Selda

Selda

Napapatanong ako sa aking sarili,
"Ako lang ba ang gumagawa?
Lumilikha ng sarili kong mundo
na nagsisilbing selda ko na?"

Hindi kaya'y tinulungan din nila ako?
Humingi ako ng tulong sa kanila
dahil sa totoo lang ay 'di ko na kaya.
Sa ginawa ko, hinusgahan lang nila ako.

Sinabi nila na gumagawa lang ako ng kwento,
hindi raw totoo ang nararamdaman ko
at nagpapanggap lang akong mayroon ako nito.
Depresyon ko'y totoo, 'di n'yo lang pansin.

Ngayon, ako lang ba ang lumikha?
Gumawa ng sarili kong kulungan?
O tinulungan nila akong mas pagtibayin—
ang rehas ng seldang kinaroroonan ko.

Nais kong makawala sa seldang ito
ngunit paano? Kung ako'y mas kinukulong n'yo.
Kailan kaya ninyo ako mauunawaan?
Kailan ninyo maririnig ang mga hinaing ko?

Sa seldang kinalalagyan ko ngayon,
may pag-asa pa nga bang makaalis ako rito?
Pipiliin ko na lang sigurong manatili rito
ngunit nararapat ba? 'Di ba nais kong maging malaya?

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top