Sanay Na Ako

Sanay Na Ako


Sige lang, saktan n'yo ako.
Sanay na ako, totoo.
Diyan naman kayo magaling,
hindi ba—ama, ina, kapatid?

Nasaan iyong sinasabi n'yong pagmamahal?
Bakit hindi ko na maramdaman?
Akala ko suportado n'yo ako sa lahat?
Kasalanan ko ba na sakitin ako?

Ayos lang na pagalitan n'yo ako.
Sanay na sanay na ako
kahit na sa loob ko'y durog na ako.
Konti na lang, ako'y susuko na.

Hindi ko alam kung sanay na ba talaga ako?
Napapagod na akong lumaban pa
kasi kahit pamilya ko na mismong kadugo ko
ay binibigyan ako ng rason para sumuko na.

Tama na, ako'y hapong-hapo na.
Nais ko na lamang magpahinga na.
Sawa na akong sabihing sanay na akong—
masugatan, masaktan ng paulit-ulit.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top