Unahin Mo
Unahin Mo
Naranasan mo bang unahin ang iba bago ang sarili mo?
Anong pakiramdam?
Masaya ba?
Nakagagaan ng loob?
Nakagagaan ng loob ang tumulong, hindi ba?
Pero alam mo ba na minsan ito'y nakakasama
sapagkat inaabuso ka na nila?
Maaaring ito'y kalakasan ngunit isa ring kahinaan.
Ikaw at ako, magkakilala.
Ikaw at ako magkasama
kaya nga tayo nagtutulungan di ba?
Ikaw at ako'y sabay rin na tumutulong sa iba.
Naranasan mong unahin ang iba kaysa sa'yo.
Tama ako kaibigan, 'di ba?
Ipinakita mo ang pagmamahal mo sa kanila
pero baka napabayaan mo na ang sarili mo.
May mga payo ako sa iyo kaibigan.
Handa ka bang pakinggan ang mga ito?
Sinasabi ko sa'yo, minsan mas nakabubuti sa'yo
na unahin mo muna ang sarili mo bago ang iba.
Kasi baka sa huli pagsisisihan mo ito.
Paalala kapatid, hindi ka makasarili
kung uunahin mo naman ang sarili mo.
Mas mabuting gawin mo ito
para mas maihanda pa ang iyong sarili
at para mas makilala mo rin kung sino ka.
Sabi nila mas magandang magbigay kaysa tumanggap
pero alam mo ba na pwede iyong baliktarin?
May narinig ako na sabi niya na
minsan kailangan mo munang tumanggap
para matutunan mong magbigay.
Ito ang tatandaan mo sa lahat:
Ang isip at kilos-loob ay konektado
na ipinagkaloob sa atin ng Diyos
kaya matuto kang pahalagahan ang mga ito.
Ikaw at ako ay may sariling kakayahan
kaya atin nang ipamalas ang mga ito.
Ikaw at ako, tayo ay magka-isa
para sa ikabubuti ng lahat!
Tandaan mo rin kaibigan,
unahin ang dapat unahin!
Gawin ang mabuting gawain!
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top