Pambansang Bayani
Pambansang Bayani
"Kabataan ang pag-asa ng bayan."
Naaalala mo ba ang kasabihang ito?
Iyan ang sinabi ng ating pambansang bayani
na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Pluma't tinta ang ginamit niyang sandata
upang ipaglaban ang bansang Pilipinas.
Ang mga nobela niya ang nagmulat sa sambayanan
sa mga katotohanang dapat nating malaman.
Iniidolo ko siya sa larangan ng pagsusulat.
Siya ang nagbukas sa akin ng daan
tungo sa lugar na ako'y nabibilang.
Sa lugar ng mga manunulat.
Hindi man ako gaanong makata
ngunit dahil sa kaniya'y ako'y mas natututo.
Naniniwala ako sa kaniyang kasabihan
at ito'y aking papatunayan kasama ng iba.
Isa ako sa kabataang pag-asa ng bayan.
Sa pagsusulat, aking papatunayan na ako'y isa
upang ang sakripisyo ng ating bayani
ay kailanma'y hindi masasayang.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top