Paano Ako Kung Wala Ka?

Paano Ako Kung Wala Ka?

Hindi na ba mababago ang desisyon mo?
Tuluyan mo na ba talaga akong iiwan?
Nangako ka sa akin, hindi ba?
Na ika'y mananatili lang sa'king tabi.

Hindi mo na ba ako mahal, sinta?
Kaya balak mo nang lumisan?
Bakit hindi mo ako isasama?
Dahil ba may sasalubungin kang kapalit ko?

Paano na ako mahal ko?
Babalik na naman ba ako sa dating ako—
bago ka dumating sa buhay ko?
Paano na ako kung wala ka?

Maiiwan na naman ba akong mag-isa?
Maiiwang walang kasama't kakampi.
Mahal, pwede bang dito ka na lang?
O di kaya'y isama sa paglisan mo.

May mahal ka na nga bang iba?
Siguro nga tama ang hinala ko
dahil tuluyan mo na akong iniwan.
Paano na ako mahal, ngayong wala ka na?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top