat para sa anak niya.
Pinatunayan na kahit ampon lang nila ako
ay ako'y inibig niya, sila ni ama ng buo.
Siya ay aking tunay na ina.
Hindi man ako galing sa sinapupunan niya
ay ako'y inalagaan niya at minahal.
Salamat sa Diyos at siya'y aking naging ina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top