Pighati
Pighati
Nasasaktan ako,
Di niyo ba napapansin?
Lumuluha ang mga mata,
Hindi niyo ba nakikita?
Nawawala ako,
Di niyo ba ako hahanapin?
Naliligaw na ako,
Di niyo ba ako tutulungan?
Ako ba iyong laging mali
At laging masama ang gawi?
Ano bang ginawa ko?
Mahal niyo ba talaga ako?
Iniinda ang sakit
Kahit na paulit-ulit.
Pinipigilan din ang galit
Kahit gusto ko nang manakit.
Pinipilit itago ang nadarama
Kahit sobrang sakit na.
Maipakita lang na matatag ako
At ipadamang kaya ko.
Sa bawat araw at gabi
Ay laging humihikbi.
Ang labi ay ngumingiti
Pero ang puso'y bali.
Ang problema'y sinasarili
Kahit hindi madali,
Maipakita lang na kaya pa
At hindi na kailangan ang iba.
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top