Tama Ba?

Tama Ba?

Tama nga ba itong ginagawa?
Ang lumaban pa kahit hirap na?
May panahon pa nga ba—
upang ako'y magpatuloy pa?

Ilang beses na ba akong nabigo?
Mas mabuting sumuko na lang ako
o itutuloy pa ring lumaban?
Dahil may pag-asa pang manalo ako.

Pahirap na ata nang pahirap
itong mga pagsubok na hinaharap.
Wala na nga itong katapusan.
Hindi ko na ata makayanan pa.

Kailan kaya hihinto—
itong hamon sa buhay ko?
Ako'y nahihirapan at pagod na.
Tama pa bang magpatuloy pa?

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top