Tayo Ba Talaga?
Tayo Ba Talaga?
Ikaw at ako, tayo nga ba talaga?
Hanggang dulo nga ba—
ang relasyon nating dalawa?
O ito'y magwawakas na?
Pagitan nati'y milyong espasyo,
sobrang magkalayo sa isa't isa.
Paano kaya kita mapapasaya?
Kung gayong nandito ako, nandiyan ka?
Sabay tayong nangako, hindi ba?
Na susugal kahit napakahirap,
maisalba lang ang relasyon natin.
Nararapat pa nga bang ilaban ito?
Siguro mahal, tama na.
Mahal kita, mahal mo ako
pero hahayaan na kitang sumaya sa iba.
Palayain na lang natin ang isa't isa.
Masakit sa akin na isuko ka
ngunit anong magagawa ko kung—
relasyon nati'y nanlalabo na talaga?
Mas mahihirapan lang tayo.
Tayo ba talaga ay para sa isa't isa?
Hindi ko alam, 'di sigurado.
Kaya bitaw na, tama na mahal ko.
Panahon na para itigil na natin 'to.
*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top