Pahahalagahan Ko


Pahahalagahan Ko

Ako'y isang kabataan,
hindi natatakot lumaban.
Ipapakita ang kakayahan
at ibabahagi ang kaalaman.

Kapaligiran ay aking aalagaan.
Pagtatapon ng kalat sa kung saan-saan ay aking iiwasan
upang ang kapaligiran ay malinis tignan.
Ang kalat ko'y ilalagay sa tamang basurahan.

Pagpapahalaga sa agrikultura'y aking paiiralin.
Produkto sa bansa'y aking tatangkilikin.
Ang pagkain na hinahain para sa akin
ay aking uubusin at di sasayangin.

~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top