Tinik ng Rosas


Tinik ng Rosas

Ako'y rosas na may tinik
Huwag ka sanang mamilit
Kung ako ay hahawakan
Sakit ang mararanasan

Damdamin ay mawawala
Di na maibabalik pa
Ang puso ay sugatan na
Ayaw ko na lumala pa

Pilit na itinatago
Hanggang ito ay maglaho
Ngunit mahirap tanggapin
Na ito ay lilitaw din

Ako'y di na makaimik
Di na muling mangungulit
Ang puso ay sawingsawi
Dahil sa masamang gawi

Bulaklak man kung ituring
Di basta-bastang pitasin
Kapag ito'y nakuha na
Di na mapapalago pa

Puso'y nag-aalinlangan
Di alam ang kalalagyan
Kagalakan na nadama
Napalitan na ng luha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top