Tag-ulan
Tag-ulan
Paborito mo raw ang tag-ulan
dahil ba sa ating nakaraan?
Kung saan tayo ay mas masaya,
masayang nagtatakbuhan dahil umuulan na.
Kapag may nadulas sa atin
ay aaray lang tapos takbo na ulit.
Iyong tinitiis ang sakit sa tuhod
sa nais na tayo'y magpatuloy sa laro.
Paborito mo raw ang ulan
dahil lagi kang nakadungaw sa bintana
sa tuwing ito'y bumabagsak galing sa itaas
kasabay nang pagpatak ng iyong mga luha.
Tahan na, kasabay mo ang ulap sa pagluha.
Inaalala mo pa rin ba ang nakaraan?
Kung oo, ngumiti ka dahil nasulit mo ito
o sadyang naaalala mo ang paglisan ko sa'yo.
Sa tag-ulan ka nakadama ng saya
ngunit sa tag-ulan ka rin lumuha.
Tag-ulan noong ika'y iwanang umiiyak
dahil di mo na kayang tumakbong kasabay ko.
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top