Tayong Dalawa

Tayong Dalawa

Ikaw at ako'y nagmamahalan.
Istado sa buhay ay magkaiba man
pero ang nararamdaman ay hindi.
Pareho nating mahal ang isa't isa.

Tayong dalawa'y pinagtagpo
ngunit itinadhana nga ba?
Pagsasama natin ay tatagal pa kaya
o ito'y magwawakas na?

Ikaw at ako'y parehong lumalaban,
linalabanang sabay ang mga pagsubok
upang relasyon nati'y mas tumibay.
Kalasag natin ang bawat isa.

Sigurado na ako na tayong dalawa—
ay itinadhana nga sa isa't isa
dahil ikaw at ako'y matanda na
at inaalala na lamang ang nakaraan.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top