Paboritong Tula
Paboritong Tula
Ako'y isang manunula,
maraming tula na ang nagawa—
na iba't iba ang paksa
ngunit lahat sila'y konektado.
Sa lahat ng tulang aking ginawa,
isa doon ang pinakagusto ko.
Ang paksa ay ikaw at ako
kaya ito ang paborito ko.
Ang paborito kong tula
ay ang kwento nating dalawa.
Mula nang tayo'y pinagtagpo
hanggang sa tayo'y pinaglayo.
Hindi man ako at ikaw hanggang dulo,
ang paborito kong tula—
na laman ay kwento nating dalawa
ang siya pa ring paborito ko.
Ikaw at ako ang sumulat nito
kaya ito'y napakahalaga sa akin.
Ikaw pa rin ang una't huling pag-ibig ko
kahit na hindi na ako ang iniirog mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top