Pamilya
Pamilya
May nagtanong sa akin—
kung mahal ko pa ba ang pamilya ko.
Napaisip ako sa sandaling iyon.
Mahal ko pa nga ba sila?
Sumagot ako, "Oo, mahal ko pa sila."
Kaya nga ako nanatili pa rin dito
kahit buhay ay gustong wakasan na.
Piniling manatili at lumaban pa.
Mahal ko sila pero mahal ba talaga nila ako?
Bakit 'di ko na madama ang pagmamahal nila?
Ako'y nakukulangan sa suporta nila.
Nararapat bang maramdaman ko 'to?
Pamilya ko nga ba talaga sila?
Bakit 'di ko madama ang presensiya nila?
Naging manhid na ba ako?
Dahil sa pighating aking nadarama?
Batid ba nilang nahihirapan na ako?
Na noon pa lang, pagod na ako.
Akala ko ba sila ang makakapansin—
na may paghihirap kang pinagdadaan.
Siguro, baka kasalanan ko rin naman.
Itinago ko sa kanila na ako'y nahihirapan,
nagpanggap akong ayos lang ako.
Ipinakitang masaya ako kahit 'di totoo.
Sinukan kong magsabi sa kanila,
ipaintindi ang kahirapang nararanasan ko.
Sila'y nakinig at ako'y dinadamayan.
Ngayon, dama ko na ang presensiya nila.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top