Walang Hanggan
Walang Hanggan
Hapon ng ikasumpu ng Oktobre
nang tayo'y unang magkita.
Ako'y nabighani agad sa iyong mukha
at tila puso ko'y nabihag mo na.
Nagkakilala tayo ng lubusan
hanggang sa umamin ka na—
na may gusto ka sa akin
at ako ay mahal mo na pala.
Ikaw ay nanligaw sa akin
ng mahigit walong buwan.
Naging magkasintahan na tayo
at masaya tayong magkasama.
Nagtagal tayo ng mahigit apat na taon
ngunit tayo'y nagkahiwalay
dahil sa isang trahedyang 'di inaasahan.
Napakasakit na mawalay sa iyo.
Alam kong buhay ka't nakaligtas,
sana magkita muli tayo
upang makasama muli natin ang isa't isa.
Pangako, mas mamahalin pa kita.
Nagdaan ang ilang buwan,
nagkita muli tayo mahal ko.
Ngunit nakalimutan mo na ako,
hindi mo na ako nakilala.
Nasaktan ako nang lubos
pero ginawa ko ang lahat—
para maalala mo na ako.
Hindi ako nabigo sa ginawa ko.
Oktubre ikasampu ng taong ito,
tayo'y ikinasal sa harap ng altar.
Masaya ako sa kaganapang ito.
Ito na ata ang pag-ibig na walang hanggan.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
✒01/19/21
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top