Dama Pa Rin

Ako'y musmos pa lamang
pero inaaya na sa sayawan.
Ikaw ba ay bulag o nagbubulagbulagan?
Lasing ka na't wala sa katinuan?

Hindi! Alam kong alam mo!
Alam mong bata pa lang ako
ngunit pinipilit na ako'y maisayaw mo.
Wala ka bang awa sa batang tulad ko?

Kamay ko'y iyong hinawakan
at hinigpitan ang pagkakahawak.
Tama na! Ako'y nasasaktan na.
Pwede bang ako'y bitawan na?

Ako'y nakawala sa pagkakahawak mo
ngunit ako'y hinabol mo nang ako'y tumakbo.
Humingi ako ng tulong sa iba
ngunit ako'y sinabihang sa'yo ay sumama.

Nakakasakit ka na! Ikaw at sila!
Hanggang ngayon ay dama ko,
dama pa rin ang higpit ng hawak mo—
hindi pa rin pala ako nakawala.

Natatakot na mangyari ulit ang nangyari,
na baka mas malala pa kaysa sa dati.
Hinihiling na huwag naman sana
sapagkat 'di ko na kaya ang dulot na pinsala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top