Sakit Ng Ulo
Sakit Ng Ulo
Sa gabing madilim,
ang isip ay nag-iisip nang malalim.
Kung anu-anong bagay ang pumapasok sa isipan
kahit na sawa na sa kakaisip.
Di pa ba pagod ang utak?
Paulit-ulit na lang na ganito.
Di makatulog nang maayos
kahit na ito'y ninanais.
Pilitin man pero ang isip ayaw kang patulugin.
Sumasakit na ang ulo.
Iniinda na lang ang kirot
at pinipigilang huwag sumigaw sa sakit
upang mga kasamahan sa bahay ay di magising.
Hanggang kailan ba magiging ganito?
Iyong itatago na lang ang sakit
kahit nais nang ipagsigawan
upang sa gayon, ako'y matulungan.
Pagod na talaga ang utak.
Masakit na ang ulo
pero di pa rin sumusuko sa kakaisip ng mga bagay-bagay.
Lalo lang pinapalala ang kirot na nadarama.
Umabot na sa puntong iuuntog ang ulo
sa paniwalang baka mawala ang sakit.
Nakakatawa, di ba?
Nais mawala ang sakit ng ulo
pero sinsaktan ito?
Parang tanga kung sabihin ng iba.
Oo nga ata, tama sila.
Natatakot naman kasing magsabi ng problema.
Baka ika'y husgahan nila at di sila maniwala.
Nag-aalanganin nang sobra
dahil baka lumala lang ang sakit nito
dahil ang utak ay iisipin na naman
ang mga sasabihin ng mga tao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top