Para Kanino?


Para Kanino?

Ang susulatang papel ay nakahanda na.
Nasaan na ang iyong panulat?Napagnilayan mo na ba kung ano ang isusulat?
Sigurado ka na ba riyan?

Tula ang iyong naisip gawin.
Tulang may damdamin
At may kabuluhan
Na nais mong ipadama sa mambabasa.

Para kanino nga ba ang tula?
Sino nga ba ang iyong tinutukoy.
Maraming nagtataka kung sino
Pati ang may-akda ay napapaisip din.

Tula para sa mahal na pamilya
At para sa totoong kaibigan.
Tulang nais mong dinggin ng kaaway
At gustong damhin ng sinuman.

Kailangan pa bang linawin ang tula
Kung ikaw na nakarinig o nakabasa ay alam na?
Mas mahalaga ba ang tinutukoy ng tula?
O ang mensaheng ipinaparating nito.

Huwag kang maguluhan kung sino.
Unawain na lang ang laman nito
At subukang ilagay ang sarili sa tula.
Malalaman mo kung para kanino

~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top