Trahedya

Trahedya

Sa buhay, maraming trahedya.
Hindi mo alam kung kailan ito aataki.
Mabibigla ka na lang nang todo
Dahil napalibutan ka na nito.

Sa bawat segundong lumilipas,
Nakakapigil hininga ang mga eksena.
Tila ba huminto na ang puso
Na kanina pa malakas ang tibok.

Paano nga ba makakaligtas
Sa kulungan ng trahedya?
Kung ito ang tumatakbo sa isip mo,
Ang mamatay na lang kasama ng iba.

Sa dagat ng kaguluhan,
Makakaahon ka pa kaya?
Sa lakas ng daloy ng mga alon
Na tumatangay sa iyo pagitna.

Kailangan mong magpatuloy sa paglangoy
At sumabay sa agos ng buhay.
Mahirap pero dapat mong kayanin.
Kayanin para magpatuloy pa.

Pagdating sa dulo ay tapos na.
Tapos na ang unang trahedya.
Hindi pa iyan ang huli.
May mga susunod pa na mas malala.

Ihanda na ang katapangan.
Lulusob na si kamatayan
Pero kailangan mong lumaban
Hanggang sa huling hantungan.

~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top