Paglalakbay


Paglalakbay

Naglalakad nang dahan-dahan
na hindi alam ang patutunguhan.
Bawat paghakbang ng paa
ay tila may bigat na dala.

Ang isipan ay gulong-gulo
na di na makapag-isip nang matino.
Mga mata'y namumugto
dahil sa mga luhang tumutulo.

Itutuloy pa ba ang paglalakbay
kung ang katawan ay nanlulupaypay?
Saan ba talaga ako papatungo?
Bakit tila pabalik-balik lang ako?

Ako na yata'y naliligaw sa landas
na nangangailangan ng kumpas.
Kumpas na magtuturo sa akin
ng tamang daan na aking tatahakin.

Sa sobrang pagod, ako'y napa-upo
at napasandal sa isang puno.
Marahang ipinikit ang mga mata
hanggang sa makapagpahinga na.

Pagkagising ko'y madaling araw na.
Napangiti ang labi dahil sa nakikita,
isang tanawing kay gandang pagmasdan
na nagpapagaan sa aking kalooban.

Ang pagsikat ng araw sa umaga
ay isang simbolo ng bagong pag-asa.
Simbolong nagsasabi rin na hindi ako nag-iisa
dahil laging nariyan Siya.

Bakit ang dali kong mapagod?
Isa na akong taong nakayukod,
na malapit nang humalik sa lupa
para pagsisihan ang kasalanang ginawa.

Mga luha'y nagbabagsakan na sa lupa
mula sa mga matang nagmamaka-awa
at humihingi ng kapatawaran sa Ama
dahil sa maling desisyong naisagawa.

"Hindi ka mahina kaya tumayo ka na
at ipagpatuloy ang laban na nasimulan mo na!"
Sigaw ngunit pabulong na sabi ng isang tinig,
tinig na nagpapalakas sa kabog ng aking dibdib.

Ako'y kinakabahan nang lubusan
pero salamat sa isang kaibigan
na siyang nagpalakas sa aking kalooban
at sinabing kailangan kong lumaban.

Mapagod man pero hindi susuko
dahil nagpapahinga lang ako.
Nag-iipon ng karagdagang lakas mula sa itaas
upang ang tapang na dala ay di malagas.

Kailanman ay hindi ako nag-iisa
dahil pinaparamdam Niyang nariyan Siya
gamit ang iba pa Niyang mga likha,
likhang sobrang kahanga-hanga.

Ang Diyos ang ating punong sandigan
na kailanman ay di tayo pababayaan.
Dumating man sa atin ang kadiliman
darating pa rin ang liwanag na ating inaasam.

Makakarating tayo sa ating patutunguhan
dahil Siya ang magtuturo ng tamang daan.
Wala ng anumang bigat na dala
dahil napawi na nang nakilala natin Siya.

~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top