Payo Ni Ina

Payo Ni Ina

Nakaupo malapit sa bintana,
tinitignan ang ganda ng kalangitan.
Napangiti ngunit may kasamang luha
nang maalala ang payo ni ina.

"Anak, alam ko na matatag ka.
Ano mang pagsubok na dumating
ay batid kong malalampasan mo.
Manalig ka lang sa Panginoon."

Sinabayan mo pa iyon ng iyong yakap,
yakap na ngayo'y hinahanap ko.
Ina, nais kitang mayakap muli.
Sana nandito ka pa sa tabi ko.

Ngayon ako'y mag-isa na lang,
nauna kayong lahat sa langit.
Pangako ina, payo mo'y aking isasabuhay.
Pipiliin kong maging matagtag.

Ang payo mo ina—
ang siyang aking panghahawakan
hanggang sa huli kong hininga.
Ito'y gagawin kong gabay sa aking pamumuhay.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top