Si Ate
Si Ate
Si ate kong maganda,
ngiti niya'y nakakaakit
kaya mga lalaki ay—
nag-uunahan para ligawan siya.
Ngunit laking pagtataka ko
na wala siyang sinagot ni isa.
Gusto niya bang magtandang dalaga?
Sa anong kadahilanan?
Naisipan kong tanungin siya.
Ako'y binigyan lang ng ngiti
at sinabing malalaman ko rin daw.
Ako'y mas lalong nagtaka sa tinuran niya.
Nagdaan ang mga taon
at ngayon alam ko na ang dahilan.
Si ate pala ay magmamadre
upang Diyos ay mas lalo niyang pagsilbihan.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top